Seth POV
Ako si Seth Sandoval, nagmula sa isang may kayang pamilya. Ang pamilya ko ay nagmamay-ari ng
isang sikat na kumpanya dito sa Maynila ganun din sa ibang bansa.
Yung hitsura ko, maputi, matangos ang aking ilong na namana ko pa sa aking ama na half-Filipino-half-Australiano,
hindi gaaanong katangkaran hindi din naman kababaan yung sakto lng na babagay sa slim kong katawan.
Fourth year High School na ako ngayon at ilang araw na lang summer na, sa susunod na pasukan college na ako.
Nung isang linggo tinanung ako ni Daddy bago sya lumipad papuntang America kasama si mommy kung saan ako magbabakasyon
hindi agad ako nakasagot kasi hindi pa din ako sigurado kung saan. Pinag-iisipan ko pa yung sabi ni Daddy na sa U.S.
na din lang ako magbakasyon kasama ang mga pinsan ko o yung sabi ni Mommy na sa probinsya na lang daw ako
magbakasyon sa lolo't-lola ko dun. 7 years old pa lang ako ng huli kong punta sa probinsya almost 9 years na palang
hindi ulit ako nakakadalaw dun. Kung sa bagay miss ko na din sina lolo't-lola at mas sariwa ang hangin dun kumpara
sa ibang bansa, namiss ko bigla ang buhay sa probinsya at ang mga dati kong kalaro dun, kumusta na kaya sila?Kringgg! Kringgg! Kringggg!
Bigla akong nagising sa tunog ng alarm clock ko. Umaga na pala."Seth bumangon kana,andyan na ang Mommy't-Daddy mo, sumabay kana daw magbreakfast sa kanila" sabi ni Manang Garing,
katulong namin na hindi nagtagal naging katiwala nila mommy dahil sa pagiging tapat nito.Excited akong bumaba patungo sa Kusina, agad akong humalik sa kanila.
Ngayong araw palang ito ang Graduation ko kaya umuwi sila ng maaga."Mom, Dad, kelan pa po kayo?" agad kong tanung ng makaupo ako.
"Kagabi pa, hindi kana namin ginising himbing kasi ng tulog ng baby ko" sagot ni mommy na abala sa paghahanda, gusto
kasi ni mommy sya ang naghahanda para sa almusal namin."Ma! Baby pa din? Ang laki ko na kaya!..." natatawa kong sabi kay Mommy
Bumaling ako kay daddy na abala sa pagbabasa ng dyaryo.
"Dad? Nakapag desisyon na po ako kung saan ako magbabakasyon, napagdesisyunan ko pong sa probinsya na lang sa mga
lolo't-lola miss ko na din po kasi sila, almost 9 years na po kasi akong hindi nakakadalaw dun eh simula nung
huling punta natin"Inilapag ni Dad ang binabasa nyang dyaryo at tumungin sakin.
"Oh sige kung yan ang pasya mo, siguradong miss kana din ng lolo't-lola mo at saka ng mga pinsan mo, wag kang
pasaway dun ha.." agad na nakangiting sabi ni Daddy"Dad? kelan po ba ako naging pasaway?"
"Mabuti kung ganun, sigurado mageenjoy ka dun" biglang singit ni mommy sa usapan namin ni dad.
