PROLOGUE

6 0 0
                                    

Dylan's POV:

"Pre, kailangan ka ba mag-titino?", seryosong tono ni Harry.

"Oo nga pre, babae lang 'yan. Simula nung nag break kayo ni...",

"Aaah!"

"Aaah!", sigawan ng mga babae sa loob ng bar.

Hindi ko na napigilan sarili ko, nasuntok ko si Clark. Hindi ko gustong ituloy niya pa ang gusto niyang sabihin saakin.

"Pre! Pre! Chill, tama na 'yan. Mukhang naparami na kayo ng inom", awat ni Harry saamin nang akmang gaganti ng suntok si Clark.

"Clark, pagpasensyahan mo na. Alam mo namang may pinag dadaanan 'yung tao saka lasing narin si Dylan, men", rinig kong mahinang sabi ni Harry kay Clark.

Hindi, alam ko pa ginagawa ko. Ayoko lang talagang pinapakialaman ako lalo sa personal kong buhay.

Nang makaupo na kaming tatlo.

"Pre, ano bang problema mo ah?", Tanong ni Clark saakin habang dinadampi-dampi niya ang daliri niya sa manipis nyang labi na mayroong sugat.

Ngunit, sinagot ko lamang ito ng ngisi at sabay inom ng alak mula sa basong hawak ko.

Ayoko silang kausapin. Wala namang may alam sa kung ano talaga nararamdaman ko. Kinuha ko 'yung isang bote ng alak sa lamesa at tumayo na. Tumalikod na 'ko sa kanila, ang gusto ko lang ngayon ay ang magpakalunod sa alak.

Nang makalayo na ako sa mga kaibigan ko. Bigl g mayroong tumawag saakin...

"Dylan", isang pamilyar na boses. Hindi ako pwedeng mag kamali, boses nang babaing minamahal ko pero dahilan kung bakit ngayon ay durog na durog ang puso ko.

**********
My apology if, there are wrong usage of words. Kindly support me, and you can leave a comment for suggestions. Thank you, Lovelots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unconditionally Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon