Chapter 3- Paralyzed & Speechless
I sat back on the sofa while waiting for the room service and the leader of his MIB, who I knew now as Mr. Arrick, to get the things he ordered.
"Go shower." He gestured to the door adjacent to the headboard of the bed where I'm currently sitting. Is he implying something?
Inamoy- amoy ko ang sarili ko at hindi naman ako mabaho. Amoy vanilla pa nga. I looked at him in question pero suplado'ng tinignan nya lang ako pabalik. Fine. I needed one anyway, mabaho man o hindi.
Habang naliligo ay hindi ko mapigilan ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko.
Tama ba ang ginawa ko? Tama ba na tamakbo ako palayo? Miss na miss ko na ang mga kuya ko. Nang maalala ko ang mga unggoy na iyon ay gusto ko'ng umiyak. Paniguradong galit na galit rin sina nanay at tatay sa'kin. Pero ayaw ko rin namang makulong habang buhay.
Aish! Kailangan ko nalang panindigan ang mga desisyon ko. Kung kailangan ko'ng tumakbo habang buhay, gagawin ko maging malaya lang.
I washed myself clean and wore the black robe, hanged near the shower stall, that seemed too big for me.
I rummaged through the cupboards and found a spare toothbrush and a comb that has the hotel's logo on it. I don't usually use these kinds of things but beggars can't be choosers and there's a first time for everything so I sucked it up.I checked myself in the mirror habang sinusuklay ng maayos ang parang pugad ng ibon ko'ng buhok. Namula bigla ang pisngi ko nang maalala ko na ginamit ko pala ang shampoo at bodywash niya.
"Ano ba yan Claire?! Shampoo at bodywash lang naman, bat may pa blush blush ka pa?!"
Parang baliw ko'ng tinuro-turo ang sarili ko sa salamin gamit ang suklay. Pero mas namula lang ang pisngi ko nang maalala ko na naman ang not-so-innocent encounter ko kanina sa bad guy na 'yon.
Gusto kong umiyak sa dalamhati pero malalim na buntong hininga na lang ang nagawa ko. Kahit papaano ay tinutulungan niya naman ako kaya kakalimutan ko na iyon. Iisipin ko nalang na virgin pa rin ang lips ko.
NADATNAN ko siyang nakasandig sa headboard ng kama kandong ang macbook niya. Napabaling naman siya ng tingin sa akin nang marinig niyang sumara ang pintuan ng banyo. Mabilis siyang umiwas ng tingin at nakita kong medyo namula ang leeg at tenga niya. Problema nito?
"Cover yourself properly, tsk."
Tinignan ko naman ang sarili ko at nakitang medyo bukas ang roba sa bandang dibdib dahil sa luwag nito. I gasped at madaling ito'ng inayos.
"Bastos!" Singhal ko sa kanya habang namumula. Alam ko'ng hindi niya naman kasalanan pero 'yon ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang kahihiyan.
"It's not my fault that you're too careless. Besides, there isn't much for me to see anyway." He said while eyeing me from head to foot.
Umirap na lang ako and ignored his last sentence at nanahimik na lang. It's a consequence for my careless actions. I went out wearing only a robe when I knew that there was a man, more or less a stranger, outside. I sighed and went to sit back on the couch.
Maya-maya pa ay mayroong kumatok sa pintuan. Si Mr. Arrick na siguro 'to.
"Come in." Sabi naman ni bad guy.
"Zaffre, darling. We have to go to the function room now. Some guests are already looking for you." Isang malambing na tinig ng babae ang narinig ko. Gulat naman akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon.
"Until when are you going to stay stubborn, hijo? You can't disappoint your grandm--"
Naputol ang lintanya ng ginang nang madapo ang kanyang paningin sa akin. Umiwas ako ng tingin and I awkwardly shifted in my seat nang hindi naalis ang shocked niyang tingin sa'kin.Biglang tumayo si 'Zaffre' at mabilis na pumunta sa kinaroroonan ko. Hinigit niya ang braso ko papunta sa kanya kaya nabangga ng ulo ko ang matigas niyang dibdib. Naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa baywang ko habang ang isa naman ay nakahawak sa ulo ko, trapping me in his embrace.
"I'm sorry, mom. My girlfriend and I was in the middle of something."
Huh?
Parang biglang lumutang ang utak ko making me paralyzed and speechless.
Ano daw?
•°•°•
A/N:
Thank you so much for reading, my dears!!! Hope you liked this chap.
Stay safe and stay home!!! 😂
031920

BINABASA MO ANG
Chasing Euphoria
RomanceLeclair Serra Montesilva has always been a runner. A runner from her family, a runner from her problems, and a runner from her responsibilities. Running away, it's what she always does. Even from him. [First Installment of the Kinsmen Series]