Hindi Na Ikaw napaka kulit mo...
Sa muling pagtibok ng puso ko
Asahan mong 'di na ikaw ang isisigaw nito
Lagi mang sinasambit ang pangalan mo
Matutuhan ko ding turuan ang pusong itoSa muling pagtibok ng puso ko
Nasanay mang ikaw ang lagi kong kayakap
Naniwala man sa sinabi mong sabay tayong bubuo ng mga pangarap
Makakaya ko din na kalimutan ka kahit na mahirapSanay akong nag-iisa noon
Nang bigla kang dumating at kuhanin ang aking atensyon
Ang mahulog sayo't alam kong masasaktan ako'y 'di ko intensyon
Ikaw 'tong lumapit at nagbigay ng solusyonNoong una masaya
Kase totoo namang masaya lang sa umpisa
Pangako mong 'di ko na mabilang
Nagliwanag sa isip ko na hanggang salita ka langBiglang lumabo't naglamig ka
May nabalitaang nag-iinit ka na sa iba
'Di ako naniwala kasi mahal kita
Naniwalang may tiwala tayo sa isa't isaNaging abuso't dumating sa puntong tumigil muna
Humingi ka ng tawad at tayo nanamang dalawa
Nasilaw sa pag-ibig ang aking mga mata
Ginawa kitang buhay ko't 'di mabubuhay kung wala kaPatagal ng patagal palamig ng palamig
Sa tuwing magkasama tayo'y wala nang kilig
Nahuli kita sa aktong may kasama kang iba
Naka-akbay ka at kapwa kayo masayaLumapit ako't tinanong kung sino sya
Oras na pala 'yon ng pamimili mo sa'ming dalawa
'Di ka sumasagot at tila nangungusap ang iyong mga mata
Marahil hindi ako ang napili mo kaya't 'di ka makapagsalitaTumakbo ako papalayo sa inyo
Tagaktak ang mga luhang nagmula sa mga mata ko
'Di ko akalaing ang tsismis na 'di ko pinaniniwalaan ay totoo
Katotohanang mapaminsala na nasilayan mismo ng mga mata koIkaw ang inakala kong solusyon sa mga problema ko
Ikaw palang magiging dahilan sa tuluyang pagkawasak ng pusong ito
Ikaw na itinuring kong buhay at kalakasan
Ang madudulot ng dahilan para ako'y panghinaanGaano man ako kalugmok
'Di ko hahayaan ang sariling magmukmok
Itinatak sa sarili na 'di ko na kailangang mabagok
Para kalimutan ang katulad mong bugokBahala ka na sa bagong buhay mo
H'wag mo na akong alalahanin at maayos na ako
Binuo mo ako noon, aayusin ko ito ng mag-isa ngayon
Dahil ang sugat ay naghihilom sa paglipas ng panahonKaya't sa muling pagtibok ng puso ko
Asahan mong 'Di na ikaw ang isisigaw nito
Lagi kong 'ding alalahanin na magtira para sa sarili ko
Dahil ang lahat ng ito ay natutunan ko mula sayo.Hindi na ikaw sa muling pag-ibig ko.
BINABASA MO ANG
Sa Muling Pagtibok
Poetrypara sa mga taong nasaktan hehe bahala na kayo sa buhay nyo sana magustuhan nyo kase gusto ko kayo char