Note: This story may contain wrong grammars, typographical errors, some sensitive words, wrong punctuations, and so on. Just don't read this if you don't want to have an headache. Charooot! HAHAHAHAHHAHAHA.
PROLOGUE
AKO SI Mikkah.
Simpleng babae na may simpleng buhay.
Probinsyana na napadpad sa syudad ng Maynila.
Napadpad upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
Hindi ganon kataas ang antas ng pamumuhay ngunit nairaraos naman ang pag-aaral.
Tumutulong din ako sa pagpapaaral at pagpapabaon sa saking sarili sa pamamagitan ng pagpapart-time job.
Dito sa Maynila, ako lang sa pamilya namin ang nag-aaral. Syempre only child eh, HAHAHAHA. Kaya naghanap ako ng pwedeng marentahang dormitory or apartment. Yung mura lang, yung swak sa budget.
Sina Mama at Papa? Nandon! Sa may probinsya namin sa may Bulacan. Dito nila ako pinag-aral sa Maynila para daw sigurado na maganda yung turo.
Okay na sana sakin kahit dun nalang eh kaso sila yung mapilit. Para din naman daw sakin to. Tsaka para daw mas madali akong makakahanap ng trabaho dito eh ilang years pako mag-aaral. Omgggg! Kaloka sila mudra! HAHAHAHAHAHA. Kaya ayon pumayag ako. Sa Maynila ako nag-aral.