CHAPTER 1

5 0 0
                                    

Billynda's POV

"Do you want me to do that for you?"habang papalapit ako sa isang lalaking nag huhubad ng kanyang damit.

"Yes, can you?"agad naman nyang sagot na may pagkamalanding tono at lalong lumapit saakin. halos magkahalikan na kami sa sobrang lapit nya. Medyo nandiri ako pero kailangan ko paring gawin to.

Mabilis akong kumilos papuntang likod nya at nilagay ang posas sa dalawa nyang kamay. Dinaganan ko sya ng aking tuhod para hindi makapanlaban.

"Hey!! What are you doing?! let me go." habang nagpupumiglas sya.

"Kunin nyo na ang putanginang 'to" Matigas kong sabi dahil sa sobrang inis at sa sobrang pandidiri.

Pumasok ang isang grupo ng mga lalaking naka itim lahat ang damit at kinuha ang lalaki.

"Hey!! What's the meaning of this?!" kanyang sabi pero diko pinansin dahil may narinig akong kaluskos sa may kabinet at tumungo naman ako dito.

Nagulat ako nang pagbukas ko nito ay may babaeng ubod ng ganda ang nasa loob nito. Naka tali ang mga kamay at may panyo nakatali rin sa kanyang bunganga.

Agad kong kinalas ang panyo sa kanyang bibig at lubid sa kanyang mga kamay.

Maslalo akong nagulat ng yakapin nya ako at halikan sa labi. "Thank you for saving my life" sambit nya sa napaka lambing na tinig at patuloy na lumabas at iniwanan nya ako ng napaka tamis na ngiti. Ang ganda nya.

Natulala lang ako at para bang hindi nag si-sink-in saakin ang nangyare.

"Mukang naka score sya sayo a. masarap ba tol?Haha!! Lakas talaga ng dating mo sa mga babae tol" Ang tinig na nagpabalik ng diwa ko.

Agad ko naman nalaman kung sino yung nagsalita. Sya si Javier ang bestfriend kong baliw lalong-lalo na sa mga babae.

"Sira" sambit ko sa kanya. "Let's go, I'm really tired. I want to rest." dugtong ko dito.

" Okey let's go.Uyy syanga pala, grabe!! akala ko mahahalikan kana nung lalaki kanina" sabay tapik saakin. Tinignan ko lang sya ng masama.

"kung ginawa nya lang yung...magiging masaya ako dahil pumayag kang halikan ng lalaki.. hahaha!!" dugtong nya na syang dahilan para sikuhin ko sya sa may bandang tyan.

------------------------------------------------------

"Ate" salubong ng pinaka mamahal kong kapatid.
"Anong gusto mong pagkain ate, lulutuan kita?" paglalambing nya. Actually ganyan talaga sya simula pa nung mga bata pa kami. Masunurin na bata si Kin kaya sobrang magkasundo kami.

"Nah...You don't have to. I ate already. I just want to rest" sabay upo sa couch at inalis ang shoes ko.

"Okey..mukang pagod na pagod ka ate ah. Ano ba talaga ang trabaho mo? Is that illegal ate?"

"Mag-aral ka lang ng mabuti. Wag mo nang pakealaman ang trabaho ko"

"Kung nandito lang sana sila Mam..." napatigil sya sa sinasabi.

"Wala na sila Mama at Papa. Wala na tayong magulang. Iniwan nila tayo, remember?" pasigaw kong sabi sa kanya.

"Baka naman ate may malalim din silang dahilan" sabi nya na nasa mahinahon paring tinig.

"Dahilan?..Anong dahilan?..Tignan mo nga sila ngayon, Kin. May sari-sarili na silang pamilya at kinalimutan na nila tayo" sabay tayo at lalong nilakasan ang boses.

Yumuko nalang ito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa at 'di na rin nagsalita.

"Sorry...sorry kung nasigawan kita. Just don't talk about them.. Okay?" sabi ko sa kanya na nasa mahinahon nang boses.

Tumango lang ito at nginitian ako.

Ayaw ko kasi talagang pag-usapan ang mga Magulang namin dahil sa sobrang inis ko sa kanila.

Nagkaaway sila Mama at Papa hanggang sa nagkahiwalayan na ito. Iniwan nila kaming dalawa ni Kin at bumuo ng kani-kanilang pamilya.

Nang dahil sa nangyaring iyon napilitan akong tumigil sa pag-aaral at pumasok sa napaka delikadong trabaho.

Siguro nagtataka kayo kung ano ang trabaho ko.

Isa akong Secret agent. Pagpatay, pagkikidnap, pagnanakaw ang madalas naming ginagawa. Pero hindi naman kami pumapatay, nangingidnap at nagnanakaw ng basta basta. Pinapatay at kinikidnap lang namin yung taong makasalanan at ninanakaw ang mga bagay na para talaga saamin.

"Btw, Ate meron palang nagbigay sayo ng letter" sabay abot saakin ng isang maliit at itim na envelope. Kinuha ko ito at binasa kung saan galing ngunit walang nakalagay. Kaya binuksan ko nalang ito.

"Saan daw galing, Ate?"

"Work" maikli kong sambit at binasa ang nakasulat dito.

"Anong sabe, Ate?" usisa pa nito.

"We have meeting mamayang 1:00am kaya matutulog muna ako. At wag mo akong iistorbohin" Pumunta na ako sa itaas "At matulog kana, May pasok kapa bukas" dugtong ko dito at pumasok sa aking kwarto.

To be continued....THANK YOU😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I fell inlove with a guy?!!Where stories live. Discover now