Chapter 1

6 0 1
                                    

Chapter 1: 

  

     How I feel  when there is no Coffee ?DEPRESSO  !.  Yan ang na fefeel ko araw-araw dahil sa lintik na mga  kapit-bahay ko daig pa ang mga manok sa ingay kung mag tsismisan.

  "Ay Aling Delia may nasagap na naman akong tsimis" babae 1 .

" anu naman yan" aling delia

" yung babae na bagong lipat daw yung rason kung bakit naghiwalay yung kumare kong si Angel pati yung asawa niya. "

Agad akong napahinto sa paglalakad at taas noo na pinanunood yung babae mukhang TV sa lapad ng katawan at lakas ng radar sa tsismisan! my god! may pa hand gesture pang nalalaman . Nasa may likuran ako nung babae kaya di niya ako makikita so keri lang makinig.

"A-ah bakit mo naman nasabi " sabay tingin ni aling delia sakin . Pero yung babae hindi ata ma feel na nasa likod niya lang ako.

" Eh sa gusto daw ng lalaki yung bagong lipat na babae. Maganda daw di tulad nang asawa niyang si angel ." Then  bigla siyang tumawa na talagang magpapainit ng ulo nino man.Yung tawa niya parang isang biik na kinakatay.

"Naku! Baka may makarinig na ibang tao nakakahiya dun sa bagong lipat" at pasimpleng hinampas ni aling delia ng kanyang walis tingting yung babae.

"At bago ka makipagtsismisan at tumawa magsipilyo ka muna. Naamoy ko hininga mo hanggang dito.." biglang singit ko.

  Mabilis na umatras si aling delia at parang walang nangyaring pinagpatuloy niya yung pagwawalis sa kaniyan bakuran. Habang yung babae naman ay dahan- dahang lumingon sa akin habang nanglalaki ang mga mata at nakanganga pa.

" Sardinas" malamig na sabi ko

"H -huh "

  " sardinas yung ulam mo . Amoy ko hininga mo kaya pake sara ng bibig mo. " pang-iinis ko sa kanya.


"A-aba't hoy babae---" bigla niyang tinaas ang kanyang daliri para iduro-duro ako pero agad kong inilabas ang baril na dala ko at tinutok ko sa kanyang daliri na nakaturo sakin.

" Wag kang magsalita sumasakit ang ulo ko kapag naamoy ko bunganga mo. " I tilt my head on the left side while staring at her.

May kinuha ako sa bulsa ko at binigay sa kanya. Agad naman niyang kinuha at tinignan ito. Bakas pa rin ang pamumutla nito habang nakatingin sa baril ko .

" Bente pesos yan. Bili mo ako ng tuyo sa tindahan . Pagbiling ko  sampo na hindi ka pa nakaka alis sa harapan ko sasabog yang daliri mo"tamad kong sabi sa kanya.

  Agad umatras yung babae at agad kumaripas ng takbo . Hindi pa siya nakakalayo dahil sa bigat ng katawan niya ay agad kong kinasa  yung baril at binaril siya sa pwet . Parang slow motion na napaluhod siya habang hinahawakan yung pwet niyang pinataamaan ko ng pellet gun. 


  "HAHAHAHA.... you should see your face that was epic" hagalpak ko habang tinuturo turo pa siya gamit yung baril na laruan na nabili ko sa divisoria.

  Napaismid nalang yung babae habang nakahawak sa likod niya . 

"Next time wag puro chismis inaatupag mo" nakapamulsa akong naglakad palapit sa kanya at tinignan siya ng masama.

Pagkatapos ng staring contest namin ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bagong bahay na nalipatan ko.

Maraming mga bata ang naglalaro sa labas. May mga tambay na nag-iinuman , mga kabataang nagkukumpulan , mga babae'ng nagaaway at mga lalaking nagsusuntukan.


Deretso lang lakad ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Agad kong binuksan yung pinto na kahit isang suntok lang siguradong sira na agad.  Pagkapasok ko ay ayad akong sumalampak sa sofa naming sira-sira. I closed my eyes then pinakiramdaman lang yung paligid ko.

" Kumusta night shift mo " 












Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon