Nakakainis.
Nakakainis.
Nakakainis!!
Galit na naman siya sa akin! Sinungitan na naman niya ako!
What the hell have I done on this earth para sungitan niya ko every second of my life?! Hindi ko naman siya inaano.
Matalino na sana e, gwapo na sana e..
Kaso..
Ang sungit!!!
As in!
Capital
M
A
S
U
N
G
I
T
MA-SU-NGIT!!!!!
Noong isang linggo, tinuruan nga ako sa pre-cal namin kase noong last summative namin sa math naka-1/50 ako. Ang kaso noong makakuha naman ako ng 2/50 sa sumunod naming summative e sabihan ba naman ako ng “Ang bobo-bobo mo naman, ang dali-dali na nga lang nyan e.”
Oh well, alam ko namang hindi pa rin maganda ‘yung score na ‘yun pero at least improving. Oo, improving na sa akin ‘yun. Palagi kasing itlog score ko e. Pero the way na sabihan kang bobo..
Masakit!!
Sobra!! Palibhasa one mistake lang siya doon. Ang mas malala pa, isinisisi pa niya sa akin kung bakit daw hindi siya naka-perfect!! Nai-stress daw siya sa akin ng sobra kaya hindi niya nagawang i-perfect ‘yun!!
Ayoko na. Hindi ko na keri ‘tong kumag na ‘to. Hindi mo naman kailangang magmagandang loob na turuan ako kung after lang din naman noon e sasabihan mo ako ng ang bobo-bobo ko dahil in the first place wala kang karapatan!!
WALA
KANG
KARAPATAN!!!!
Hindi mo ako pinapalamon!
Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!
Wag kang mag-alala, wala naman akong balak tapusin ‘to na puro nakakainis lang ang mababasa mo. Pero malay mo, mainis ka rin sa bandang dulo..
Ayan! Parang lagi tuloy akong meron 'pag sumasagi sa isip ko 'yung kumag na 'yun.
Isa pa pala, noong nasa hallway ako ng school. Hinahanap ko sa bag ko ‘yung write-up ng group ko kase ako gumawa at nag-print noon at hinahanap ko 'yun habang naglalakad. Tipong multi-tasking ang peg ko noon tapos naka-earphones pa ako noon kase music lang ang nagpapakalma sa akin lalo na ngayon at kinakabahan ako dahil hindi ko makita ‘yung write-up namin.
Lagot.
Sa sobrang kaba ko, hindi ko namalayang may paparating at noong pag-angat ko ng ulo ko, sakto..
Sakto sa mukha ko tumapon ‘yung Coke Float at sumabog ‘yung Coke na hagip ‘yung earphones ko. Sheez! ‘Yung pinakamamahal kong earphones! Ggggrrrrrr!!!
Pakiramdam ko umuusok na ilong ko noon, isama pang nabasa ‘yung loob ng bag ko at mga notebook ko. Kainis!!
Buti na lang hindi ko pa nakikita ‘yung write-up namin kung hindi pati ‘yun kasama sa nabasa. Tapos nahulog pa ‘yung iba kong gamit sa sahig.
BINABASA MO ANG
Si Mr. Sungit at Ang . Ko
HumorAlam mo 'yung nakakainis? SIYA na 'yun! Oo! Si MR. Es-yu-en-ji-ay-ti Sungeeet! At alam mo ba? Hindi typographical error 'yang tuldok dyan sa pagitan ng Ang at Ko.