C - 21 Serinity

0 0 0
                                    

"Mabuti, bukas ng madaling araw ay magsisimula ang ating laban." Sabi ng may pulang buhok.

"Maghanda kayo." Sabi naman ng may blond na buhok.

"O mas maiging magdasal na kayo." Sabi naman ng may itim na buhok, nagtawanan ang mga kasama niya habang papaalis.

Tsk.

Nang makaalis na silang lahat ay may isang babaeng kaedad lang namin ang naiwan, nakasuot ng pink silky dress na lalong bumabagay sa maputi niyang balat.

"Pinaanyayakan kayo ng aking ina upang tumuloy sa aming munting tahanan, nang kayo ay makapaghinga." Sabi ng mala-anghel na boses niya at e sama mo pa ang kagandahan niya.

"Maraming salamat binibining? Putol na tanong ko.

"Serinity ang aking pangalan." Sagot niya.

"Ako nga pala si Yao Shar. At isat isa kaming nagpapakilala sa kanya.

"Ikinagagalak kong makilala kayong lahat, paki-usap sumunod kayo sa akin." Sabi niya at nagsimula ng lumakad.

"Tuloy kayo sa aming munting tahanan." Sabi niya at pinauna na niya kaming pumasok.

"Wow." Sabi naming lahat ng makapasok kami sa munting tahanan nila kuno, or should I say isang PALASYO.

"Hahaha munting tahanan bha ang matatawag dito sa napakalaki nilang  palasyo?" Biro ni Ayako.

Halatang mamahalin ang mga kagamitan nila rito, pati ang mga chandelier ay napakagandang tingnan.

"Napaka humble naman ng babaeng to hehehe." Sabi naman ni Minha.

Pagkapasok namin sa main hall ay sumalobong sa amin ang naghilirang maids sa gilid namin.

Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa Serinity. Bati nila sabay yuko.

"Wait, what???"

"Prinsesa?!!!!!" Sabi naming lahat.

"Hindi mo naman sinabing isa ka palang prinsesa, prinsesa Serinity, kung ganun anak ka pala ng reyna." Sabi ko sa kanya.

"Oo" M

"Kailangan din bha naming magbigay galang sa iyo mahal na prinsesa?" Tanong ni Minha.

"Hindi na kailangan mga binibini, kayo ay aming mga bisita." Sagot niya.

"Nako nakakahiya naman." Sabi naman ni Ayako.

"Maria!" Biglang tawag niya. Agad namang lumapit ang medyo hindi ka tandaan na babae.

"Pakihanda ang kanilang matutulogan." Utos ni Serinity sa kanya.

Masusunod mahal na prinsesa. Sagot naman ni Maria.

"Hali kayo, e papasyal ko kayo sa aming munting palasyo." Sabi niya at nagsimula ng lumakad.

Unang pinakita niya sa amin ay ang napakalawak nilang harden.

"Dito ako madalas namamalagi, ito ang paborito kong parte na palasyo kasama ang mga libro ko." Sabi niya.

"Wala ka bhang mga kaibigan mahal na prinsesa?" Tanong ko, kahit hindi siya totoo na aawa parin ako sa kanya.

"Wala kaya labis ang aking kaligayahan ng inaanyayahan kayo ng aking inang reyna, hindi niya kasi ako pinapayagan na lumabas ng palasyo, sapagkat maari raw akong masaktan habang nag-eensayo ang aming mga mandirigma sa labas. Hindi raw sapat ang aking lakas upang makipag sabayan sa kanila." Malungkot na sugot nito.

"Pero isa kayo sa pinakamalakas na babae sa buong mundo, pinanganak kayong maging malakas." Sabi ni Minha.

"Ngunit hindi ako, mahina ang puso ko pati ang katawan ko. Mabilis lang akong manghina at napapagod sa mga ensayo kahit lamang dito sa palasyo." Malungkot na sabi nito.

Biglang tumahimik.

"Kung ganon meron din kayong mapageensayohan dito sa loob ng palasyo?" Tanong ko.

"Oo meron, hali kayo at ipapakita ko sa inyo." Galak na sabi niya.

Mabuti naman at hindi na siya malungkot gaya kanina.

"Dito, kompleto ang aming mga kagamitan pandigma kung saka-sakaling meron mang sumalakay sa amin." Sabi niya.

Meron silang ibat ibang uri ng sandata kagaya nga mga klase klasing uri ng espada, shield, palaso, latigo, bow and arrow at marami pang iba.

Lahat kami ay kumuha ng kanya kanya naming sandata.

"Pwede po bhang magamit namin ngayon ang inyong mga sandata mahal na prinsesa para kami naman ay makapagsanay at mapaghandaan ang laban namin bukas."Sabi ko sa kanya.

"Oo pwedeng pwede." Sabi niya sabay kuha ng isang uri ng espada sa lamesa. Bigla namang naghiyawan ang aking mga kasama at nagsimula ng magsanay.

"Kung ganon hinahamon kita sa isang laban mahal na prinsesa." Sabi ko sabay tutok ng espada sa kanya, nagulat naman siya sa ginawa ko ngunit agad itong napalitan ng ngiti.

"Tinatanggap ko ang iyong hamon binibini." Sabi niya sabay tutok din sa akin ng espada.

Merong isang battle ring sa gitna at doon kami nagpunta ni princess Serinity. Sapaligid naman ng ring ay mga lamesang naglalaman ng ibat ibang uri ng sandata.

I don't believe she's weak, she's a born Amazonian after all at hindi lang sa lakas nasusukat ang isang magaling na kalaban. Dapat ay mabilis din siya at madeskarte sa laban which Ayako and Minha have ito ang natutunan ko sa larong ito.

Nakatatlong ikot kami sa loob ng ring bago kami sabay na sumugod, nagekis ang aming dalawang espada at seryosong nakatingin sa isat isa.

I'm right, she's fast. I smiled, this is going to be fun.

Lamayo kami sa isa't isa at inunahan ko siya sa pag-atake ngunit nasanggaan niya lang ito ng espada.

Shit.

Umatake ako ng ilang beses sa kanya kapag may opening ngunit palagi niya lang itong nasasanggaan ng espada niya.
Alam niya kung saan ako aatake parang basang basa na niya ang mga galaw ko kahit kakasimula pa lang namin.

She's not just fast but smart too. Pinaghalong Minha at Ayako hahaha.

"Sandali." Bigla akong tumigil sa pag atake sa kanya ng bigla niyang iniharap ang palad niya sa akin.

Bigla lang siyang ng hina ginawa niyang sungkod ang espada niya at napaluhod, agad ko naman siyang tinulungang tumayo.

"Dapat na sigurong itigil ang ating laban, magpahinga ka mona mahal na prinsesa."Sabi ko sa kanya.

"Mabuti pa nga." Sabi naman niya.

"Magaling ang pinakita mo mahal na prinsesa, mabilis ka at matalino palagi mong nababasa ang mga galaw ko, maraming salamat at pinayagan mo ako masaya akong naging kalaban." Sabi ko ulit.

"Masaya rin ako binibini maraming salamat." Sabi niya at umupo.

Lose or WinWhere stories live. Discover now