Prom Royalties

53 2 0
                                    

| P | R | O | M | R | O | Y | A | L | T | I | E | S |

Written By : Smax_Beauty

Started & Ended On : November 2014

Smax's Note :

Uhm...sorry po kung may makita man po kayong mga wrong typos and grammars.

Ginawa ko lang po ito kasi super boring po sa bahay.

Please po bare with me! :)

Scarlet's P.O.V

"Ang super ganda naman ng Scarlet namin. Ang laki mo na talaga anak," sabi ni Mama sakin na parang naluluha pa.

"Tama ang mama mo anak. Sige maiwan ka muna namin. Mag-prepare ka muna jan, tatawagin lang namin si Kuya Olly para mahatid ka na. Sige anak!" sabi naman ni Papa.

"Sige po ma, pa, mag-preprepare lang po ako, " sabi ko kila Mama at Papa.

Pagkalabas nila mama at papa tinignan ko ang reflection ko sa salamin.

Tama nga sila mama, ang ganda ko nga.

Ay nakalimutan ko nga palang makalimutan.

I mean, muntik ko ng makalimutang magpakilala.

Ako nga pala si Scarlet Red Mendoza. 16 years old at 4th year highschool sa University of Love.

Weird ng name ko at ng school ko right?

Yan daw ang pingalan sakin nila mama dahil favorite daw nila ang scarlet red.

Ako ang tinuturing na Campus Sweetheart ng school coz ako daw ang pinakamaganda. I have a lot of suitors.

Beauty and brain rin daw ako dahil ako ang top student ng school. Mayaman rin kami.

Ngayon nga pala ang prom namin. Walang nagyayang maging escort ko. Kung nagtataka kayo, parehas lang po tayo.

Hindi naman po sa pagmamayabang pero halos lahat ang lalaki ay nagyayang maging escort ko last year.
Haay! Bahala sila. Maka-alis na nga.

~ ~ ~ ~

Pagdating ko sa hotel dahil dun ang venue, lahat nagtinginan sakin. Of course, pano ba naman kasi, walang escort ang Campus Sweetheart.. pero.. bat nakasmile silang lahat sakin?

Never mind. Nagpunta na lang ako sa isang table kung nasan ang bestfriend kong si Fraylie Steff Sarmiento kasama ang kanyang boyfriend na si Xander Cruz.

Nagsimula na ang program. Nagkainan at sayawan na rin ang mga tao.

Ako kain lang ng kain. Ano pa bang ibang pwede kong gawin kundi kumain.

Walang namang nag-aayang sumayaw sa akin. Meron sanang isa na nag-aya sa akin kanina pero ewan ko ba, biglang umalis na parang nakakita ng  multo sa likod ko.

Aish! Bahala nga sila sa buhay nila.

Inaya na rin ni Xander si Fray na sumayaw.

"Eeehhh!! Sorry loves, wag nalang. Walang kasama si Scarlet dito," pagtanggi ni Fray kay Xander.

"Oy! Anong sinasabi mo dyan. Hindi, sumayaw na kayo. Okay lang ako. Sumayaw na kayo.. go!" sabi ko naman with hand gestures pa.

"Tss.. sige na nga Scar, sabi mo yan ha? Love you best!" sabi naman niya sabay smile at umalis na sila.

Nagpatuloy ang kainan at sayawan hanggang sa i-aannounce na daw ang Prom King and Queen.

"Ready na ba kayong malaman ang kung sino ang Prom King and Queen Lovians?" tanong ng emcee.

Prom Royalties (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon