Ang sarap sarap pagmasdan ng paligid lalo nat nagsisitaasan ang mga puno, nagagandahan ang mga bulaklak, presko ang hangin, malinaw na tubig sa batis at mga tahanang payak ngunit may saya sa bawat taong naroroon at naninirahan.
Isang malawak na kagubatan, matataas na bundok at matitirik na daanan ngunit hindi nawawala ang natural na ganda ng Sitio Cabuan. Isang liblib na lugar sa Kabisayaan.Isang magandang lugar na hindi pa masyado napapasyalan ng mga tao o turista.
Naninirahan doon ang iilang tao na magkakapamilya.
Malalayo ang bahay ng bawat isa pero parang malapit narin dahil nagkikita kita rin naman palagi.
Tahimik tuwing gabi. Wala kang ibang maririnig kundi ang mga huni ng kulisap o mga ibon sa paligid at hanging nakapasarap pakinnggan.Ngunit nabasag ang katahimikan isang gabi ng may naririnig na iyak ng sanggol sa Di kalayuan sa bahay nina Mang Siloy at Aling Beta. Agad dumungaw si Mang Siloy sa bintana ng kanilang bahay para tingnan kung saan banda May umiiyak.
"Iyak ng sanggol yan Siloy. " wika ni Beta na nooy nasa kabuwanan na niya.
"Diyan ka lang at lalabas ako." Ani Siloy.
"Wag na Siloy! Baka kung ano pa yan!" Takot na sabi ni Beta at paika-ikang lumapit kay Siloy habang hawak hawak ang tiyan na sa anomang oras ay manganganak na.
"Titingnan ko lang ang nasa labas. Babalik din ako." Wika pa ni Siloy habang patuloy sa pag iyak ang sanggol na nasa labas.
Lumabas si Siloy at sinundan ang boses ng bata na umiiyak. Sa di kalayuan, nakita niya na parang May umuusok, gamit ang maliit na lampara ay sinundan niya ito. Agad niya itong pinuntahan at ng makarating, nagulat at nanlaki ang mga mata ni Siloy ng makita ang isang sanggol na lalaki na nakabalot sa asul na tela.
Dahan-dahang kinuha ito ni Siloy at ilang saglit pay........."Siloooooooooooyyyyyyyy!!!!!!!!!!!" Ang malakas na sigaw ni Beta.
"Siloy!!!!!!!!! Aahhhhh!!!!" Sigaw pa ni Beta.
Dali daling bumalik sa loob ng bahay si Siloy karga karga ang sanggol.
Manganganak na si Beta.Inilagay ni Siloy ang napulot na sanggol sa kuna na gawa sa kawayan at inalalayan ang asawa na nooy namimilipit na sa sobrang sakit.
Inihiga ni Siloy si Beta sa kanilang higaan .
"Kayanin mo Beta pupuntahan ko lang si Aling Nara!" Ani Siloy na hindi na rin mapakali."Ahhhhhh!!!! Lalabas na!!! Siloy!!!!!ahhh!!"sigaw muli ni Beta.
"Beta!!" Ang bulalas ni Siloy nang hinimatay si Beta.
Ilang saglit pay may narinig na iyak na sanggol si Siloy. Tiningnan niya ang kuna Pero hindi ang batang napulot niya ang umiiyak.
Patuloy sa pag iyak ang sanggol at doon nakita ni Siloy ang supling sa bandang hita ng kanyang asawa.
Nanganak ito sa Di oras."Beta, Beta ... nanganak kana." Ang masayang Wika ni Siloy habang hawak-hawak ang supling.
Ngunit,....... Hindi na Kailanman nagising pa si Beta.
————————————————————————
Mag-isang pinalaki ni Siloy ang dalawang sanggol. Ang anak nila ni Beta at ang sanggol na napulot niya.
Ang anak nila ni Beta ay pinalanganan niyang Marcus at ang isa naman ay Gael.
Ipinalabas ni Siloy na kambal ang naging anak nila ni Beta.
Giliw na giliw naman ang mga kakilala at kapitbahay nina Siloy sa dalawang bata kahit nanghihinayang at nalulungkot sa pagkawala ni Beta.Dumaan ang maraming panahon, sabay na lumaki ang dalawang bata. Itinuring na tunay na anak ni Siloy si Gael.
Itinago lahat ni Siloy ang totoo sa batang Gael. At, naging magkapatid ang turingan ng dalawang bata. Si Marcus at Gael.