All Right Reserved
® 2012 canyounameme
She is My Cupid
(2) Les Miserables
[P.O.V of Demon]
"Anak kelan ka ba titigil diyan sa kakamukmok mo huh!" sabi sa akin ni mama ng pumasok siya sa kwarto ko.
"Pagbumalik na si Angel tsaka lang ako lalabas!" sabi ko sa kanya sabay talukbong ng kumot ko.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto pagkatapos na mailibing si Angel. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas pero parang kanina lang nanyari yung pagkawala niya. Parang hindi nawawala yung sakit parang habang tumatagal eh lalong nadaragdagan. Hindi ako makawala kahit gustong gusto ko. Gusto kong makalimot pero ayaw nitong puso ko. Ayoko na pagod na pagod na ako.
"Anak bakit hindi mo matanggap na wala na siya huh? Kung ako sayo eh magiging masaya ako para sa kanya kasi nandun na siya at kasama ang diyos! Anak doon hindi siya maghihirap hindi na siya masasaktan hindi na siya papahirapan ng sakit niya naiisip mo ba iyon!" sabi sa akin ni mama na lumapit sa kama ko.
"Mama hindi siya masaya doon sa akin lang siya masaya! Paano siya magiging masaya kung hindi ako ang kasama niya! Mama siya mismo nagsabi na sasaya lang siya kung nasa piling ko siya at bakit ako matutuwa kung kinuha siya! Sabihin mo nga Ma dapat ba ako matuwa!"sabi ko kay mama na hindi napigilan ang mga luha ko.
"Anak kung talagang mahal mo si Angel tatangapin mo ang mga bagay na nanyari sa kanya! Isipin mo nga kung nabubuhay pa ngayon si Angel paghihirap lang ang mararanasan niya. Di ba anak pagmahal mo ang isang tao hindi mo gugustuhin masaktan siya kasi gusto mo laging masaya lang siya!" sabi niya sa akin ni mama sabay punas ng luha ko.
"P-pero m-ma a-ang sakit sakit eh! Nangako kasi s-siya eh! Sabi niya w-walang iwanan pero ma you know how much I value promises!" sabi ko na nakayakap na kay mama.
"Anak may mga bagay na kinailangan mangyari it's either may kapalit iyon or it will open a new opportunities in life basta sa mga bagay na nanyayari lagi mong tandaan na may nakalaan na plano ang diyos huh at anak matutunan mo rin mag move on kung hindi ngayon pwedeng bukas o sa ibang araw basta wag ka lang susuko!" sabi niya then she cupped my face and pinched my cheek like she always did when I was young.
"Thank you mommy!” I said while I lean my forehead ito yung lagi kong ginagawa nung bata pa ako nung naglalambing ako sa kanya.
"Love you too baby!" sabi niya sa akin.
"My I'm not a baby anymore!" sabi ko.
Umiling si mommy then said "Kahit maging 60 years old ka pa baby pa rin ikaw ni mommy huh!"
"Ok ma!"
"So ngayon pwede ka ng bumaba sa baba at tulungan akong magbake ng cake like the old days!" sabi niya sa akin giving me her motherly smile.
"Uh ma pwede bang bumaba na lang ako mamaya pag kakain na wala pa rin kasi ako sa mood eh! Please!" sabi ko sa kanya.
Mom sigh then said "Naku anak talaga pero sige bumaba ka mamaya huh! Ok promise!"
"Promise!" sabi ko then she left.
Pagkasarado ng pinto ni mommy hindi ko pa rin napigilan yung luha ko na tumulo. Oo kahit papaano ay naibsan yng sakit dahil doon sa mga sinabi ni mama pero hindi ibig sabihin nung ay nawala nandito pa rin. Nandito pa rin na parang nakaukit sa puso ko. Na kahit ang panahon ay hindi kayang burahin. Na kahit sa pagdaan ng panahon ay hindi magbabago.
Gustong gusto kong sisihin si Angel sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang sisihin dahil hindi niya sinabing may sakit siya. Hindi niya sinabing may sakit siya sa puso. Hindi niya sinabing malala na ito. Hindi ko manlang siya naalagaan ng husto hindi ko man lang naipakita kung gaano ko siya kamahal bago manlamang niya kami iwan. Bago manlamang niya ako iwan.
Ang hindi pagpapakita sa kanya ng tunay kong nararamdaman at kung gaano ko siya kamahal ang isa sa mga bagay na pinagsisihan ko. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang sana sinulit ko na ang mga oras na pinahiram sa kanya ng diyos. Pero alam ko na hinding hindi sasabihin ni Angel yun sa akin dahil ayaw niya na nag-aalala ako at kinakaawaan siya ng ibang tao sa paligid niya. Sa sobrang pride niya eto sakit ang dulot sa puso ko. Hanggang sa kamatayan napakatigas pa rin ng ulo niya.
"Baby-doll naririnig mo ba ako kung naririnig mo ako ngayon gusto kong sabihin mahal na mahal kita at mamahalin pa rin kita hanggang sa kahulihulihan hininga ko pero alam ko rin na kailangan ko na rin mag patuloy sa buhay ko kahit wala ka na pero paano ko gagawin yun kung hanggang ngayon eh mahal pa rin kita tulungan mo na naman ako please! Please!
*To be continued
-Rm

BINABASA MO ANG
My Stupid Cupid
Romance"Even if I still love you hindi na pwede kasi hindi naman ako ang itinakda sayo! so please let me go, let yourself go!" she said crying while caressing my face gently. Damn this life! She is the only thing that I ever wanted! Sa lahat pa ng paglalar...