Prologue

17 0 0
                                    

Hindi ka ba napapaisip kung may iba pang-uri ng manlalakbay sa mundong ito?

Hindi pang-karaniwang manlalakbay na may dalang mapa, kundi dala nila'y pana. Nag lalakbay patungo sa dalawang tao upang panain ang kanilang puso. 

Carwyn Aegeus (n.)

-a love protector. 

Isang kupidong 180 years nang naglalakbay sa mundo ng mga tao. Dala-dala ang kanyang pana na mag papatibok sa dalawang taong nakatakda. 

Ngunit dahil sa pansariling nararamdaman-- "Aish! bahala na nga lang. Mapapatawad naman siguro ako ni Reyna Eileithyia." --maling pana ang kanyang ginamit. 

"Stop crying, my love." 

Dahil sa pagkakamaling ito pinarusahan sya ni Dyosa Aurora and Goddess of Punishment, "Ang mission mo ay protektahan ang pagmamahal, Aegus. Ngunit, nabigo ka at ayon sa ating batas na pinamana pa saatin ng ating ninuno dapat kang ipatapon sa mundo ng mga tao at itama ang iyong pagkakamali sa katayuan ng isang tao".

"You are no longer a cupid not unless you successfully finished your task. You are now Human Aegeus." 

Cupid no more, Carwyn Aegeus. 

Tinatahak ko ang daang matuwid papunta sa kanyang piling. Carywn Aegeus, kailangan mo 'tong maitama. Isang malaking pagkakamaling ang magmahal ng isang tao, maling-maling ibigin mo sya. 

"She's wearing a black hoodie" ani Dyosa Veronica--ang Goddess of Mission. 

Nilinga ko ang aking paligid ngunit ang daming taong nakasuot ng itim na kasuotan at ano ba ang hoodie? Ano ba naman 'tong si Dyosa Veronica. Bakit ba napakaraming nag susuot ng itim na kulay? Ang itim ay sumisimbolo sa kalungkutan, lahat ba ng ito ay malungkot? ngunit batid sa kanilang labi ang matinding kasiyahan. 

Napakagulo talaga ng mga tao. 

Tumingin muli ako sa kalangitan upang manghingi ng tulong, "Gamitin mo iyang mga mata mo. Ano pang silbi nyan kung hindi mo magamit ng maayos?". Napakamot na lang ako sa ulo ko kahit hindi naman talaga iyon makati. 

Nilibot kong muli ang aking mga mata at doon ko natagpuan ang aking hinahanap. 

Nakaupo sya sa ilalim ng isang puno at pawang may binabasang libro ng kaalaman. Nakaharap sakin ang kaniyang likod ngunit nasisiguro kong siya na nga iyong hinahanap ko. Lumapit pa ako sakaniya upang makita ang kaniyang binabasa, patungkol iyon sa mga kupidong kagaya ko. 

Ngunit lahat ng nilalaman ng librong iyon ay puro maling impormasyon lamang dahil unang una hindi kami lumilipad dahil sa aming mga pakpak, lumilipad kami sa pamamagitan ng isang ulap. Pangalawa hindi kami mga sanggol dahil hindi kami pinapanganak kagaya ng sa mga tao. Ipinagkakaloob kami na pawang mga ulap at tsaka magiging isang kupido. At huli sa lahat! hindi kami nag susuot ng diaper! dahil kami ay may tamang kasuotan! 

"MALI YANG LIBRONG 'YAN! INILILIHIS NYAN ANG INYONG KAISIPAN!" bulyaw ko. Gulat syang lumingon saakin  at pawang bultahe ng kuryente ang dumadaloy saaking mga ugat nang titigan ko ang kaniyang mga mata. 

Those eyes. Hindi ko mawari kung matutuwa ba akong makakasama kita o masasaktan dahil sa huli ay iiwan din kita. 

You are my Sin,
and my greatest Fall.






Cupid's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon