-LARAWAN-

3 1 0
                                    

"Larawan na na sa tuwing tinititigan ay nagbabalik Ang nakaraan"

Unang lapit,unang yakap na mahigpit
Unang ngiti na nais Kong makitang muli
ngiting masarap titigan,masarap pagmasdan

Ang saya pala natin dati
Saya na sa isipa'y Hindi mawagli
Naalala sa bawat sandali
Naalala ka palagi

Unang litratong ating kinuha
unang litrato na ubod Ng saya
Unang litrato na ikaw Ang kasama

Pero nawala

Malabong ibalik kase malabong maulit ulit

Ang tanga isipin na nawala ka dahil ako Ang sanhi
Hindi na Kita mayakap
Hindi Na kita masilayang naka ngiti Hindi na Kita napasaya katulad Ng dati

Paumanhin Kung lumuha ka Ng dahil sakin
Paumanhin dahil bumitaw ako sa relasyon natin
Paumanhin dahil sumuko ako

Sumuko ako dahil Alam Kong hirap kana, sumuko ako kase ayokong nakikita Kang Hindi na masaya,sumuko ako dahil Alam Kong Hindi mo na kaya,sumuko ako kase Alam Kong malabo na kitang mapasaya

Mahal pakatandaan mong minahal Kita simula pa nung una
Mahal Kita,kaya sana maging masaya ka kahit d kana sakin nakakapit pa maging masaya kana sakanya

-------Ang dating masaya ako dahil akin kana,
Napunta sa masaya ako para sainyong dalawa.


-franz

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon