"Isaiah and Charles"Huling araw na ng rehearsal para sa Graduation ng Batch namin at magtatapos na yung pasukan ngayong taon na ito, di ko maipagkakaila na lahat ng ito'y mamimiss ko. naging parte na sila ng buhay ko yung mga kantyawan, iyakan, tawanan, naging mga kasangga ko simula nung pumasok ako sa Eskwelahang ito at lalo na ng makilala ko sila ng lubusan.
ayukong magdrama! Hahaha pero mamimiss ko talaga ang kakulitan nila.
"Isaiah! hoy! Aya nakatulala ka na naman
ano ba yang iniisip mo at parang iiyak ka na?" pagbabalik ulirat sakin ni Sheena Bestfriend ko since first year high kasama sila Krizia,Clare,Brielle at Madilyn"ha?"
"hakdog Aya! sabi ko ba't tulala ka na naman?" bastos to tinatanong ng maayos tapos sasagutin lang ako ng hakdog?
"wala.. napapaisip nalang kasi ako na last day na ng practice natin ngayon tapos sa susunod na araw Graduation na tapos sa susunod ano? magkakahiwalay na tayo dahil 'di tayo parehas ng papasukang School.." malungkot na pagkakasaad ko sakanya"Wala daw sus" at niyakap nalang niya ako
"hoy! bat kayo nagyayakapan?!"sigaw ni Brielle itong babaeng ito habang tumatagal nagiging maingay tulad ni Sheena at Clare yung si Madilyn at Krizia naman parang may patay palagi sa sobrang tahimik pero pag kpop at cdrama pag uusapan jusme parang machine gun! hahaha" kasi itong si Aya nag e-emote na naman, na mag kakahiwalay na tayo pagkatapos ng graduation natin" napaghalataan ang pag piyok ng boses ni Sheena ng bigkasin na niya yung pagkakahiwalay namin at ayun nga umiyak na
" Sheena naman eh naiiyak nako" Brielle
"wag nga kayong magiyakan naiiyak narin ako"Clare
"ba't kayo ganyan" umiiyak narin si Madilyn
"Oo nga ba't kayo ganyan.. di ako naiiyak may mali ba sa mata ko?" Kriziadahil sa sinabi ni Krizia nagtawanan kami kahit may luha pa sa mga mata namin
"Aya, di naman tayo maghihiwalay na parang di na magkikita diba napag usapan na natin na pag iba na yung mga pinapasukan nating school promise natin diba na magkikita parin tayo kahit saan diba sabay-sabay tayong mamamasyal" Sabi ni Brielle
"kaya dapat always natin ipaalam mga schedule natin para pag may bakante edi pasyal!"Masiglang saad naman ni Clare
"Group Hug!" sabay na sigaw nila Krizia at Madilyn
wala na kaming ibang ginawa kundi nagyakapan, kantyawan sa mga crush namin epic si madilyn kasi di niya talaga mapigilan yung kilig at ngiti niya pag binibigkas ang pangalan ni kyle na crush niya
"Hoy Sheena andyan na bebe mo" Sabi ni Clare
"hala ala sais na pala ng hapon? sige na basta usap nalang uli tayo mamaya sa Group chat okay? mauna na ako dahil andyan na siya" kinikilig na sambit ni Sheena
"sus Sanaol lang masasabi ko Sheena kaya kidnappin mo na yan!"sabi ko sa jowa ni Sheena kaya itong si Sheena pulang pula na na ikana tawa naming magbabarkada hahaha at umalis na sila sus mag de-date na naman yun"SANAOL MAY JOWA! SANAOL MAHAL!" ayan na naman po si Brielle
"nagpaparinig ka ba Bri?" Saad ni Krizia aww di lang ikaw Kriz.. andito ako kami nila Madilyn at Clare..
"'Di naman.. sa mga natamaan lang" sabay isa isa ng tingin samin
"sige ikaw na may ka M.U no?" Clare, tumawa lang si Brielle. tsk tsk
"tara na nga uwi narin tayo mag gagabi na ang layo pa naman ng bahay ni Aya" Sabi ni Brielle at sabay sabay na kaming tumayo at naglakad na palabas ng gate
"Uy Aya yung Crush mo nasa likuran natin" bulong ni Krizia na kaming Lima ang nakarinig kaya kinabahan ako bigla baka kakantyawan na naman nila ako nakakahiya lalo na yung mga tinginan nila parang gusto ko na atang tumakbo kaso andito na kami sa may sakayan
"eheeemm" sabay-sabay silang umubo ng ganon!
"ay guys mauna na kami ni Krizia" saad ni madilyn dahil sasabay si Krizia kay Madilyn
"ako rin andito na si papa" si Clare
teka coincidence lang to diba?" ayun na sundo ko Aya okay lang ba na mauna na ako? total andyan naman bebe mo oh" jusme buti nalang di narinig
"hinaan mo nga yang boses mo Brielle.. oo na andyan na kuya mo oh! babye ingat"sabi ko nalang na ikina ngisi niya
"yiiii sige una na kami Ayaaa~ ingaaat~" jusme balakadyan
at ako na ngalang dito kasama tong si Boy pansin ko na di siya mapakali kaya napansin siguro niya namay nakatingin sakanya kaya nag panggap ako na tumitingin kung may paparating na bang masasakyan
"A-ahm Aya?" hala tawag ako? pagtingin ko si Charles yung tumawag sakin? totoo ba ito?
"h-ha bakit?" yan lang nasabi ko jusme kinakabahan ako
"ah pano ba 'to? ahh kasi may sasabihin ako" Charles
"A-ano yun?"
"kasi ano.." Charles. ayan kinakabahan na tuloy ako ng sobra
"kasi?.."
"ah kasi gusto kita Aya." sabay yuko niya na ikinabigla ko"h-ha? ano?" hakdog Aya narinig mo naman yun ah
"Gusto kita Aya.. matagal na.. ngayon lang ako nagkalakas loob na sabihin sayo yung nararamdaman ko, natatakot kasi akong baka iwasan mo ako at ayuko ko rin na matapos ang pasukan na di man lang kita makausap.. gusto kung magkaroon tayo ng communication sa chat man o sa personal.. noon palang napapansin na kita at masaya ako nung mga oras na naririnig ko sila Sheena na kinakantyawan ka sa pangalan ko..." Charles.. hinawakan niya pa ang kamay ko habang sinasabi yung mga salitang yun.. at hindi ko alam na napapansin niya ako noon pa hindi kasi halata dahil wala siyang expression jusme kaya kinakabahan ako eh pero nata-timing naman minsan na nakikita ko siyang ngumingiti
"h-hindi ko alam yung sasabihin ko Charles" naka yukong saad ko
"sshh.. okay lang.. ang gusto ko lng marinig mula sayo kung parehas ba tayo ng nararamdaman" Charles
"O-Oo gusto rin kita.. may plano nga sana akong kumuha ng litrato nating dalawa hahaha kahit sa huling beses"
sabi ko"t-talaga? pwede ba kitang mayakap?" tango lang ang naging sagot ko at niyakap na niya ako
"Yiiiiiii! Aya!" napalingon nalang kami ni Charles sa sigaw ni Sheena
simula nun parati na kaming magkausap sa chat man o tawag at kahut sa personal nung araw rin ng Graduation day he asked me if pwede bang manligaw and I said Yes.
![](https://img.wattpad.com/cover/216810063-288-k939013.jpg)