I miss you, bestfriend. :'( <ONE SHOT>

175 6 4
                                    

"Oy Z! Tara arcade?" Sabi ko dto sa bestfriend ko. Lutang na naman kasi.

"Ikaw na lng, tinatamad ako e!" Sagot nya.

Andto kami sa forest park ng school. Tapos na klase nmin kaya tambay muna.

"Ano ba yan. Kelan ka pa tinamad mag-arcade e ikaw nga tong lagi namimilit sken para samahan ka maglaro. Ha?"

"Ngayon. -_-" Ang tipid sumagot ng dating madaldal na to. Hndi man lng ako tiningnan e. Tsk!

Kumuha sya ng libro sa bag nya at nagbasa. Hobby nya yan e. Hndi ko na lng muna sya kinulit. Naiintindihan ko naman sya.

Kamamatay lng ng tatay nya dahil sa sakit sa puso. Tapos ang nanay naman nya, hindi na nya nakilala kasi inatake din sa puso nung isang taon pa lang sya. Ang nag-aalaga na lng sa kanya ngayon ay ang ate nya, which is laging busy sa trabaho. Kaya parang mag-isa na lang dn sya.

Hindi naman sya ganyan dati e. Maingay yan. Makulit. Sweet. Ibang-iba na sya simula nung namatay yung tatay nya. Sobrang naging tahimik, parang wala lagi sa sarili. Hindi nga ako sanay, kasi dati, siya lagi namimilit na lumabas kami at gumala. Haaay! Namimiss ko na ang tawa niya, ang mga ngiti nya pati ang pangungulit nya.

"Uwi na ko." nagulat na lang ako na nakatayo na sya at paalis na.

"Wait, sabay na tayo. Tambay muna ko sa inyo! ^_^" Sagot ko sa kanya.

"Geh, tara na."

At ayun, umalis na kami. Sabay kaming maglakad tas inakbayan ko sya. Sanay na naman yan.

Nung nakarating na kami sa bahay nila. Nihagis lang nya ang bag nya sa sahig tas nahiga sa couch. Nilapitan ko sya tas umupo ako sa sahig at humarap sa kanya.

Tinitigan ko lang sya ng matagal. Ng bigla syang nagsalita...

"Ba't ganun Seph, lahat na lng ng taong mahalaga sken nawawala. May nagawa ba ko para maranasan lahat ng 'to? Sumobra na b pang-aasar ko sayo?"

"Haha! Baliw ka Z. Akala ko ba ayaw mo ng drama e bkit ngayon nagdadrama ka?"

"Seph nman kasi! Namimiss ko si Tatay :("

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Mbait si Tito, yung Dad nya. Sobrang mabait. Mahal sya ng

lahat ng nakakakilala sa kanya.

"Kung nsaan man sya ngayon, naniniwala ako masaya na sya. Kasama na nya si Tita. Pero kapag ganyan ka, hndi ko alam kung matutuwa sila, e kasi naman ang baby nila, nagmumukmok sa sofa."

Ngayon ko lang nkitang ganito kalungkot ang bestfriend ko. She used to be the one who always wear a smile. At yung smile nya yun, nakakahawa. Yung tipong kahit badtrip ka, mapapangiti ka lng dhil sa kanya.

"Hay ewan! Ang drama ko na talaga! This is not so me. Kain tayo sa McDo, LIBRE MO!" Bipolar dn ata tong bestfriend ko. -_-

"Hoy, kapal ng mukha mo Z a! Nagyaya ka kaya dapat ikaw manlibre! Haha"

"Wag na nga lang. Di na lng ako kakain, matutulog na lng ako. Dyan ka na -_-"

At nagsimula na syang maglakad papunta sa kwarto nya. Magbibihis lng siguro tas kukulitin na naman akong ilibre sya. Ganun naman lagi e, under ako ng bestfriend ko. May pagka'amazoma yan e. -__-

Umupo na lang ako sa couch, hihintayin ko na lng sya. Naglaro muna ako ng Temple Run sa phone ko.

Nakakailang round na ko ng laro, wala pa ring Z na nangungulit dito. Tagal naman magbihis nun!

Tumigil na ko sa paglalaro at tinago na ang phone ko. Hinintay ko pa sya ng mga ilang minuto pero wala tlaga.

Tsk! Mapuntahan na nga lang sa kwarto.

Pumasok na lang ako sa kwarto nya, tutal di nman nkalock. Nakita ko sya na natutulog hbang nakayakap sa unan. Haaay! Ang laki na tlga ng pinagbago niya.

Umupo ako sa may dulo ng kama nya at pinagmasdan syang matulog. Napansin kong may kumawalang luha sa mata nya. Akala ko gising siya, pero nung pinunasan ko luha nya, hndi sya nagreact. Tulog nga -_-

Pinagmasdan ko ang mukha nya. Yung mata nya, ang itim ng paligid. Ang laki ng eyebags. Tapos ang ilong nya, matangos. Tapos yung lips nya color pink kahit di nman sya naglilipstick.

Bakit parang ang sarap nya halikan?

O__O Did I just say na msarap sya halikan!!??

ERASE! ERASE!

Arghh!!! Makalabas na nga lang at maibili to ng pagkain. Burger lng lunch nito knina e. Tapos 6pm na ngayon.

Hay naku bestfriend. Pumapayat ka na.

Dumeretso na ko sa McDo na malapit lng dito sa bahay nila. Nilakad ko lng. Binili ko sya ng 2piece chicken, large fries at McFloat tapos ako naman 2piece chicken at coke lang. Matakaw ang bestfriend kong yun e! Bumalik na 'ko sa bahay nila. Nadatnan ko syang nagbabasa na naman ng book dun sa couch, nakaligo na at nkapantulog.

Dumeretso ako sa kusina at pinrepare ang pagkain namin. Di nya ata ako napansin kasi tutok sya dun sa binabasa nya.

Matapos kong ihain sa table yung food namin, pinuntahan ko sya. Tinakpan ko ang mata nya gamit ang palad ko. Haha! Kukulitin ko lang. :D

"Stop it Seph, akala ko umuwi ka na?"

"Sungit naman nito. Meron ka no?"

"Lul! Umuwi ka na nga, baka hnahanap ka na ng mommy mo."

"Hndi noh! Alam naman nya na pag wala ako sa bahay e andito ako sa inyo e."

Madalas kasi talaga ako dito sa bahay nila simula nung namatay yung tatay nya. Baka kasi kung ano gawin ng babaeng to, iba pa man dn takbo ng utak ng bestfriend ko. Naiintindihan naman ako nila mama.

"Sa bagay. Halos dito ka na nga tumira e -_-"

"Haha! Ganun talaga. Oy Z, kain tayo. Bumili ako pagkain sa McDo. Yung favorite mo!"

"Busog ako e."

"Burger lng kinain mo kaninang tanghali, tapos busog ka pa din? Kumain ka Z, kung hindi... "

"Kung hindi ano?" Panghahamon nya sa akin.

Nagkatitigan kami. Walang nag-aalis ng tingin sa amin. Palapit ako ng palapit sa kanya.

Shit! Bakit parang nang-aakit ang lips nya!? Tangna, namamagnet ata ako.

Bago pa ako tuluyang maakit ng lips nya, medyo lumayo na ako at bumulong sa kanya,

"Kung hindi ikaw ang kakainin ko.." sinabi ko yan gamit ang mapang-akit na tono.

"Aray!"

Bigla nya akong sinikmuraan. Takte, ang sakit! Lakas ng bestfriend kong to! Tsk.

"Oh, nasan na pagkain? Nagugutom na pala ako." Haha! Takot din pala to e. Haha! Di ko na lng tinukso ulit at baka masikmuraan na naman ako..

"Kakain din pala e. Sadistang bestfriend. Andun sa kusina pagkain, tara kain na tayo."

At pmunta na kaming kitchen, tas kumain. After nun, nagkwentuhan lang kami, or should I say, nagkwento ako, nakikinig lang naman sya e. Samantalang dati.... Tsk!

Then natulog na sya tas umuwi na ako.

Ganun lang lagi ang routine namin. Tatambay sa forest park. Punta sa bahay nila. Sabay mdgdidinner. Tapos tulog na. Mnsan nga dun na ko natutulog e. May sarili nman kasi akong kwarto dun, nkaconnect sa kwarto ni Z. Pinagawa ng tatay nya nung bata pa kami since sobrang close nga namin ni Z.

Sa kasamaang palad, hndi pa rin bumabalik ang sigla ni Z. Nakikipagkulitan na sya sken mnsan pero iba talaga e.

Isang araw, andun ako sa bahay nila, pnapanood ang natutulog na si Z. Iniisip ko kasi yung parang weird na nararamdaman ko tuwing magkasama kami at nakaakbay ako sa kanya. Parang iba kasi.

Habang pinagmamasdan ko ang magandang mukha ng bestfriend ko, narealize kong ...

mahal ko na pala ang bestfriend ko.

- - - - 

I miss you, bestfriend. :'( &lt;ONE SHOT&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon