CHAPTER 3- His name

14 2 0
                                    

CHAPTER 3


JAMIE

DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang bilis pa. Rinig nyo ba?

Hooo baka naririnig niya na. Ang lapit pa naman niya sakin. Tekaaaa maayos ba mukha ko ngayon? Argh baka naman ang haggard ko na.

May narinig akong nagsalita sa likod ko

"Oy KEVIN! anong bibilhin mo?" napalingon naman ako at nakita kong siya pala yung kinakausap nung lalaki.

Oh em geee. So KEVIN pala? YESS SA WAKAAAAS WOOOO MAGDIWANG KA JAMIE. HAHAHAHA

" Ah buko juice lang." sagot naman niya. Ang ganda ng boses niya. Ang sarap pakinggan.

Nung turn ko na para bumili medyo nabubulol pa ko sa pagsalita. Eh kasi naman. Yung crush mo nasa likod mo di ka ba mabubulol.

Pagtapos kong bumili bumalik na agad ako sa pwesto namin. Gusto ko pa sanang magstay dun at titigan siya pero hindi pwede. Masyadong maraming tao at baka mahalata niya.

Pagkakita nila sakin napansin agad nila ang pamumula ng mukha ko. Edi yun kinwento ko sakanila yung nangyari.

Masaya din sila para sakin kasi sa wakas daw makakapag stalk na ko dun. Haha eh hindi pa rin naman diba? Di ko pa alam surname niya eh. Kevin pa lang alam ko

Bumalik na kami sa room pagkatapos namin kumain tapos yun nagkwentuhan lang kami syempre. Namiss ko rin makipagkulitan sakanila. Haha

"Oy knock knock!" sabi ni Zey

"Who's there?"

"Gary V"

"Gary V who?"

"Sa Gary V, bida ang saya" sabay tawa siya ng malakas

"Ah okay. Sabihin mo lang pagtatawa na kami" asar ko sakanya. HAHAHA corny kasi pft

"Weeeeh nagpipilit lang kayo ng tawa dyan eh. Tawa na kasi kayo please."

"HA-HA-HA okay na ba yan Zey? Tatlo na yan" sabi ni Carven at nagapir kami. Hahahaha

Natigil ang pagtatawanan namin ng biglang sumigaw yung classmate ko

"Guuuuuuys! WALA SI MAAM. YESS! HAHAHA" nagsitalunan naman yung mga kakalase ko. Haha buti na lang wala

Nagpatuloy lang ang usapan namin ng napasok sa usapan ang birthday ko.

"Uy Jamie malapit na birthday mo ah. September 14 na. Sa 16 birthday mo diba?"

"Ah oo nga noh. Haha medyo nawala sa isip ko yun ah hahaha"

"Okaaay. Manlilibre ka ah. Hahahaha" sabi ni Zey

"Depende. Pag di ka na corny. Hahahahaha" hinampas niya ko. Ah okay? Pikon? Hahaha

Nagpatuloy lang kami sa asaran hanggang sa dumating na yung next teacher namin.

Pagdating ng uwian naghiwalay na kami ni Zey at Carven. Magkaiba ng way eh.

Habang naghihintay ng jeep na masasakyan nakita ko yung mga dati kong kaibigan.

"Uy Jamie! Lapit na birthday mo ah? Naks. Ano gusto mo regalo? Hahaha" naaalala pa pala nila

"Diba nakwento ko naman sainyo yung crush ko? Alam ko na pangalan niya. Kevin name niya tapos taga IV-GOLD siya. Hingan niyo ko ng letter sakanya. WHAHAHAHA" sabi ko sakanila ng sobrang laki ng ngiti. Yea nakwento ko sakanila.

Hoooo sana pumayag sila haha

"Hala eh hindi naman siya kilala eh" sabi ni Lyzza

"Ay teka. Naaalala niyo ba si Andre? Yung kaibigan nating bakla sa 4th year? Taga IV-GOLD siya diba? Pwede tayong magpatulong" suggest ni Gienne

"Oo nga noh. Galing talaga ng baba mo" sabi ni Lyzza at nagtawanan kami haha

"Anong konek ng baba ko?" sabi ni Gienne sabay pout

"Ang haba eh. Hahahaha" pangaasar pa ni Lyzza

Okay medyo excited ako sa birthday ko. Sana lang talaga hooooo

Nagpaalam na ko sakanila at sumakay na ng jeep.

__________♥XOXO♥__________

SIGNSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon