Cupido Uno

13 0 0
                                    

Sin's Point of View

"Calling the attention of Miss Sin Felicity Fall."

Nag tinginan lahat ng mga kaklase ko saakin kabilang na rin yung teacher namin na kasalukuyang nag tuturo nang tawagin ang aking pangalan. Hindi man iyon rinig sa buong school dahil may set up na speaker ang kada room wherein pwedeng piliin lang kung anong room yung makakarinig and meron din na pang buong school na ginagamit lamang tuwing may announcement.

Inilibot ko yung mata ko at nakatingin pa rin sila sakin na parang tinitignan yung magiging kilos ko.

Ano ba naman 'to oh, ang awkward!

"Sin, tawag ka nanaman sa office ng principal" ani Eliana na isa sa mga kaibigan ko. Siniko nya pa ako para mas effective yung sinabi nya at take note napakasakit non! 

"Narinig ko! kailangan maniko? hampas ko kaya sayo 'tong libro?" tinawanan lang ako ng buang at iginilid ang katawan dahil hindi ako makadaan. Palibhasa'y matangakad kaya mahaba ang mga biyas, tss hakdog.

Hinampas ko muna yung binti nya, at bago pa sya makaganti ay tumakbo na ako palabas. Aba! napakasakit nung paniniko nya saakin kanina hindi pwedeng hindi ako gumanti. 

Tinahak ko ang daan patungo sa Principal's Office dahil pinapatawag nga ako.

Ano nanaman ba'ng kailangan nya? 

Napapairap na lang ako dahil ito na ata ang panglimang beses na pinatawag nya ako sa office nya. At oo! buong school week pinapatawag nya ako, kulang na lang e pati sabado at linggo ipatawag nya ako sa bahay. 

Kumatok muna ako bago buksan yung pinto. Daan-daang libro ang bumungad saakin pag kapasok ko, iba't ibang klase ng libro simula sa dictionary hanggang sa mga mythological na libro. Ewan ko ba kung bakit natutuwa 'to sa pagbabasa ng mga libro. Alam 'kong hindi lang ako ang hindi natutuwa sa pagbabasa ng libro, sus sabihin nyong hindi, plastik nyo ah. 

"You're here, Miss Felicity" ani nya. Nakaupo sya sa swivel chair nya na nakatalikod saakin at may kinakalikot na kung ano man. 

"Bakit nyo nanaman po ako pinatawag?" muntikan na akong tumakbo palabas ng office nang humarap sya at may hawak na ahas. Bigla pang ngumanga yung ahas at pinakita yung mga pangil nya at bahagya pang nilapit ang kaniyang sarili.

Taena! nakipag face to face ako sa ahas!

"ANO BA NAMAN YAN LOLO! ANO BA NAMANG KALOKOHAN YAN?" inilapag nya muna sa cage yung alaga nyang ahas atsaka lumapit saakin. 

At oo, apo ako ng principal at may-ari ng school at hindi 'yon alam ng lahat.

"Nabalitaan ko kasi na dumadami yung daga dito sa school kaya pinapakawalan ko sila tuwing gabi para kumain. Mabait yang si Daisy may pagka-amazona lang kapag maldita yung kaharap," Naisip ko naman yung kwento kwento dito sa school ng mga Janitors and students na may nakikita daw silang pagala gala dito sa school na ahas na nagiging tao. 

Napa-face palm na lang ako dahil sa kalokohan ng lolo ko.  

"'lo minsan naiiisip ko kung late lang ba kayo ng puberty at tumanda kayo ng ganyan... Bakit nyo po ba kasi ako pinatawag ulit? Quota ka na 'lo ah! straight in a row nyo na ako pinapatawag!" umupo syang muli sa swivel chair nya kaya napaupo na rin ako sa katapat na upuan ng table nya. 

Nag papaikot ikot lang sya doon sa swivel chair nya na parang bata, nyeta. "Gusto ko lang itesting 'tong mic na bago kong bili at itanong sayo kung ayos ba yung tunog... Hello, mic test mic test pwede ng umuwi ang lahat half day lang tayo ngayon," rinig na rinig hanggang dito sa office ni lolo yung hiyawan ng bawat estudyante. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cupid's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon