Kabanata 1

0 0 0
                                    

KINUHA ni Camille sa ibabaw ng aparador ang gitara ng kanyang yumaong ama pagtapos na pagkatapos nyang gumawa ng tandang aralin sa Filipino.

Dala ang gitarang kulay lila, tinungo nya ang kanilang kusina ng kanilang bahay. Naabutan nya ang kanyang ina na si Aling Luz, na saktong katatapos lamang hanguin ang nilulutong malagkit.

"Nay, papunta ho lamang ako sa may aplaya," pamamaalam nya sa kanyang ina. "Wala na ho ba kayong ibang kailangan?"

Hindi lumingon ang kanyang ina at tuloy sa pagaayos ng kanyang ilalakong malagkit.

"Wala na naman akong kailangan pa anak", tugon ng kanyang ina. Pagkuwan ay humarap ito sa kanya, " Tapos ka na ba sa iyong ginagawa kanina?"

"Opo. Tapos na po."
Tumingin ito sa orasan ngunit napagtantong di ito gumagana. "Sa tingin mo bay anong oras na?" At tumingin sa langit na nasisilayan sa may bintana malapit sa kusina ang ina.
"Siguro hoy wala pang alastres"

"Ayusin mo ang orasan mamaya, Joy at kahapon payan. Ikaw narin ang magluto ng hapunan mamaya ha, kung di ako agad makakauwi. Hahatid ko pa ang mga inorder na malagkit nina Aling Ising at kahapon pa ito"

"Oho nay. Mabilis lang naman po ako sa may aplaya"

"Magkakakanta ka na naman?"

"Bakit ka ba dumadayo pa duon sa aplaya, Joy?"
"Nay naman baka mabato ako ng kapitbahay pag dito sa bahay"
"Kow! Sa ganda ng boses mong iyan, anak"

Napatawa sya ng malakas. "Yaan mo na nay. Gusto ko sa aplaya magkakanta."
"Ay sya. O sige, ng makabalik ka kagad"
"Opo nay. Sandali lang ho ako"

Ang napipinturahan nilang na bakod na kawayan na umaayon sa kulay ng dagat ay nakaharap sa dalampasigan ng Isla Azul, pangalan ng bayan nina Camille. Nayon ng mga mangingisda ang Isla Azul, at iba pang simple ang pamumuhay.

Sinunod nya lamang ang lilom ng nakatanim na matatayog na niyog sa daanan at saglit lang, ay narating nya ang purong buhangin sa kanilang nayon.

Kayhirap maglakad sa buhanginan na natatabunan ang kanyang tsinelas na nasasama ang kanyang mga paa. Isama pa ang init ng buhangin. Kahit sanay na sya sa init nito ay di parin maiwasan ang pagkapaso ng kanyang talampakan hanggang sa marating nya ang isang lilim ng mababang punong kahoy.

Di nya alam ang tawag sa uri ng punong kahoy na iyon. Nakatanim iyon malapit sa tabi ng aplaya. Pero ang mga sanga niyon ay nakagapang papuntang dagat na animoy inaabot ito.

Naupo si Camille sa may sangang mababa malapit sa kanya. May duyan duon ngunit pinili nyang umupo malapit sa dalampasigan. Binuksan nya ang lumang notebook ng kanyang nakatatandang kapatid kung saan ay may mga kanta at chords na gagamitin nya sa pagpapraktis ng kanta. Dumampot sya ng bato at ipinatong sa ibabaw upang di lipadin ng hangin ang mga iyon.

Inalam nya ang tamang kwerdas ng gitara. Tinuruan sya ng kuya nya para duon kaya ngayon ay alam nya na kung paano.

Saglip pa, sa saliw ng sariling tugtog ng gitara'y kinanta nya ang isa sa mga paborito nyang kanta:

Someday, youre gonna realize
One day, youll see this through my eyes
But then, I wont even their
Ill be happy somewhere, even if I cared

Hindi sya naglilibang lang, alam nya yon.
Lihim na lihim at ambisyon nyang mgaing isang kilalang mangaawit.

Idolo nya si Nina. Kahit pa nga sinasabi ng kanyang matalik na kaibigan at kaklase si Rose na mas maganda sya plus boses sa iba pang tanyag na mangaawit.

May maputi syang balat na kinaiingitan ni Rose, at bakit daw sya hindi nangingitim ay nakatira sila malapit sa dalampasigan at bilad lagi sa initan. Prominente ang tangos ng kanyang ilong at kung humaba daw ang kanyang buhok pa, ay tiyak na mas gaganda pa sya.

