Prologue - Elle

7 0 0
                                    


What's the worst feeling you had? Every day, every single lesson I always encounter this question, whether to rate the pain or the day. Out of 10, how much pain have you felt? And I would always answer a 5. Moderate dapat yung sakit dahil walang nakakaalam, dahil hindi natin maaring ipaalam, at dahil ikukumpara lamang ang ating nararamdaman. Kada tanong na naririnig o sinasambit ng aking bibig, lagi at palagi kong sinasabi na hindi gaanong masakit. May mga naranasan na akong malala kung kaya't ito ay daplis lamang sa aking damdamin.

Kung sakali mang may magtatanong, ano yung pinakamasakit? Noong una hindi ko ito masagot. Hindi ko alam paano sasagutin dahil ayaw kong alalahanin yung mga araw na pinilit kong magsurvive. I would always ditch the memories that will reminisce the pain I endured. Ngunit isang araw, habang papalubog ang araw naisip ko na yung pinakamasakit na naramdaman ko. Ito ay ang mabuhay araw-araw. Ang kinabukasan pagkatapos ng binagyong kahapon, ang pagtapos ng araw kasabay ng mga luha, at ang pagsisimula sa pagkakadapa. Many people would find these reasons ironic as their purpose was to keep moving forward ngunit hindi ito sinasakop ang populasyon ng mga taong katulad ko. Ang mga taong naiwanan na ng haring araw at nakatira sa malamlam na sinag ng buwan.

Mahirap mabuhay araw-araw. Lumabas ng pinto para salubungin ang realidad. Ito ang tunay na realidad para sa akin. Ang mabuhay ay isang ngiting walang kapantay. Isang ngiting dalisay at masaya. Ang mabuhay ay hindi para sa akin. Ilang beses na akong lumaban para mabuhay. Upang tanggapin ang salita ng iba. Upang lunukin ang mga luha na pinilit kong itago. Sa mundong ito, sa kinalalakarang maraming tao, marahil ang isang araw ay ordinaryo o sumpa.

Ano yung pinakamasakit? Isang araw sa isang buhay. 

SomedayWhere stories live. Discover now