chapter 16

60 5 1
                                    

Tom

"Hoy Tom!", biglang tawag sakin ni Ate Pauu.. Paalis na dapat ako papuntang school pero eto, papalapit siya sakin.


"Asan kuya mo?", tanong niya naman. Tinignan ko naman siya ng nakakaloko kaya napa poker face lang si Ate Pauu.

"Umalis na si Kuya. Maagang nagpunta ng school.. Baket mo naman siya hinahanap?", tanong ko habang nakatingin pa din sa kanya ng nakakaloko.

"Gusto mo bang pumasok sa school ng may baong black eye?", tanong niya. Napapout nalang ako sa sinabi niya. Katakot naman tong si Ate Pauu.


"Umalis ka na nga. Kung ano-anong natututunan mo sa kuya mo eh.", sabi niya at nagumpisa ng maglakad paalis. "Teka ate pauu, hatid nalang kita.", nakasakay kasi ako sa motor ko ngayon.


"Wag na. Umalis ka na baka malate ka pa.", sabi niya at nakapara naman siya ng tricycle.


Ay nako yang si Ate Pauu at Kuya Joseph. Kelan pa kaya mag aaminan yun? Halata naman kay Kuya Joseph na may gusto siya kay Ate Pauu. Si Ate Pauu naman, ayaw pang umamin na crush niya din kuya ko. Hay nako. Hindi ko na lang sila papakelaman. Hahayaan ko na lang silang magka-alaman.


Pauu

Recess na pero ni anino ni Joseph di ko pa din mahanap. Teka bat ba kasi kanina ko pang umaga hinahanap yun? Diba dapat wala akong pakelam dun? Tsk ano ba tong nangyayari sakin?

Isang linggo na ang lumipas nung nailigtas ako ni Tom dun sa mga lasenggong adik. Isang linggo ko na ding di masyadong nakakausap si Joseph. Hindi ko alam kung iniiwasan ba nya ako o ano. Pero bat ko ba yun pinoproblema?


Gabi-gabi ko iniisip yun. Lumalaki na nga eyebags ko. Hindi ako makatulog ng maayos. Pag nagkakasalubong kami, ngingiti nalang siya tas ayun na yun. Hindi yung normal na mang aalaska pa siya. Takte naman, namimiss ko ba yung asungot na yun?!

"Hoy Pauu!", tawag niya sakin. Bigla naman akong nanlamig dun sa kinatatayuan ko. Hala, bat ko nararamdaman to? Yung puso ko, kumalma ka uy.


"Mag-usap tayo.", sabi niya sabay hila sa kanang braso ko. "T-teka. W-wala akong sasabihin sayo Joseph.", sabi ko. Oo si Joseph nga. Teka bat bako kinakabahan?


"Ako meron.", kalmado niyang sabi. Kaya naman kusa nalang akong sumama. Ano naman bang sasabihin nito?

------

Nandito kami sa rooftop. Ano naman bang drama ng lalaking to? Nakatingin lang kasi siya sa mga estudyante sa baba. "Ihuhulog kita dito o magsasalita ka? Aba ano to? Dinala moko dito para tignan kang naka-tanga dyan sa mga tao sa baba?", mataray kong sabi.


Tinignan naman niya ako. "Alam mo ikaw? Minsan naisip ko talaga kung pinaglihi ka ba sa sama ng loob ng nanay mo.", sabi niya sabay pasok ng dalawang kamay nya sa bulsa niya.


"Ano ba kasing sasabihin mo?" Huminga naman siya ng malalim. Aba, may pinanghuhugutan. Tiniklop ko naman yung mga braso ko kasi naiinip na talaga ako. Dagdag patong bilis ng tibok ng puso ko na di ko maintindihan. Bibisita ako sa clinic mamaya..

"Pauu, gusto kita."


ANO DAW?!


"Hoy Pauu.". Bumalik naman ako sa ulirat ng pinitik niya yung noo ko. Napailing-iling pako. Teka, ano daw ulet yung sinabi niya? Bumilis lalo yung tibok ng puso ko. Hoy grabe na to ah, ang OA na ng tibok niya.


"A-anong sinabi mo? H-hoy ikaw Joseph, nang gugood time ka na naman ba? Gusto mo ata talagang ihulog kita dito no?", sabi ko. Langya di pako makatingin ng diretso sa kanya. Pauu ano ba tong dinadrama mo?

"Sabi ko gusto kita. Hindi ako nang gugood time. Seryoso ako.", napakunot naman yung noo ko. Grabe, baket parang relax na relax lang siya habang sinasabi niya yun? Pano ako maniniwala? Teka, bat gusto ko ba maniwala? Ugh, ginugulo naman ako nitong si Joseph eh!

"Ulol bat naman ako maniniwala sayo? Eh ikaw pa, Puro kalokohan lang naman alam mo.", sabi ko.


"Seryoso nga ako. Tsaka, teka bat ka ba namumula? Ayiiee, kinikilig ka sa sinasabi ko no?", sabi niya.

Napahawak naman ako kagad sa pisngi ko. Tae, anong kaartehan ba to? Ugh! "Hoy, hindi ako kinikilig tsaka, pano ako maniniwala sayo kung relax na relax ka dyan kung makapagsalita na.. na.. na m-may g-g-gusto ka.. na may g-gusto ka sakin?", sinabi ko pero di pa din ako makatingin ng diretso sa kanya.


Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. Ano ba yan? Pinagpapawisan nako ng malamig dito. "Relax? Eh ano bang gusto mo? Kabahan ako? Eh aamin lang naman ako sayo na gusto kita.", sabi niya. Kaya naman tinignan ko siya.


"S-seryoso ka ba sa mga pinagsasasabi mo?", tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Tumango-tango naman siya na parang bata. "Yun lang gusto kong sabihin."

Magsasalita na dapat ako pero nakarinig ako ng hikbi. At pagtingin ko kung san galing yun nakita ko si Kaye. Lalapitan ko na sana siya pero dali-dali siyang lumabas ng pinto papunta sa hagdanan pababa ng rooftop.


Napatingin naman ako kay Joseph. "Pasensya ka na Joseph.", at tumakbo naman ako pababa din ng rooftop. Kailangan kong sundan si Kaye.


-------

-missyanna

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Heartthrob gets to know Skater Girl ( Super Slow UD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon