KABANATA 1

21 1 0
                                    

Sa tabi ng kalsada ay isang dalaga morena ang naka upo sa malamig na sahig, umiiyak, luhaan. Makikita sa kanyang mga mata ang pagdaramdam at pananakit. Humagulgul ang babae at tumulong na.

"Bakit mo ako iniwan... Handro...Tulong..."

Habang siya ay lumuluha may mga taong nakatingin sa kaya, naawa sa sinapit ng dalaga. Bumuhos ang matinding ulan at nakaupo parin ang dalaga sa sahig, sinasabi ng mga tao na umalis na siya roon subalit tumugon ang dalaga. Makalipas ang ilang minuto isang kotse ang dumating. Laman ang isang babae na may malalaking alahas na may dalang payong at nagmamadaling pumunta sa dalagang morena.

"Bakit ka nandito? Basang basa ka ng ulan, buti nakita kita rito kung hindi ay nagkasakit kana. Tara, iuuwi na kita sa inyo"

Hindi na naintindihan ng dalaga ang sinasabi ng kanyang kaibigan dahil sa malalim na pag iisip nito. Inaalalayan niya ang kaibigan upang makatayo at ipinasok sa sasakyan ngunit biglang nahimatay ang dalaga.

"Ula naman eh bilis bangon na, patay ako kay tito pag nakita kanyang ganyan!"

Natatarantang sabi ng kaibigan ni Ula.

"Kuya patulong naman, mabigat siya mas mabigat pa sakin to eh." Binuhat ng driver si Ula papasok sa kotse at pumasok narin ang kaibigan ni Ula.

"Kuya sa ospital na tayo, pag sa bahay kasi ay bubugahan ako ng apoy ni tita eh." Patawang sambit nito.

"Yes, miss rosamie." Tugon ng driver.

Lumakas ng lumakas ang ulan, Malaki ang kaba ni rosamie habang sinusuklay ang buhok ni Ula.

'Ano ba yan... Anong sasabihin ko kina tita pag nakita nila si Ulan na ganito?!' Basilang nito sa sarili.

Huminto ang sinasakyan nilang kotse sa harap ng malaking ospital. Idinala nila walang malay na si Ula sa emergecy room, itinawag ni rosamie ang mga magulang ni Ula para malaman ang sitwasyon nito.

"Tita... Si rosamie po ito..." Mahinhin na pagtawag ni rosamie.

"Nakita mo na ba si Ula? Kanina pa naming siya tinatawagan." Mahinahon na pagsagot ng mama ni Ula.

'Patay... Galit na si tita! Pano ko to sasabihin' Napakagat nalamang siya ng kanyang labi.

"Ano... Tita nakita ko na po-"

"San kayo? Pupuntahan ko na kayo."

"Nasa x Hospital po kami, nasa emergency room pa po si Ula, wala pa pong sinasabi ang mga doktor sa kondisyon niya."

"Papunta na ako." At binabaan na si rosamie ng telepono.

Makalipas ang ilang minuto dumating na ang nanay ni Ula. Nakita niya si rosamie na nakaupo sa tapat ng emergency room. Nilapitan niya ito at nagtanong.

"Anong nangyari sa kanya?"

Nakita ni rosamie na pagod na pagod ito sa paglalakbay. Nag mano ito at sinabi ang kanyang nalalaman. Napaiyak nalamang siya ng malaman ang sinapit ng kanyang anak. Dumating ang isang nurse namay hawak na papel at ibinigay ito papel.

"Maam, pasulat po ang informasyon tungkol sa pasyente."

Matapos maisulat ng mama ni Ula ang mga impormasyon, tinanong niya ang nuse kung ano ang kalagayan ng kanyang anak.

"Stable na po ang pasyente, pero gumagawa pa po sila ng final check up nara po masigurado na ligtas po ang pasyente."

Nag pasalamat si rosamie sa nurse samantalang nag buntong hininga ang nanay ni Ula.

Matapos ang ilang minutong pag hihintay ay lumabas narin ang doktor. Lumapit ito sa dalawa na may lungkot sa mukha.

"Dok ano pong nangyari sa anak ko?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Don't Fall For This Shyness ScamWhere stories live. Discover now