Natapos ang aming breakfast sa isang masayang usapan. Namiss ko ang ganito, matagal din naming hindi ito nagagawa kasi
lagi silang busy, kahit naman bonding sa breakfast kuntento na ako, hindi naman kasi sila nagkulang sa pangangaral
at pag-aalaga sakin kahit madami silang ginagawa._______________________________________________________________________________________________________________________
Nag prepare na ako at sila Daddy para sa graduation na gaganapin sa mismong paaralang pinapasukan ko, dati kasi sa
ibang venue ginaganap ang program.Nagsimula sa pag mamartya ng mga magsisipagtapos, pag-awit ng pambansang awit, pagdarasal, pagsasalita ng kung sino-sino,
pag tawag sa may mga karangalan, pagsasalita ng second honor, then its my turn, ako ang valedictorian,kaya nga excited
sila mommy umuwi eh at saka bilang ganti binigyan nila ako ng pagkakataon kung saan ko gusto magbakasyon at kung saang
paaralan ko gusto magkolehiyo. Kaya nga nagsikap ako para sa pagkakataong yun. Nagspeech lang ako about sa naging buhay ko
sa paaralang yun, sa mga taong naging inspirasyon ko, sa mga kaibigan ko, sa mga naging guro ko, at sa mga magulang ko,
pagpapasalamat, at pagbibigay inspirasyon.Finally, natapos din ang mahabang program. Nagtungo ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay halos pare-parehong puno ng
emosyon dahil sa nangyaring pagtatapos.Nakita ako ni luke na papalapit at agad itong sumalubong sakin sabay yakap. Si Luke ay bestfriend ko simula pa nung
elementary pa lang kami. Sobrang bait nito sakin dahil lagi akong ipinagtatanggol nito kapag may nang-aaway sakin
dahil lampa ako nung bata pa kami. Siya na ang tagapagtanggol ko hanggang sa tumuntong kami sa sekondarya. Minsan nga
tinutukso kami ng mga kaibigan namin na baka daw madevelop kami sa isa't-isa at mag ka inlove'an. No comment lang ako
kasi never pumasok sa isip ko ang bagay na yun dahil bukod sa magbestfriend kami pareho pa kaming lalaki or I mean kahit
alam nyang bisexual ako never talaga pumasok sa isip ko yun. Nalaman nya na bisexual ako ng minsan ay magkayayaan kami
ng mga kaibigan ko na uminom at hindi maiwasang malasing, ayun nagkasabihan ng sekreto. Imbes na lumayo sya sakin dahil
sa nalaman nya mas lalo pa syang naging malapit sakin at mas lalo kaming naging close. At saka alam ko straight si luke,
minsan nga natatandaan ko nung 2nd year kami nagpapatulong yun sakin pagagawa ng love letter para kay Shaine na isang
4rt year student. At alam ko din may girlfriend sya ngayon."Best congrats!" agad na bati sakin ni Luke habang ito ay nakayakap sakin.
"Congrats din best..." habang hinihimas ang likod nito.
Hindi ko alam kong bakit ito naging masyadong emosyonal, hindi naman to ganito. Ang higpit ng yakap nito sakin, alam ko
may dinadamdam ito. Inalis ko sya sa pagkakayakap at humarap ako sa kanya."Best may problema kaba?" tanong ko dito mata sa mata dahil dun ko makikita kung magsasabi ito ng totoo.
"Wala best, nalulungkot lang ako kasi magkakahiwa-hiwalay na tayo." sabi nito sakin na nakikita kong puno ng kalungkutan
ang kanyang mga mata."Asuss! yun lang ba best? hindi pa naman ito yung huli nating pagkikita ah, kaya wag ka nang malungkot" pag-papagaan ng
ko dito."Hindi lang yun best, higit kasi sa lahat kaya nalulungkot ako mapapahiwalay ka na sakin" seryoso nitong sabi
"Weh? Best naman, magkikita pa naman tayo diba, minsan pupuntahan kita sa inyo, pangako... at saka ang sabihin mo kaya
ka nalulungkot kasi mapapahiwalay kana sa GF mo." agad kong sabi dito, tinutukoy kong GF nya ay si Rina na isang 3rd year
student.Nakita ko sa mga mata nito na mas lalo pa itong nalungkot.
Bigla namang lumapit ang iba ko pang mga kaibigan kaya natapos ang usapan namin ni Luke. Ang OA ng mga ito ha, kung
makayakap naman
Natapos din ang mahabang araw na yun, nagkaroon lang ng kunting salu-salo sa bahay. Pilit ko ngang niyayaya si Luke na
sumama sa bahay pero hindi ito nakasama kasi may out of town sila ng pamilya nya. Iba ko lang mga kabarkada ang nakasama.Nakakapagod ang buong maghapon kaya maaga pa lang nakatulog na ako