chapter 3

6 1 0
                                    

chapter Three

Brielle's POV

bakit sya?!!! sa dinami rami ng tao sya pa ang anak ng owner?!

yung lalaking nasa stage ay yung lalaking mokong na walang modo na batos na bumasa ng uniform ko!!! paano anak yan ng owner?! eh mukha hindi nya alam yung salitang MANNERS dahil sa ginawa nya sa akin tapos sya pa yung anak bwiset!!!!!!

"good morning sa inyong lahat," nakangiting nyang sabi,tsk pacute di naman mukha kang palaka baliw

"ang gwapo moo!!!"

"kyaaahhhhh!"

"gwapo na hot pa!"

sigawan ng mga mahaha--este mga babaeng estudyante

sa halip na sumagot ay ngumiti lang sya nangpagakatamis-tamis.tsk dika si edriel ngumiti palang busog kana

"so do you wanna here the good news?" masayang tanong ni ma'am velasco na hindi ko man lang namalayan na nasa taas na ulit ng stage

"Yes!!!!" sobrang lakas na sigawan halos masira eardrum ko doon ah!

"so ngayong taon ay ibabalik na namin ang school fest pati narin ang intramurals at hindi lang basketball at volleyball kundi pati ibang sports at mamaya ay pwede na kayo sumali sa bawat clubs ng school at dito na magaaral ang anak ng owner ng school!" masayang ani ni Ma'am velasco

No!! bat dito magaaral ang asungot na yan diba nasa ibang bansa yan bat nandito sya baka pag-araw araw ko yang makita ay masira araw ko nako di pede!!!!!

Marami pang pinaliwanag si ma'am velasco pero hindi ko na naintindihan dahil hindi ko matanggap na makakasama ko ang bwiset na yan sa iisang classroom!! oo magkaklase kame dahil section one sya nilagay
sila syndie at shirley tuwang tuwa naman pati yung ibang girls na classmate din namin.

pabalik na kami sa room since section one kami ay kami lagi ang una kaya kami ang unang lumabas .

nagulat naman ako dahil si mokong dumaan sa harap ko para pumunta sa pila ng lalaki nagulat na naman ako dahil nakipag fist bomb sya kay edriel at mikenzie

magkakilala sila? hala! baka nga since magulang nila yung namamahala sa school.

Ngayon ay nasa tapat na kami ng classroom kaya agad kong kinuha yung bag ko at sinalpak sa likudan ko pagkapasok ay nagulat ako dahil sa nangyari sa mesa ko sinong demonyong gumawa nito!!!! bwiset!

"hala yare!!"

"yare kayo kay miss Nerdy!"

"HAHAHHA!!"

imbes na hanapin kung sino ang gumawa ay inilapag ko nalang ang bag ko sa upuan at kumuha ng wipes at padabog kong pinunasan yung mesa ko para tuloy akong bulkan na sasabog bwiset!!! ginawa ba naman pad paper yung mesa ko nag drawing ng kung ano ano puro nakalagay " panget mo nerd lumayas kana!" basta kung ano-ano buti nalang may baon akong wipes hay bwiset!!! sigurado ako na isa sa mga alagad ni syndie ang gumawa nito sya lang naman ang may galit sa akin na matinde. di nya kase matanggap na lagi ko syang natataasan sa mga quizes at test.

tiningnan ko yung gawi nila edriel,naabutan ko syang nakikipagtawanan kila mikenzie pati na kay mokong,hmm mukang close silang tatlo ang kyutt nila--este ni edriel si edriel lang ang cute sa paningin ko wala nang iba

"Good morning class" masungit na bungad sa amin ni ma'am santos,ang pinaka masungit na teacher sa buong grade 10 sabi ng iba hindi ka daw ga-graduate ng hindi ka napapahiya sa kanya. yes ganun sya katinde at kapag tinanong ka nya ay dapat masagot mo sa loob ng limang segundo kapag hindi ay papalabasin ka nya at ipapataas sayo yung kamay at ipapabend sayo yung tuhod mo at ganoon ka lang hangang sa matapos yung klase nya.

"Good morning, miss san--," hindi na namin natapos yung sasabihin namin dahil bigla nyang hinampas sa table yung libro nya na lagi nyang hawak

"miss verano!,bakit hindi ka nakauniform?!" malakas na sigaw nya kaya halos lahat kami napatungo bwiset!!!! gusto kong isigaw na si mokong yung may kasalanan kaso lalo akong mapapahiya baka sabihin pa nila ako ng kung ano ano

"sumagot ka!!,alam mo naman na ang pinaka ayoko ay yung hindi sumusunod sa school rules!! alam mong hindi pwedeng hindi nakacomplete uniform kapag lunes!!!" ani ni ma'am bwiset gusto kong ibuka yung sahig tapos pumasok doon dahil sa sobrang kahihiyan nandyan pa naman si Edriel

"I'm sorry ma'am nakauniform po ako kaninang umaga kaso po may isang baliw na hindi marunong magdrive na akala mo hari ng kalsada ang bumasa sa akin," madiin kong sabi habang nakatingin kay mokong bwiset ka!!! pahiyang pahiya na ako kanina pa!!

nagulat naman ako ng bigla syang tumingin sa harapan at nagtama ang paningin namin at may sumilay na ngisi sa kanyang labi aba'y bwiset na mokong ka!!!

"bwiset ka!!" sigaw ko agad ko naman natakpan yung bibig ko dahil sa gulat hala!! paktay baka iba ang isipin nila napatingin naman ako kay ma'am santos bakas ang gulat sa kanyang mukha pero mas lamang ang galit halos umapoy yung mata ni ma'am at umusok yung tenga nya sa sobrang galit

"MISS VERANO GO TO THE GUIDANCE OFFICE!!!!" sigaw ni ma'am santos halos mabasag eardrum ko dahil doon,sabi ko na iba yung iisipin nila dahil doon eh hindi ko naman pwedeng hindib sya yung sinasabihan ko dahil lalo akong mapapagalitan at iisipin nilang baliw ako

yare ka talaga sa akin mamaya!!!!

Nerdy turns to beautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon