“Ding-dong, ding-dong……..” ang paulit-ulit na tunog ng doorbell namin na pumukaw sa aking pagkakaidlip sa harap ng bukas na telebisyon.
Nandyan na pala yung delivery ng inorder kong lunch sa isang fast food. Day-off ko at tinatamad na akong magluto ng aking pagkain dahil nag-iisa lang naman ako sa bahay.
“Yes.” ang bungad ko sa delivery boy pagbukas ko ng aming gate.
“Dito po ba nakatira si …………..” hindi na nabigkas ng delivery boy ang aking pangalan dahil mahirap nga naman itong bigkasin. Sumagot na lamang ako agad dahil alam ko na iyon na ang order ko.
“Ako nga ang nag-order nyang mga dala mo. Heto ang bayad. Pinaldalhan ka ba ng change?” ang sabat ko kaagad sa kanya.
“Opo. Meron po akong dalang change sa pera nyo.” ang sagot naman ng delivery boy.
Matapos kaming magsuklian ay humingi ng tubig ang delivery boy.
“Maaari po bang makiinom? Nauhaw po kasi ako dahil medyo nahirapan po akong hanapin ang bahay nyo. Hindi pa yata kayo kilalala ng mga guard.” ang pakiusap ng delivery boy.
“Siguro nga kasi ilang buwan pa lang naman kami nakakalipat dito sa bahay namin. Halika pasok ka at ng makainom ka.” ang nasabi ko naman sa kanya.
Pumasok kami sa loob ng aming bahay. Sumunod siya sa akin hanggang sa may kusina kung saan naroroon ang water dispenser namin. Binigyan ko siya ng baso at siya na mismo ang kumuha ng tubig sa water dispenser.
“Mukhang pagod na pagod ka?” ang tanong ko sa kanya.
“Medyo po. Ang daming delivery kaninang umaga. Sana mamaya ay medyo mabawasan na ang mga order.” ang tugon naman ng delivery boy.
“Upo ka muna at ng makapahinga ng kaunti kahit papaano.” ang alok ko naman sa kanya.
“Salamat po.” ang naging tugon niya.
Nang mga sandaling iyon ko lamang napagmasdan ang pagmumukha ng delivery boy na iyon. Di naman siya kagwapuhan pero may kakaibang angas siya sa mukha. Pero di naman siya maangas magsalita. Marahil dahil naturuan silang kumausap sa kanilang mga customer kaya may paggalang siya sa akin.
“Ano nga palang pangalan mo?” ang tanong ko sa kanya.
“Denver po.” ang tugon niya.
“Matagal ka na bang delivery boy?” ang tanong ko na naman.
“Mga tatlong taon na rin po yata. Dati po ako sa isang pizza parlor. Mga ilang buwan pa lang po ako dito sa bagong pinapasukan ko.” ang tugon naman niya.
“Ah ok.” Bigla akong nawalan ng maisip pang itatanong sa kanya. Ewan ko kung bakit. Napatitig na lamang ako sa kanyang mukha.
“Sir, pwede po bang gumamit ng CR?” ang tanong ni Denver na pumukaw sa aking panandaliang pananahimik.
“Ah, eh, okay lang.” ang bigla ko na lamang nasabi sa kanya.
Sinamahan ko siya sa banyo na nasa pagitan ng dalawang silid ng aming bahay. Pumasok siya sa loob at hindi naman niya isinara ang pintuan. Humarap siya sa gilid ng inodoro at jumingle. Ako naman ay nasa tapat lamang ng pintuan ng banyo. Malakit ang salamin sa loob ng banyo. Kaya naman kahit nakatalikod siya sa akin ay nasulyapan ko pa rin ang kanyang alaga habang jumijingle sa pamamagitan ng salamin. Sa pananabik kong sulyapan iyon ng matagalan ay hindi ko napansin na sa paglingon niya sa salamin ay napansin niya ang pagkakatitig ko sa salamin na kitang-kita ko ang kanyang alaga. Napansin ko na lamang na nakangiti na siya sa akin habang ipinapagpag ang kanyang alaga.
“Kayo sir ha. Naisahan nyo ako. Nakita nyo tuloy kung gaano kailiit ang aking junior.” ang pabirong nasabi ni Denver sa akin.
“Ah…. Sorry ha. Pasensya ka na. Hindi ko naman sinasadya. Tsaka hindi naman maliit ang alaga mo. Mukhang jumbo pa nga eh.” ang biro ko naman sa kanya.