This story has MATURED CONTENT.
Please be responsible with what you're reading here. What will you read here please just leave it here. HahahaThe place and activities written here is all true but the characters are only imaginary person by the author.
Please lang po, if may mga bata pa po dito below 18, na nagbabasa or magbabasa palang sinasabi ko na po sa inyo. May mga BS po dito na hindi pa angkop sa inyo. At sana wala pong may magrereport nitong story. Respect lang po sa Author. Nananahimik tong story ko, kaya tahimik niyo rin pong basahin to. Hihihi
That's all. Hope you enjoy TOURING BORACAY ISLAND.☺☺☺😍😘
Island Girl: ZANDREA TAMAYO
INTRODUCTION
"Annyeonghaseyo, welcome to Kim Shin Hotel. Hope you enjoy your stay here." nakangiti kong welcome sa huling guest namin sa hotel.
Haysss. Nakakapagod. Kahit pagwewelcome at matamis na ngiti lang ang ginagawa araw-araw. Naupo muna ako sa upuan dito sa front desk. I'm an receptionist, nagwewelcome ng mga guest ng hotel.
"Psst. Ngiti naman dyan. Makita ka ni manager na nakanguso sisitahin ka ulit non." nakangising suway sakin ng kasama kong si Jenna.
"Haaay na ko. 4 years na kong nagtatrabaho dito pero parang naninibago parin ako. Di ko nga ini-expect na dito ako mapupunta sa isang hotel e education ang natapos ko." nakapalumbaba kong sabi sa kanya.
Yeah, I'm a graduate of Bachelor of Elementary Education. Nagtake na ko ng board exam ngalang di ako pinalad na makapasa. Isang beses lang ako sumubok at di na ko ulit nagtake. Dala na din ng disappointment ko sa sarili ko.
Kanina pa ko nagsasalita dito di pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Zandrea Tamayo, 24 years old at apat na taon nang nagtatrabaho dito sa Kim Shin Hotel, dito sa pinaka-ipinag mamalaking isla ng Aklan. Ano pa ba, eh di ang minsan ng binansagang "Most Beautiful Island in the World" ang Boracay Island. So yon nga, diba ang saya. Ang daming mga "forenger" sabi nga ng iba.
"Haha. Alam mo, kain na tayo nandito na sina Sam at Glenda. Tapos na shift natin no. Wag mong sabihin na mag-o-over time ka. Naku." tiningnan ko ang relo kong mambisig. Alas kuatro na pala ng hapon.
"Tara na nga." sabay tayo ko sa kinauupuan ko. Sakto namang dating nina Sam at Glenda.
"Zandrea, pinapasabi nga pala ni manager na bago ka pumunta dito sa desk bukas, daan ko muna sa office niya." sabi ni Sam sakin.
"Bakit daw?" takang tanong ko. As far as I remember, wala naman akong ginawang mali.
"Hindi sinabi eh." kibit-balikat na tugon ni Sam.
Puno ng pagtatakang pumunta kami ni Jenna sa locker room ng mga employee. Nagbihis kami ng damit at lumabas na ng exit para sa mga trabahador ng hotel.
"Ano sa palagay mo ang ipinapatawag ni manager sayo, Zandrea?" tanong ni Jenna habang naglalakad kami dito sa front beach.
"Hindi ko alam, Jenna." Wala sa sarili kong sabi. Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit ako pinapatawag ni manager.
Lakad lang kami ng lakad sa napakapinong buhangin. Tinanggal na nga namin ni Jenna ang sapin namin sa paa. Kahit ilang taon na ko dito sa boracay, di ko parin maiwasang mamangha sa angking ganda ng isla.
Sayang ngalang dahil walang masyadong mga tourist ngayon dahil sa pagkalat ng sakit na NCoV. Mga chinese kasi ang karamihan sa mga nagbabakasyon sa isla.
Kumain kami ni Jenna sa paborito naming Mang Inasal. Kapag tinatamad kaming magluto, dito talaga kami kumakain. Pagkatapos naming mag-order ay doon kami sa second floor napiling kumain.
Habang naghihintay sa pagkain ay busy kami ni Jenna sa mga cellphone namin. Tiningnan ko ang message box ko. May text galing kay mama.
From, Mama:
Nak, kamusta ka ron jan? Basi wa kaw nag-uli kang domingo. (Nak, kumusta ka na dyan? Bakit di ka umuwi noong linggo.)Haha, mama talaga. Di ako nakapagpaalam sa kanyang di ako nakauwi noong linggo dahil busy kami sa hotel. May problema na naman siguro to sa kapatid kong lalaki na pasaway. Nereplayan ko nalang para di na siya mag-alala.
To, Mama:
Okay lang ako mama. Sorry di ako nakapagpaalam na di ako nakauwi noong isang linggo, busy kasi sa hotel. *Sent*Hay na ko. Naupo nalang ako ng tuwid at tiningnan si Jenna na pansin kong kanina pa nanlalaki ang mata na nakatutok sa kanyang selpon.
"Hoy, Jenna ano na namang mga memes binabasa mo dyan?" kuha ko sa kanyang pansin.
"Naku, Zandrea. Uuwi pala si Mr. Shin bukas. Kaya siguro napansin ko kanina na aligaga ang mga kasamahan natin kanina." parang nagspa-sparkle ang mga mata niya.
"Ano naman ngayon kung uuwi si mr. Shin? Every three months naman talagang umuuwi siya dito ah." kamot ko pa saking ulo.
"Ano ka ba? Hindi lang yon no! Kasama nya ang..." di na natuloy ni Jenna ang sasabihin niya dahil dumating na ang order namin. Kumain nalang kami ng tahimik ng madaling matapos.
⏭️⏭️⏭️⏭️⏭️⏭️⏭️⏭️⏭️⏭️
Nakahiga na ako sa kama ko. Pagkatapos naming kumain kanina ni Jenna ay umuwi na kami. May staff house ang hotel na pinagtatrabahohan namin kaya ang swerte talaga namin sa amo namin. Libre ang tirahan, tubig at kuryente. Sayo ang pagkain.
Di ko alam ba't di pa ko dinadalaw ng antok. Alas dyes na ng gabi at itong kasama ko sa kwarto naghihilik na. Sino pa nga ba? E di si Jenna.
Bumangon at lumabas nalang ako ng kwarto at napagdesesyonang magtimpla nalang ng gatas. Habang nakaupo sa upuang kahoy at nakadungaw sa labas ng staff house ay bigla nalang may tumawag. Isang unknown number. Hindi ko sana sasagutin pero ang kulit talaga. Kaya sinagot ko nalang.
"Hello." sagot ko pero walang nagsasalita. Naghintay pa ko ng ilang minuto wala talagang sumasagot. Sa inis ko pinatay ko ang tawag.
"Nanggogood time siguro yon." wika ko sa sarili ko. Maya maya ay tumunog na naman ang selpon ko at same number ulit ang tumatawag. Sa subrang inis ko sinagot ko ang tawag.
"Kung wala kang magaw...."
"Zandrea."
Tila natigilan ako sa narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses niya ang naririnig ko.
"Zandrea, are you still there?"
Bigla kong napatay ang call at dali-dali kong in-off ang selpon ko. Ba't pa siya nagparamdam? Okay na ako eh. Bakit?
⏸⏸⏸⏸⏸⏸⏸⏸

BINABASA MO ANG
Island Girl Series 1: Zandrea Tamayo (On Going)
RomantikaA story of an Island Girl and a Korean Boy