The worst is-- to fall inlove again.

96 1 0
                                    

(AN: hello there! The worst is-- to fall inlove again is a short story written by myself. I wrote this story for my beloved classmate which is the researcher of my portrayer. This story is work of fiction and this is dedicated to her. Thank you!)

----------

Ayoko ng maranasang magmahal.

Ayoko ng masaktan ulit sa pangalawang pagkakataon.

Dahil ang nagmamahal, nagmumukha lang tanga kakaasa.

Hindi man nila aminin sa sarili nila or let me say, sating sarili ganun tayo.

Nagpapakatanga lang sa walang kakwenta kwentang pag-ibig.

Sino ba naman tayo? Pag nga naman tinamaan na, dun! Unti-unti na tayong nagiging tanga hindi pa natin alam.

Unfair ang love diba?!

Chapter 101

Nagising na lamang ako ng may biglang pumaltok sa ulo ko. Ang puta naman oh!

Ganito kadalasan ang nangyayari sakin kapag walang teacher. Binubully nila ako. Minsan pa nga hindi lang bully ang nangyayari sakin kundi harrasment na. Pero sino nga ba ako? Di hamak na mas mayaman pa sila sa may-ari ng paaralang pinapasukan ko. Ang worst pa nito kahit may-ari ng school, binubully din nila. Ang sasama nila diba? Pero nasaan ang hustisya sa mga ginagawa nila, sayang din ang pinapampasok ng mga magulang nila sa kanila tapos puro lakwatsa lang ang alam. Mayaman nga naman!

"You! Nerd. Linisin mo 'tong kinalat namin." Utos ng isang babaeng nagngangalang Athena. Siya ang tinuturing na campus queen dito sa campus at siya rin ang dakilang inggiterang dinaig pa si Lavinia sa Princess Sarah. Mayaman kasi siya kaya lahat na lang ng mahirap o mga nerd dito sa campus, inalila na niya. Bali-balita kasi na wala na daw nanay si Athena kaya ganyan na yan kung makaasta.

"Hoy babae! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Inuutusan kita diba?!" Sabay sabunot palikod saking buhok. Nandidilat ang mga mata niyang akala mo sobrang ganda ng contact lens niya. Mga nakatingin na din samin ang karamihan ng mga kaklase namin. Yup! We are classmates here. At worst, siya yung president dito sa klase.

"Stop that Athena!" Napalingon kaming dalawa sa boses Adam na sumigaw kay Athena. Si Christler pala.

Siya yung class vice president namin. Siya rin yung gwapo "LANG" dito sa classroom namin. Medyo nahihiwagahan din ako sa kanya since school year. Minsan kinakausap niya ako minsan naman hindi. Ewan ko ba sa kanya pero may mood swings yata lagi.

"Oh my ghod! Don't you say, pinagtatanggol mo pa 'tong impaktitang to?! Look, she's so weird." Turo pa niya sakin. Kahit naman ganito ako ka-neird hindi naman ako weird no. Ganito lang ang style ko, ganito lang din ang outfit ko pero hindi ako weird gaya ng iba.

Tiningnan niya si Athena at binitawan ako. Pero yung pagbitaw niya, mukhang may kasunod pa. Ganito lagi ako sa classroom, kahit inaapi at inaaway na, tahimik pa rin. Hindi kasi ako biniyayaan ng kaingayan.

*After class

Pagkatapos ng klase naglakad na ako palabas ng gate. Malapit lang naman kasi yung school sa bahay namin kaya lalakarin ko na lang. Maaga pa din naman kasi maaga ding natapos yung last subject namin. Pero nung paglabas ko ng gate, hindi ko inaasahang may mabubunggo ako dahilan kung bakit nanlaglag yung mga librong hawak ko.

"Sorry miss.." napatigil ako bigla. Ngumiti lang ako at pinulot lahat ng nanlaglag kong libro. Ngumiti na lang din siya saka nagtatakbo papasok ng gate.

Tatawagin ko pa sana siya kaso hindi ko na rin naaninag miski anino niya. Sino kaya yun? Hindi ko na din pinansin pa at tuluyan na kong naglakad.

*sa bahay

The Worst is-- to fall inlove again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon