11

3.5K 102 11
                                    

Napilitan kaming mag hiwalay dahil sa pang hihila ni Daviz mula sa pagkayakap ng Babae.

Humingi ito ng tawad sa amin. Nagayak lang daw ito ng sobra.
Napatawa tawa naman ako.

Hi-hindi pa ba ako eh sa gusto ko naman!
Pero teka lang kukunin niya talaga??!

Napa maang nalang ako nang may kausap ang babae sa telephone niya.

Sosyalin palang mag trabaho sa isang condo na tulad nito ano?
Naka Iphone pa ang babae. Ito pa naririnig ko kase ang One sided conversations niya.

Napalingi ako sa katabi ko nang sundutin nito ang braso ko sabay nguso at iling.

Ay alam ko namang ayaw niyang makinig ako sa usapan ng may usapan pero kasi hindi ko mapigilan lalu pa nang sabihin ng babae na maghintay lang daw sa baba ang Boyfriend ata nito dahil pa baba na siya sakay ang elevator.

Putragis.
Popormahan ko sana pero may boyfriend na!
Ano ba yan!
Akala ko may moment na kami kanina doon eh!

"Mama!" Sigaw iyon ng isang maliit na boses pag bukas na pag bukas agad ng elevator.

Tangina may anak na SIYA?!
Kailan pa?! Mukhang matanda pa ako rito ah!

Buti nga lang at hindi lang February ang buwan sa kalendaryo kaya pasok pa ako sa banga. Kailangan ko naring magka anak kung hindi manunuyo itong matres ko.

"Archival?"
biglang tanong ng lalaking kasama ng bata.
Napa tingin naman ako sa batang kalong na ngayon ng babae habang naka hawak kamay doon sa lalaki.

Nakipag kamay naman Si Daviz sa lalaki.
Aba naman naki gaya pa itong si Daviz.
Nakipag hawak kamay din sa akin. Hindi ko na tinanggal kanina pa akong naiinis dahil sa nalaman kong may anak na yung babae.

"Ow, Archer? Is she your wife?"
Tanong ni Daviz sa kasama ng babae kanina.
Ectk!
Wife?!  Puchi

"Yes bro."
Sabi nito na sobrang ngiti.

Nagpaalam si Daviz sa kanya matapos nilang mag usap.
Hindi ko ma intindihan ang pinag uusapan nila.
Parang Stocks, business at kung ano ano pa.

"Anong tinatawa tawa mo?"
Tanong ko sa kanya noong umalis kami doon. Pupunta raw kami sa mall.

"Wala. I just realized na pareho pala tayo ng gusto. Too bad for us matagal nang nabingwit ni Archer ang isang iyon."

Okay ang babaeng iyon kanina pala ang tinutukoy niya.

Pinag sa walang kibo ko nalang iyon hanggang sa maka rating kami sa mall.

Papunta kami sa isang mamahaling restaurant sana nang higitin ko ulit ang braso niya na ikinatigil namin sa isang tabi.

"Okay, gets ko na. Mayaman ka. Pero ayaw ko pong Kumain diyan dude. Hindi ako marunong mag chopsticks. "
Totoo naman kase. Aba ayo kong mapahiya rito. Isa pa ayo kong kumain sa isang sosyaling restaurant na hindi naman ako mabubusog.

"Tuturuan naman kita. I got you dude." Sinserong saad nito sa akin.
Napa iling iling naman ako.

"'I got you' ako ang kawawa. Ayo ko."
Hinila ko siya sa kabilang bahagi ng mall.
Dito kami kakain.
Kakain kami sa restaurant kung saan kilalang endorser ang isa sa mga pinag papantasyahan kong si Angel Locsin.

"Dito, unli rice. Pwedeng mag kamay at may mainit na sabaw. Order kana." Sabi ko sa kanya at kinuha ko ang pina ka dulong lamesa dahil iyon lang ang bakanteng table sabi ng waiter.
Napa tanga naman siya nang dumating ang pagkain namin. Kakatapos lang naming mag hugas ng mga kamay.

"Inihaw? Don't you know that eating barbeque foods increases tendency of cancer related disease such as colon cancer and lots more?"
Napa kunot nuo ko sa lalaking ito.
Teka lang ha, dinaig pa niya ang doktor ah. Anong kurso natapos
nito?

"Doktor ka ba?"
Tinawanan nila ako at pinabulaanan ang tanong ko.
Nabasa lang daw niya.
Nahiya naman ako sa mga pinag babasa niya.

"Kain na tayo!"sabi ko matapos ko lagyan ng maraming yellow na mantikilya ang kanin ko. Tinignan lang niya ako.
Pinigilan naman niya ako noong mag kakamay na.

"Huwag mong sasabihing pipigilan mo akong mag kamay dude? Kingina mo! Alas dose impunto na at ang mga bulate ko nag wawala na"
Umiling iling lang siya.

"Hindhsfhihih kosh magshadong mashihhsjsifblja"

Ano raw?
Hindi ko ma intindihan ang pinag sasabi niya at nag lalaway na talaga akong kumain. Dinig ko na ang tiyan ko.

Pinaulit ko siya ngunit hindi ko parin ma intindihan.
Huminga ito ng malalim at inilapit ang mukha niya sa harapan ko.

Nanuyo bigla ang lalamunan ko hindi ko iyon inakala at langhap ko ang bango ng hininga ng lalaking ito.

Hindi uso ang bad breath sa isang ito!
Magkaharap kaming nakaupo.

"Sabi ko hindi ako bihasang kumain ng nakakamay. Could you teach me?I'll seat beside you."
Mahinang pabulong na saad pa niya.

"Lintik!"

Tenga! Siya lang ang kaunaunahang taong hindi marunong kumain ng naka kamay na nakilala ko!

Oo kano man ang pag mumukha niya ngunit ang dila daig pa ang bihasang pilipino tapos mag kamay lang hindi pa alam?!

Nilipat niya ang pinggan niya at sa akin tumabi upang gayahin ako.
Napilitan akong turuan siya kung paano ang tamang pag piga ng kanin upang kumapit ito dahil hindi man lang ito nakakakain ng tama.
Napatawa pa ako sa ginawa niya.
Ang Mantikilya na kulay dilaw ginawa na niya atang sabaw!
Masarap daw eh.
Naka dalawang rice ako. Hulaan ninyo kung naka ilan siya...

Halos hindi ako maka paniwala.
Napaupo ito at dumighay ng malakas. Humingi din kami ng pasensya sa naka rinig. Aliw na aliw ang mga katabing mesa namin habang sinasabi niyang busog na busog siya.

"We should stay at the gym tomorrow you know that...or we could just..."
Sabi pa nito sa akin ng pa takaw at may tinutumbok ang pabitin na salita niya.
Kinagat pa nito ang labi na parang bwisit.
Hinahalay niya ako sa isip ah.

Gutom talaga, malala ang nagagawa sa tao! Huwag kayong mag pagutom baka mahawaan kayo nitong si Daviz!

Napatawa nalang ako. Ang takaw.

"Ang takaw mo pala. Hindi ko talaga inaakalang makakalimang rice ka!"pag iiba ko ng topiko.
Bigla kasing hinihip ng mainit na hangin ako kanina rito eh!

Opo naka limang rice siya at ngiting ngiti talaga ang manager ng restaurant nang makitang pabalik balik sa Lamesa namin ang humahawak ng rice.
Matapos kaming mag hugas ulit ng kamay e lumabas na kami ng busog na busog.

"Oh that was the first time I eat that much in a restau."
Hawak hawak nito ang tiyan.

Napailing naman ako habang lumalabas kami ng restaurant na iyon.
Binati pa kami ng manager na bumalik daw kami sa susunod.
Nagulat naman ako nang bigla niyang hinigit ang kamay ko at magkahawak kamay kaming tumalima patungong escalator.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko ngunit tawa lang ang sinagot sa akin.

Langya!
Nangati naman ang katawan ko nang makita ko ang isang karatulang papasukan namin.

"TANGINA!"

Hindi ako maka paniwala sa pinag iisip ng isang ito at kung bakit kami napunta sa ganitong lugar!

♝♠♞♚♛♟♜♣
Vote
Comment
Share

SFAC: CONFUSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon