Chapter 1

39 2 0
                                    

"Bebang! Extend mo pko ng 1 hour!" sabi nung pinaka mayabang na laging naglalaro dito sa shop namin.

"Tama na dota! Madami pang maglalaro!" Kahit wala naman, nababanas kasi ako pag nandito yan. Ang ingay ingay kasi.

"Stun mo na! Stun! Stun! Ay skakwiakfkelaihahakshekwhbd!" Sabi nya sa mga kakampi nya.

"Hoy! Ang iingay nyo! Wag kayong maingay!" Sabi ko ng pasigaw.

"Bebang, wag ka namang magtaray jan. Di kana nga maganda ang taray taray mo pa."

Nagtawanan naman ang mga nag lalaro pa sa shop namin.

"Aba, lumayas ka nga dito!" Agad kong pinag hahampas sya ng walis tambo.

Haynako, ayokong naglalaro yung lalaking yun dito. Naiinis ako pag nakikita ko pag mumuka nya. Bukod sa muka syang talong, para syang naka lunok ng mic pag nagsasalita. Ang ingay ingay! Nakakairita!

"Hoy! Jonard! Lalake! Magsasara na kame! Di ka pa uuwe?!"

Oo ganyan sya lagi. Sya ang nagbubukas ng shop, sya din ang nagsasara. Grabe adik nya sa dota. Ano ba meron dun?!

"Teka bebang tatapusin ko lang to. Mega na barracks nila oh." saad nya.

"Nako nako! Wala akong pake sa mga mega mega na yan at barracks barracks. Bilisan mo baka sipain ko yang barracks mo!" pagtataray ko.

"Taray mo naman, maganda ka ba?" saad nya

"Panget kung pangit! Bilisan mo jan leche ka!"

Nang matapos na sya, nilinis ko na yung shop at isa isang chineck ang mga computer.

Pag punta ko sa pinag upuan ng Jonard na yun, "Putspa! Ang daming kalat! addfgkaksjaka"

Haynako, pinahihirapan talaga ako ng buwisit na yun. Humanda sya bukas pag nakita ko.

Umuwi nko ng bahay para asikasuhin ang mga kapatid ko. Mag luluto nadin ako para sa hapunan namin. Baka nagugutom na sila. Ang tagal tagal kasi ng jonard na yun. kainis.

"Ate, nag saing nko. Ulam nalang ang kulang." sabi ni Ayah. Pangalawa saming magkakapatid.

"Sige be, lutuin nalang natin yung pork na nasa ref. Gutom na ba kayo?"

"Di pa naman ate, sige turuan ko muna si jeanie sa assignments nya."

"Sige be."

Niluto ko na din ang ulam namin. Naghanda at kumain na.

Pagtapos kumain nag pagpag nko ng kama at inihatid sila sa kanya-kanyang kwarto nila. ü

Si daddy kasi, wala na sya. Naaksidente sya 3 years ago. Sana nandito sya ngayon. Tsak lagi nyang sasabihin sakin na, ang ganda ganda ko. Hahaha! Shutang inerns, humor pala to. Nakalimutan ko.

Si mommy naman, nagttrabaho sa ibang bansa. de joke. Mama at papa lang. Di kami mayaman noh. Hehehe

Sige tulog nko, papasok pko bukas sa school. Goodnight.

Im Inlove With a GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon