"Bakit ka ba tumatakbo?!"
Humahangos na sigaw ko dito."Kasi hinahabol mo ako!"
Sagot nito habang patuloy sa pagtakbo.
Binagalan ko ang takbo ko at ganun din ang ginawa niya."Kaya lang naman kita hinahabol kasi tumatakbo ka."
Mabagal pero patuloy pa rin sa pag usad nag babakasakaling babagalan at titigil ka para maabutan kita."Eh kaya nga ako tumatakbo kasi hinahabol mo ako."
Pero patuloy ka pa rin sa pag hakbang palayo."Pero bakit nga kasi?"
Pinipilit kong abutan ka pero."Kasi katulad ng buhay na patuloy sa pag takbo...tumigil ka man sa pag habol o mag patuloy...ay uusad at uusad ako kasi hindi pwedeng mag adjust ang lahat para sayo dahil lang di mo ako maabutan...at tulad ng distansiya na patuloy kong ginagawa...hindi ka ba nakakahalata?...na hindi ako gumagawa ng paraan para sabay natin tahakin ang daan patungo sa kinabukasan..."
Tila tumigil ang lahat at dun ko lang napagtanto habang patuloy kang humahakbang palayo sa akin...
Bigla ako nag sisi kasi hinayaan ko ang sarili kong maligaw... sa kahibangan ko sayo...
Masyado ako nag illusyon sa salitang TAYO at ipinagsawalang bahala ang salitang AKO.※ CRIMSON ※
YOU ARE READING
I AM ME
General FictionA penny for my random thoughts, poems, qoutes, literature and etc. Hope you like it reddies!