Mutual Friends

470 17 21
                                    

" GoodNight , Mapaginipan mo sana ko , Ahaha" 

" Ikaw talaga Andrew , sige matulog na nga tayo .. "

Hello =) Ako nga pala si Dhina , 15 Years old isang Junior Student .. 

Katulad ng ibang kabataan nahihilig din ako sa Social Networking sites at mga gadgets .. 

Mahilig akong mag-update ng status sa FB , minsan nga ay ginagawa ko na itong Diary ..

Mahilig din akong Mag-group message , halos oras oras ay may ka-text ako .. Hangang isang araw ay may nagtext sakin na Unknown Number.. 

"09*********

Hello po =) " 

Yan ang una niyang text sa akin , ni hindi ko alam kung saang lupalop ba niya nakita ang numero ko .. 

Pero dahil interesado kong makipag-kaibigan sa kanya ay kinausap ko na rin siya .. 

----------------------------------

Isang linggo pa lamang simula nang magkatext kami ni Andrew.. 

Marami na rin kaming napag-usapan .. 

Ang kadalasan ay tungkol sa pag-ibig , minsan ay ugali namin .. 

Nalaman kong matampuhin pala si Andrew , mahilig maglaro ng Basketball at nakatira sa Laguna .. 

Mabait si Andrew , sobrang bait niya .. 

Sweet din siya at masyadong caring .. 

" Dhina , Kamusta ka na? Gising ka na ba? Oh , wag ka muna magtetext ha? Mag-almusal ka muna , Ayoko ng magugutom ka.. " 

" Ang corny mo! Kumain na ko .. Ahahah " 

" Hindi naman Dhina .. I just want you to be healthy dahil papakasalan pa kita , ahahah " 

" Hay Naku ... Puro ka kalokohan ! " 

" Hinding hindi kita lolokohin Dhina .. " 

Bagamat sinasabi kong Corny si Andrew .. Ay kinikilig na rin ako 

Hindi ko pa siya nakikita maski sa litrato lamang .. 

Isang araw tumawag ako sa kanya dahil sobrang lungkot.. Naalala ko pa kung paano niya ako pinatawa noon ..

" Hello Andrew.. " 

" O--He-hello Dhina.. "

" Bakit? " 

" Ang ganda ng boses mo .. " 

" Ang ganda rin ng sayo.." 

" Bakit nga ba malungkot ka? " 

" Nag-away kasi kami ng pinsan ko .. Hindi ko naman sinasadya na masabi ko yun kila Auntie , Hindi ko tlga sinasadya .. " 

Nagsimula nang pumatak ang luha ko .. 

" Dhina ! Wag kang iiyak , Pls.. " 

" Bakit Andrew? Alam mo ba na ito ang unang beses na nagalit sakin si Ate Lyn? Ito ang unang beses na minaliit niya ko Andrew.. Alam mo naman diba? That Im afraid of criticize .. " 

" Dhina .. Maayos rin ang problema mo , wag kang iiyak , sige ka papangit ka nyan .. " 

" Pangit naman talaga ko " 

" Kahit ilang milyong beses mong sabihin na Pangit ka .. Andito lang ako hindi magsasawang sabihin na maganda ka kahit mata mo ay di ko pa nakikita " 

" Ahahaha , puro ka talaga kalokohan .. " 

" Hindi Dhina , Totoo yan .. " 

" Salamat Andrew ah? " 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mutual FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon