Hi! Ako si Samanta Chezca Williamson, isang high school student sa Anderson Academy. Puro mayayaman ang nag-aaral dito. Ako naman ay lumaking mayaman pero nabankrupt ang aming company kaya di namin nakayanan ang bayarin dito. Kaya naman di ako lumipat ng school kasi eto lang ang pinakamalapit na skul samin. Wala na kaming magagawa kundi humingi ng pera sa aming kamag anak. Pero kahit humingi kami, di rin sumapat dahil sa sobrang mahal ng tuition fee. Pinayagan naman kami na late magbayad kaso may rule rin sila na pwedeng utus-utusan ung di pa nakakapagbayad ng tuition fee. E kung makapag utos naman ang mga estudyante dun, walang bukas. Kaya nga naaawa na sakin ung parents ko e. Gigising ako ng maaga tapos uuwi ako ng pagod na pagod. Pero nabago lahat yun ng makilala ko siya:
“Hoy!”( yan ang tawag sakin ng mga estudyante dito dahil ewan ko rin sa kanila. May pangalan naman ako.) Lumapit ako sa kanya.
“Laro tayo ng dama” sabay labas ng dama board. Naninibago ako sakanya. Makipaglaro ba naman sakin. Mas okay na ito kesa magbuhat na naman ng maraming libro, etc. Habang naglalaro kami, napansin ko lang, kanina napaka serious ng mukha niya tapos ngayon ngingiti-tatawa. Siguro gustong-gusto niya itong laro. Ngayon ko lang rin napansin, ang cute pala niya, mapa serious man siya o may ngiti sa labi. Feeling ko,crush ko na siya. Ay hindi ko lang feeling, crush ko na talaga siya >.<. Ang kinalabasan ng paglalaro namin: siya=10, ako=0 TT____TT.
“Laro ulit tayo bukas, pick up sticks naman.” –siya. At umalis na siya at balik na naman ako sa mabibigat na utos ng mga estudyante dito. Kinabukasan, laro ulit kami ni crush. Ngayon naman, pick up sticks. Ako na naman ang talo TT___TT.
“Kuya, bakit ang galing mo dito tsaka sa dama? ^___^” –ako
“Ewan ko” ngiting sagot niya. “Sige, mauna na ko.” At umalis na ulit siya. Mga susunod araw, di na siya nagpakita. Namimiss ko na tuloy ung crush ko. Habang naglalakad ako na may dalang madaming libro, iniisip ko siya kaya maya maya, may nabangga ako at nahulog ung mga books na dala ko TT___TT.
“Di ka kac tumitingin sa daanan mo eh!!!” -nakabangga ko
“Sorry” –ako. Habang pinupulot ko ung mga libro, nakita ako ni crush >___<. Lumapit siya sakin at tinulungan ako sa pagpulot ng mga libro tapos sabay na kami papunta sa paglalagyan ng books.
“Thanks.” –ako
“Pwedeng mag-usap tayo.” –siya w/ a cold tone in his voice.
“Sure.” –ako. Pumunta kami sa likod ng skul.
“Ano bang pag-uusapan natin???” –ako. Bigla na lang niya ako niyakap.
“Nakita ko lahat, nakabangga ka nang hindi sinasadya pero sinigawan ka pa rin. Palagi ka bang ginaganyan ng mga estudyante dito?” -siya. Bakit concern siya sakin? Di nga kami magkakilala eh. Ano naman sasagutin ko sa kanya?
“Bakit concern ka sakin? Magkakilala ba tayo?” –ako. Parang inulit ko lang ung nasa isip ko, ah.
“Di mo ko kilala pero kilala na kita. Di ba ikaw si Samanta Chezca Williamson? Nabankrupt di ba ung company niyo kaya wala kayo pangbayad dito?” –siya. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Paano niya nalaman lahat ng mga yun?
“Paano m-“ Di na natapos ang pagsasalita ko ng magsalita rin siya.
“Paano ko nalaman? Before I answer that, magpapakilala muna ako sa iyo. Ako ng pala si Jan Alvin Marquez. I’ve been stalking to you in 8 months kaya nalaman ko lahat ng kala mo di ko alam.” –siya. WHAT! Stalking in 8 months! So kung October ngayon, noong March pa siya nagstostalk sakin?
“Ngayon lang ako may lakas ng loob para lumapit sayo nang makita ko ung dama board namin tsaka pick up sticks sa bahay. Pwede bang ngayong araw lang kita mayakap? Kahit bukas, wag mo ko pansinin.” -siya
“Bakit naman kita hindi papansin? Di ba magkaibigan tayo?” –ako. Feeling ko nagblush siya >.< “Bakit ka nagstostalk? At bakit ako pa ang naisipan mong istalk?”
“Nung una plang kita makita, sa isang park, kasama mo pa nga ung mga kaibigan mo nun eh, nakaramdam ako ng spark, basta spark na ewan, tapos sinabi ko na lang sa sarili ko na wag na lang pansinin un pero wala talaga e, lagi parin kita iniisip kaya sinabi ko na naman sa sarili ko na pag wala akong ginawa, wala rin mangyayari kaya sinimulan ko nang magstalk. Ano pala dream mo sa buhay?” -siya
“Dream? Gusto ko lang naman sana na bumalik ung dati naming buhay, ung masyang pamilya,maraming kaibigan at iba pa kaso lang wala ng pag-asa na matupad ito.”
“Wala sa bokabularyo natin ang salitang imposible. Lahat pwede natin magawa basta may tiwala sa sarili. Kaya walang HOPELESS DREAM, pero meron namang DREAM COME TRUE.” -siya
“Hopeless Dream?” -ako
“Ahaha! Inenglish ko lang ung walang pag-asa!” –siya. Sige, tawa pa >.<
“Ah. Ok.” –ako
“Sige, tara na .” –siya. Tsaka siya bumitaw sa pagkakayakap at olding hands kami habang naglalakad.
Simula nun, naging magkaibigan kami. Nang nakahanap na ng trabaho si papa, nakabayad na rin ako sa tuition fee ko at naging normal 3rd year high school student ulit. Pagkaraan ng isang taon, naging kami rin. May away rin na nangyayari pero naaayos agad. Wala namang perpektong relationship, di ba? Nauwi rin ang relationship namin sa break-up hindi dahil sa di pagkakaunawaan, pero pupunta raw sila ng pamilya niya sa ibang bansa. Di naman namin alam kung babalik pa siya sa Pilipinas kaya nagdecide kami magbreak.
*After 5 years*
Nakaupo lang ako sa isang bench. Naghihintay na lumubog ang araw at nagbabakasakaling bumalik siya. Namimiss ko na rin siya eh. Gusto ko na talaga siyang makita TT___TT. May tumabi sakin na lalaki at biglang nagsalita…
“It’s been five years, huh?” –ung lalaki
“. . . . .” –ako
“Siguro di mo na ko kilala? Samanta Chezca Williamson right? I’m-“ –siya. Naputol ung pagsasalita niya nang bigla ko siya yinakap.
“Di ba ikaw si Jan Alvin Marquez? Ung ex-boyfriend ko? Miss na miss na kita.” –ako w/ tears of joy.
“Ako rin naman eh. Miss na miss na rin kita. Pwedeng tayo na lang ulit?” –siya
“Manligaw ka muna!” –ako. Bigla niya ko hinila at dinala sa isang lugar na pamilyar sakin, ang likod ng school. May nakaarrange na table dun tapos maraming ilaw. Parang date? Pumunta siya sa may table at hinila ung upuan.
“Upo ka na.” –siya. At umupo na ko tsaka siya umupo sa kabilang upuan. Habang kumakain kami, may tumutugtog ng violin. Pagkatapos namin kumain….
“Eto, manliligaw na ko agad kasi di ko na talaga mapigilan e. I want you. Ay hindi pala. I love you pala. Gusto ko lang sabihin na hindi ko na kayang mawala ka sa buhay ko kaya, Samanta Chezca Williamson, will you marry me?” at may nilabas siyang singsing galing sa bulsa niya. Nagulat talaga ako. Akala ko para maging girlfriend niya ko ulit pero un pala para maging asawa na niya ako! >.<
“Alvin, I appreciate all your efforts but my answer is no.” –ako. Nakita ko sa mukha niya na malungkot siya at itatago na niya sana ung singsing nang….
“No! Wag mo itago ung singsing. Jan Alvin Marquez, matagal ko na ito pinag-isipan, mga ilang seconds lang naman, alam ko na nagmamadali akong sumagot. Pero nang pinag-isipan ko talaga nang mabuti, naalala ko ung mga pagtitiis natin upang magkita muli tayo at ung mga efforts mo simula pa lang noon, and YES, I will marry you.” –ako.
“Totoo ba yung narinig ko? Yes?” –siya
“Oo nga, Alvin, I will marry you.” – ako. At bigla na niya kong niyakap.
THE END…