Stalker {1}
{Someone's POV}
"Duhh! ayoko nga kasi sayo eh! sino ba naman magkakagusto sa katulad mo?" Tinignan niya ko mula hanggang paa.
Mahal na mahal ko siya, araw-araw ko siyang sinusuyo at binibigyan ng bulaklak at chocolate pero lagi niya lang iyong binabalibag sakin.
"Ano bang gusto mong gawin ko? para mahalin mo din ako?" Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ko ang kamay niya, pero bigla niya kong tinulak kaya napahiga ako at tumilansik ang salamin ko.
"Wala! ayoko sa katulad mo! Try mo nalang mag-lako ng dictionary diyan sa tabi-tabi nang may magawa ka" sagot niya saka siya umalis, Naramdaman kong pumatak ang mga luha ko at lumingon ako sakanya.
Ang sakit, Kasi hindi manlang niya nakita yung pagmamahal ko sakanya, Ang sakit kasi tinignan niya lang ako sa panlabas na katauhan ko di niya manlang nakita yung mabuting kalooban ko, Ano bang masama sa katulad ko at bakit ayaw niya sakin? Dahil ba hindi ako kasing gagwapo ng mga varsity dito sa school? Dahil ba sa gantong porma ko?
Tinandaan ko yung araw na yun, Iniba ko ang sarili ko, Inayos ko ang itsura ko, Nag-gym ako, nagpa-gwapo at hindi na din ako nagsusuot ng salamin ngayon, Sumali din ako dance troupe, Simula nang ibahin ko ang sarili ko marami nang babae ang nagkakandarapa sakin dahil sa pinagbago ng itsura ko ngayon di katulad dati na lagi akong inaalipusta at binubully dahil sa itsura kong mukhang nerd.
Isa lang naman ang goal ko eh ang gantihan ang babaeng nanakit sakin, Hinding-hindi ko makakalimutan yung araw na yun, yung araw na pinamukha niya sakin na hinding-hindi siya magkakagusto sa katulad ko, Well tignan nalang natin ngayon.
{Samarah's POV}
Tawa ng tawa yung dalawa kong kaibigan dahil sa kinuwento ko sa kanila, ang mga gaga kasi tinanong pa kung ano daw yung ginawa ko sa manliligaw kong mukang timang dati.
"Talaga Sam sinabi mo yun?" natatawang tanong ni Sofie
"Oo, ang kulit kasi niya eh sabi ko naman na di ko type yung mga katulad niya like eww di ako papatol sa mga ganung itsura" sagot ko at umastang nasusuka
Am I that mean?
"Grabe ka Sam, baka nasaktan mo ng todo yung damdamin nun" sabi naman ni Elise
Grabe naman tong mga 'to di na nasanay sa kamalditahan ko.
"Ano naman? siya rin naman may gusto nun eh, kung di niya ko kinukulit araw-araw edi sana di ko siya napagsalitaan ng ganun" Bigla naman akong napatingin sa may gilid ko, para kasing may nakatingin sakin.
"Oh bakit Sam? is there something wrong? para kang nakakita ng multo ah?" Tanong ni Sofie at tumingin din silang dalawa sa tinitignan ko
Hinarap ko nalang ulit ang pagkain ko.
"Ah wala feeling ko kasi kanina pa may nakatingin sakin eh" sagot ko sabay lagok sa Juice na iniinom ko
"Ganyan talaga pag dyosa" Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Elise saka pinapatuloy ang pagkain ko.
Pagkatapos naming kumain sa canteen ay pumunta naman kami sa locker room para itago ang mga libro namin.
Pag-bukas ko sa locker ko ay may nalaglag na nakatiklop na papel na may kasamang isang rose, Nilapag ko muna yung bag ko sa loob ng locker saka ko pinulot yung papel saka yung bulaklak
BINABASA MO ANG
Stalker
FanfictionHe's not the usual type of Stalker, Mukhang matino pero nasa loob ang kulo. {PLAGIARISM IS A CRIME}