Seth Part 1

0 0 0
                                    


"Gumising ako ng sya ang panaginip"
"Sino ba sya?"

Ako nga pala si Seth, Nag simula ito nung gumising ako sa Hospital. Nakatingin sakin lahat ng mahal ko sa buhay. nakikita ko mga nag aalala nilang mga mata. at matamis na ngiti. Hindi ko alam kung ano talaga nangyare. pero ang ayos ng pakiramdam ko. Sobrang ayos.

Mga ilang araw. nakabalik nako sa pagaaral. mga dati kong ginagawa is nagagawa kona. basta ma maintain ko lang ang positive kong pag iisip at pag inom ng gamot. At bigla akong napaisip bakit nga ba ako nasa hospital?. Ang sagot lang nila sa akin ay nahulog ako sa hagdan at isinugod sa hospital. hindi na ako nangulit pa sa kanila.

Nagiging normal na pakiramdam ko. hindi na ako nakakaramdam ng pagkahilo. Mga ilang month hindi na ako umiinom ng gamot at back to normal na ako. pero bakit ganon? parang may kulang eh. Hindi ko maintindihan parang hindi talaga ako to.
nakapaligid sakin parang iba eh. ang weird.

Isang araw habang nasa Park ako nakaramdam ako ng napakasarap na hangin. yung parang chill lang at relax yung paligid. hanggang sa bigla sumakit ulo ko. sobrang sakit!!!!! at bigla akong nahilo. isinugod nanaman ako sa hospital ng diko nalalaman. nawalan pala ako ng malay at tinulungan lang ako ng mga tao din sa park.

pag gising ko si Mama agad nakita ko na kausap yung Doctor. Ang huli kong narinig sa pag uusap nila is dahil daw ito sa pag tigil ko sa pag inom ng gamot. Nahihilo parin ako ng mga oras naiyon. Pero bumalik sakin yung nangyare sa park, bago ako mawalan ng malay habang nakapikit may nakita akong babae sa utak ko. parakong nanaginip. hindi ko na iyon masyado pinansin dahil nga nahihilo pako sa nangyare. hanggang sa naka uwi na kami.

Nagiging Weird na ang mga nangyayari.
sa oras na narerelax ako may nakikita akong babae. sa oras na natutulog ako sya parin. at madalas na itong nangyayari. Natatakot nako kasi baka multo o ano man na tulad na napapanood ko sa mga horror movies. yung mga nag paparamdam. katakot.!!.

Hanggang sa binanggit ko na ito sa aking ina. Nagulat lang ako sa reaction nya kasi ang inaasahan ko is tatawanan nya ako o mag aalala. pero ang sagot nya lang ay "normal lang na maramdaman mo yan". siguro nga, dahil lang masyado akong kumpyansa sa pakiramdam ko. kaya bumalik ako sa pag inom ng gamot na recommended ng Doctor. Sa tulong ng mga gamot mga ilang araw din na hindi sumakit ang ulo ko at hindi nahihilo. ilang raw din akong nakakatulog na sawakas ng maayos.

Maganda na ang pakiramdam ko at maayos na uli. Pero may weird paring na sa akin. minsan kasi bigla akong nalulungkot ng hindi ko alam. May mga oras na hindi ko nalalaman na tumutulo luha ko. Natatakot nako sa nangyayari kaya hindi na ako nag dalawang isip na pumunta ng Hospital pag tapos ng klase.

hindi ko na napaalam kay mama na mag papacheckup ako kasi nga normal lang naman ang lagi nyang sinsabi sa akin. parang may itinatago sya. at habang nag lalakad ako sa Hospital ang bigat ng katawan ko. bawat hakbang ng mga paa ko rinig ko ng pagkalakas. mabagal lahat ng pag galaw ng nasa paligid ko. hindi ko alam nangyayare hanggang sa napa upo ako sa waiting chair sa labas ng mga rooms. Sa pagkadami-rami ng tao nag focus bila yung mata ko at tenga ko sa iisang pinto ng hospital. ang Room "207",
at biglang nag ka slideshow sa utak ko Babaeng malabo ang muka at biglang sumakit ang ulo ko. Hindi na ako tumuloy sa check up nayan. sa sobrang kilabot ko. napayakap nalang ako sa nanay ko pagkauwi kong bahay.

Sa mga oras na nakikita ko sya sa panaginip. Hinahayaan ko nalang. na baka mawala din itong nakikita ko at normal na nangyayari lang dahil nga sa aksidente na nangyari sakin sa hagdan. patuloy na iinom nalang ng gamot para maging okay nako. "sino nga siya? at bakit ako?"

To be continued......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mundong NalimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon