Sa Muling Pagtibok

9 0 0
                                    

Hindi Na Ikaw napaka kulit mo...

Sa muling pagtibok ng puso ko
Asahan mong 'di na ikaw ang isisigaw nito
Lagi mang sinasambit ang pangalan mo
Matutuhan ko ding turuan ang pusong ito

Sa muling pagtibok ng puso ko
Nasanay mang ikaw ang lagi kong kayakap
Naniwala man sa sinabi mong sabay tayong bubuo ng mga pangarap
Makakaya ko din na kalimutan ka kahit na mahirap

Sanay akong nag-iisa noon
Nang bigla kang dumating at kuhanin ang aking atensyon
Ang mahulog sayo't alam kong masasaktan ako'y 'di ko intensyon
Ikaw 'tong lumapit at nagbigay ng solusyon

Noong una masaya
Kase totoo namang masaya lang sa umpisa
Pangako mong 'di ko na mabilang
Nagliwanag sa isip ko na hanggang salita ka lang

Biglang lumabo't naglamig ka
May nabalitaang nag-iinit ka na sa iba
'Di ako naniwala kasi mahal kita
Naniwalang may tiwala tayo sa isa't isa

Naging abuso't dumating sa puntong tumigil muna
Humingi ka ng tawad at tayo nanamang dalawa
Nasilaw sa pag-ibig ang aking mga mata
Ginawa kitang buhay ko't 'di mabubuhay kung wala ka

Patagal ng patagal palamig ng palamig
Sa tuwing magkasama tayo'y wala nang kilig
Nahuli kita sa aktong may kasama kang iba
Naka-akbay ka at kapwa kayo masaya

Lumapit ako't tinanong kung sino sya
Oras na pala 'yon ng pamimili mo sa'ming dalawa
'Di ka sumasagot at tila nangungusap ang iyong mga mata
Marahil hindi ako ang napili mo kaya't 'di ka makapagsalita

Tumakbo ako papalayo sa inyo
Tagaktak ang mga luhang nagmula sa mga mata ko
'Di ko akalaing ang tsismis na 'di ko pinaniniwalaan ay totoo
Katotohanang mapaminsala na nasilayan mismo ng mga mata ko

Ikaw ang inakala kong solusyon sa mga problema ko
Ikaw palang magiging dahilan sa tuluyang pagkawasak ng pusong ito
Ikaw na itinuring kong buhay at kalakasan
Ang madudulot ng dahilan para ako'y panghinaan

Gaano man ako kalugmok
'Di ko hahayaan ang sariling magmukmok
Itinatak sa sarili na 'di ko na kailangang mabagok
Para kalimutan ang katulad mong bugok

Bahala ka na sa bagong buhay mo
H'wag mo na akong alalahanin at maayos na ako
Binuo mo ako noon, aayusin ko ito ng mag-isa ngayon
Dahil ang sugat ay naghihilom sa paglipas ng panahon

Kaya't sa muling pagtibok ng puso ko
Asahan mong 'Di na ikaw ang isisigaw nito
Lagi kong 'ding alalahanin na magtira para sa sarili ko
Dahil ang lahat ng ito ay natutunan ko mula sayo.

Hindi na ikaw sa muling pag-ibig ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Muling PagtibokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon