*Tatiana Bulagcaza's point of view*
Alas syete na ng umaga ng tumunog na ang alarm clock ko, na siyang nagpapahiwatig na kelangan ko ng gumising para maghanda sa araw na to. Masakit man ang ulo ko dahil sa puyat ay nagawa ko pa ring bumangon.
Kasabay ng pag alis ko ng kama. ng sya namang pag bukas ng malakas ang pinto ng kwarto namin, nakita kong papunta si ella na naka simangot habang naka tingin sakin at walang sabing humiga sa kama nila mama.
Halata sa mukha nito ang pagka inis at pagkairita. Di ko na lang ito pinansin at lumabas ng kwarto ng marinig ko naman ang sigaw ni mama habang tinatawag si ella. Patuloy pa rin ang lakad ko patungo ko ng Cr, walang sabi kong sinarado ang pinto ng malakas at ni lock ito. Naligo naman ako kaagad nag tapis ng twalya.
Pag kalabas ko ng cr, agad kong natanaw si papa na naghahanda ng agahan habang nakaupo na si ella at mama sa harap ng lamesa. nag patuloy naman akong nagtungo sa kwarto at nagbihis na ng pang uniform ko para sa pag pasok. Pagkatapos ko mag bihis ay agad kong inabot ang aking bag na nasa lapag at isinabit na saaking kaliwang braso.
Lumabas ng kwarto at umupo sa hapag ng kainan, tahimik naman kaming nag umpisang kumain. Nang matapos ng kumain ang bawat isa, agad namang niligpit ni mama ang pinagkainan.
Tumayo naman ako ng matapos akong uminom ng gamot at tubig, di pa man ako nakakaalis saaking kinatayuan agad naman inabot ni ella saakin ang aking journal. Malungkot itong naka tingin saakin habang hawak hawak ang isang malapad na kwaderno.
Inabot ko naman ito at nilagay saaking bag, nag beso ako dito kila mama at papa at nag paalam ng umalis para mag tungo sa klase.
Alas 10 na ng makarating ako saaking eskwelahan at agad nag tungo sa likod ng building. Tahimik akong naupo at agad binasa ang huling naka sulat. Petsa iyon kahapon at malaking tulong non saakin ang pag basa ko nito.
Nang matapos kong basahin ang naka sulat sa huling pahina ng aking kwaderno, agad naman akong nagtungo saaking silid aralan kung saan nandoon na ang ilan saaking mga kaklase. Kasama na rin don ang ang matalik kong kaibigan na si jessa.
Maganda at maputi ito, mababahidan ng pag ka mahiyain dahil sa pagiging tahimik at naka obserba sa buong silid. Nag tungo naman ako sa bakanteng upuan katabi nito na ikinagulat naman nito. Malamyos naman itong ngumiti at agad sinambit ang aking mga pangalan.
"Tatiana! Akala ko malalate ka na naman ngayon eh" masayang sabi nito.
"Hindi, gumising ako ng maaga kasi alam kong may reporting tayo ngayon" tugon ko dito habang inaayos ang pagkakalagay ng aking bag saaking silyang kinauupuan.
"Oo teh! Buti talaga pumasok ka ng maaga. Kasi may binago daw si roge sa report naten pero wala pa rin sya hanggang ngayon" mahabang lintanya nito habang nilalabas na ang illustration board na dala nito. Dahil kinukuha na ni joevic ang gawa namin.
"Okay lang. Btw nakita ko kanina si keanu sa labas kasama mga kaibigan nya" tugon ko dito habang inaabot ko kay joevic ang illustration board ko.
"Hayaan mo yon." Naka busangot na sabi nito. Natawa naman ako sa tugon nito at iniwan ko na muna sya para puntahan si kristelle at jayde para tanungin ang kelangan gawin para sa tshirt na pinapagawa ni si sir mel para sa batch shirt namin.
Matapos kong makausap ang dalawa, na siya namang pagkadating ng aming guro sa statistic.
Mabilis namang natapos ang pag tuturo ni sir sacopla. Na agad namang kinasuran ni sir melecio ang guro saaming english. Halos di ko na namalayan ang oras dahil nalaman ko na lang na oras na ng aming pag uwi.
Agad ko namang pinulot ang aking bag nagtungo na palabas ng room. Lakad takbo ang ginawa ko upang maabutan ang oras ng aking pag pasok sa trabaho.
YOU ARE READING
Love, Chatting you
Teen Fiction"you can now send a message with this person. " Cover by: Mr_Bimow