Di nya sinasabi kay Rose na may lihim syang maging isang mangaawit. Pag tinatanong sya kung anong pangarap nya ay lagi nyang sinasagot ay maging isang successful na guro.

Talaga naman kasing teaching course ang kukuninin nyang kurso kung sakaling pagaaralin pa sya hanggang kolehiyo.

Bachelor of Science Education. Major in Music minor in P.E.
Kung di sya magiging isang mangaawit, atleast ay nalinya at nalalapit parin ang kanyang kurso sa musika.

Dalawang awitin ay kinanta nya magkasunod, kabilang na ang "Torete". Mahilig sya sa mababagal na kanta dahil swak iyon sa boses nya.

Isang patusok na kabibe ang nakita nya di kalayuan at dinampot iyon, sinulat nya ang pangalan ng kanyang kamag aral na lalaki : August Gomez.

Nilagyan nya sa tabi ng kurteng puso kasunod ang pangalan niya.

"Ate, Joy"

Napatingin sya at dali daling binura ang kanyang mga ginuhit.

Tumatakbong palapit sa kanya ang kanyang maliit at batang kapitbahay na si Trisya.

Nasa mukha ni Trisya ang takot at kaba, nakita nya agad ito habang papalapit ito sa kanya.

"Si Aling Luz, Ate Joy .."

"Oh, anong meron sa Inay?" kinakabahan na din nyang tugon "Anong nangyari?"

"Bumagsak sya .. habang papunta sa amin. Hinimatay ata si Aling Luz.. at..

Di nya na hinintay pang matapos magsalita ang kapitbhay at dali daling tumakbo papunta sa kanilang bahay.

"Inay...!" naiiyak agad na sigaw nya. "Inay-y-y"

NASA salas si Aling Luz nang datnan at makita ni Camille. Kababangon lamang sa hinigaang sopang kahoy. Pinapaypayan ang sarili sa pamamagitan ng isang maliit karton.

"Inay, bakit ho?" aniyaang saad pagkakita nya dito. "Anong nanyari, inay?"

"Wala ito anak, pagod lang siguro", sabi nito. "Napasipag ata masyado. Okey na ako"

"Sigurado ho kayo?"

"Baka kelangan ipagamot kayo ke Mang Jun," ani Camille na ang tinutukoy ay ang albularyo sa kanilang nayon. "Tatawagin ko ho si Mang Jun, inay"

Umiling ang kanyang ina. "Wag na anak. Ok na ako" sabi nito. "Nahilo siguro ako sa init sobra ng panahon. Uminom naman ako kegad ng tubig at naginhawaan ako"

"Sigurado ho ba kayo? Wala naman kayong sakit?"
"Oo, anak"
"Pinapadalhan naman tayo ni Kuya Arturo ng pera kinsenas katapusan, bakit nagluluto pa kayo ng malagkit. Konti lang naman ang kinikita nyo sa isang ahon. "

"Kung di ako maghahanap buhay kahit papano," malungkot na tugon ng kanyang ina at napatingin sa litrato nilang pamilya, "di tayo mabubuhay ng maayos ayos sa pinapadalang pera ng kuya mo. Saka alam mo namang may pamilya na din ang kuya mo, nakakahiyang dadagdag pa tayo diba?"

"Ngunit, inay..."

"Nagaaral ka pa Joy, malapit na din ulit ang iyong exam diba?"

Tikom ang labing napatango siya.

Nagtatrabaho sa Maynila ang kanyang kuya at doon na din nakatira kasama ang sariling pamilya. Isa itong Security Guard sa isang sikat na hotel sa Maynila. Malaking tulong para sa kanila ang perang pinapadala nito. Pero kailangan pa nga din maghanap buhay ng kanyang ina.

Naiisipan na din nyang tumulong sa kanyang ina, ngunit sabi nito ay mahalaga parin na makapagtapos sya ng pag aaral at may mas malaking opurtunidad na makukuha kung tapos ka.

Katatapos lamang magluto ng pakbet at magprito ng galunggong na kanilang uulamin sa panghapunan.
Nagpaalam sya sa kanyang ina, "Inay, babalikan ko lamang po ang naiwan kong gitara at notebook sa aplaya"

"Bakit ho kayo pa pati ang nagpapatuka ng mga manok? Ako na lang ho sana"
"Ku, e, lalo akong manghihina kung di kikilos"

Napabuntong hininga na lamang si Camille.
"Sige na inay, pagbalik ko ay kakain na tayo"

Binalikan na nya ang gitara at notebook.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AugustWhere stories live. Discover now