Hugot

76 0 0
                                    

This story is dedicated to my little Darla's ♡

© 2014-15

--

Prologue :

Sette's POV :

" Pag gagawa ka ng isang bagay, panindigan mo! Hindi ung pati kami nadadamay.Gaga to." pangangaral ko kay Marj, isa sa mga kaibigan ko.

" Ano bang nagyare?" tanong naman ni Abby, kaibigan ko rin sya katulad ni Marj.

Tumungo lang si Marj " Break na kame." sagot nya sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Magkakaibigan nga kame. Lahat kasi kami, sinasaktan ng mga lalaking mahal namin.

Nainis naman akong bigla. " Iyon ang dahilan kung bakit ka naglasing!? " Nanatili syang nakatungo't tahimik.

May bigla lang kasing tumawag sakin at sinabing kailangang sunduin si Marj dahil lasing na lasing ito.

" Bakit naman? " tanong naman ni Abby.

" Gusto nya kasing kunin eh!" parang bata nyang sagot.

" Ang alin? "

" Yung virginity ko! " sagot ni Marj. Agad naman pumwesto si Abby sa tabi ni Marj tsaka hinimas ang likod

nito para kumalma. " Buti hindi mo ibinigay " nag-aalalang wika ni Abby.

" Oo, mahal ko sya. Pero hindi puro puso dapat ang pinapagana, dapat may isip rin " paliwanag ni Marj.

Iyan ang nagustuhan ko samin. Hindi kami ung mga sobrang konserbatibo tulad ni Maria Clara pero mga babae kaming edukada.

Lumapit na rin ako sa dalawa. " So ano? Iiyak ka na lang dyan? Magpakape ka naman!"

" Pwede ba Sette! Nag-iinarte pa ko oh! Tyan mo pa rin ang iniintindi mo! "

Tinaasan ko naman sya ng kilay " Hoy! Aba Marjorie! Kalagitnaan ng panaginip ko! Alas dos ng madaling araw sinundo ka namin sa bar tas kape lang hindi mo maibigay?"

" Abby , magtimpla ka na ng kape, para matahimik to!" agad namang nagtungo si Abby sa kusina.

Nasa bahay kami ni Marj. Nakabukod na sya sa pamilya nya, dahil iyon ang gusto nya, at sa aming tatlo, sya ang sunod sa luho. Unica Ija kase kaya ganyan. Pero mabait yan , spoiled pero ndi brat.

Mayamaya pa ay dumating na si Abby bitbit ang isang tray na may tatlong tasa at ilang biscuit.

" Oh? bakit may tinapay pa? Diba ang sabi ko kape lang? Iyan ang hirap sa inyo e, ibinigay na nga ang gusto nyo pero higit pa ang kinukuha nyo!"  pasigaw na wika ni Marj.

Nagkibit balikat lang kame. Sanay na kame sa bunganga nyan. Inilapag na ni Abby ang dala nyang tray sa side table sa tabi ng kama ni Marj at nakakuha na kame ng tigi-tig-isang tasa nang nahulog ang hawak ni Abby na tasa.

" May mga bagay talaga na kahit anong higpit na ng hawak mo. Mahuhulog at mababasag pa rin" wika nito habang pinapagmasdan ang unti unting pag kalat ng likido sa sahig.

" Minsan kasi sa sobrang higpit ng hawak mo, nasasakal na. Kaya gustong kumawala." pagdudugtong ni Marj.

Syempre dapat may opinyon rin ako . " Hindi naman sa sobrang higpit ng hawak. Baka hindi mo lang talaga dapat hawakan ang bagay na yun."

" Tama na nga! Kumuha ka na ng pamunas. Dapat ng mahinto bago pa tuluyang kumalat " saad ni Marj habang itinataas ang bed sheet dahil maabot na ito ng natapong kape.

Muling nagtungo si Abby sa kusina at kumuha ng basahan. Matapos iyon ay pinunasan na nya ang natapong kape sa sahig. " Minsan , kahit anong pilit mong alisin ang isang bagay may matitira at matitira pa rin " wika nito habang nakatingin sa parte ng sahig na nanatiling basa.

" May natitira? May mga bagay talagang nag iiwan ng bakas. Para pag nakita mo ulit ung bagay na yun. Maalala mo ang kamalian mo, ang pagiging careless mo. Dahil don , maiiwasan mo ng maulit pa ung nagawa mong pagkakamali." sambit ni Marj at pagkatapos ay humigop ng kanyang kape.

" Hindi lahat. Minsan kinakailangan mo lang maghintay. Hintayin mong lumipas ang oras, hanggang sa mawala na lahat. Lahat lahat " pagpapaliwanag ko habang itinututok ko ang electric fan sa sahig.

" Tama na nga so , ano nang balak mong gawin?" pagbabalik ko topic. Tumungong muli si Marj. " Gusto kong lumayo. Yung malayong malayo."

" Magpakamatay ka na lang.Problem solve. "

" Tado. Seryoso ko, masyado kong nasaktan Sette. Kasi naman diba?! Tangina lang nya. Dahil lang sa tawag ng laman itatapon nya ung dalawang taon naming pinagsamahan. Walang hiya. Pareparehas lang sila mga ~ "

"Roadtrip!" biglang putol ni Abby sa sinasabi ni Marj. Napatingin lang kami ni Marj sa kanya at naghihintay ng sunod nyang sasabihin ngunit nanatili lang itong nakangiting parang tanga.

" Oh? Tapos? " pagbabasag ko sa katahimikan. " Gusto daw ni Marj lumayo, edi magroadtrip tayo!"

" Gaga! Saan? mula dito hanggang sa kanto? Bwiset to. Taghirap tayong lahat! Utak nga! Baka mamaya makarating nga tayo dun, hindi naman tayo makabalik!"

" Edi wag kang sumama!"

"Bakit ikaw ba makakasama?" Saglit syang natigilan, " Hi-hindi rin. Nahihiya akong humingi ng pera kay Tita" pagpapaliwanag nya sabay kamot sa ulo.

Si Abby, halos parehas kami ng sitwasyon. Parehas kasing taksil ang aming mga ama. Ang pinagkaiba lang ung Tatay nya, kilala nya , ako? Iniisip ko na lang na nabuntis mag-isa ang Nanay ko. Kesa hanapin ko ung magaling na lalaking yun! Ni hindi ko maatim na tawagin syang ama. Kung iniwan nya lang kami, ayos lang naman sakin eh, kaso pinaiyak nya'y Mama ko ng paulit ulit na hindi na mabilang kung ilang beses. Kaya ako galit sa kanya, kase hindi deserve ng Nanay ko ang ginawa nya.

Sa aming tatlo si Marj ang malaya. Nasusunod halos lahat ng luho nya, pati ang pagbukod nya ng bahay. May sarili naman kaming bahay ni Mama. Samantalang si Abby, ay kasama ng pangalawang pamilya ng Tatay nya, namatay na kasi ang Nanay nya matapos malamang pinagtaksilan sya ng kanyang asawa. Ngunit sa halip na kamuhian ni Abby ang kanyang Ama, ay sya pa ang nakikisama sa bagong pamilya nito. Ang pakiramdam nya kase ay sampid lang sya dito kaya ayaw na nyang maging pabigat.

" Ako na gagastos. " wika ni Marj. Napatingin naman kami ni Abby sa kanya. " Ako na gagastos, matuloy lang! Alam ko namang mas kuripot pa kayo sa batang namamalimos! Tutal oras nyo ung kukunin ko tsaka ako rin naman ang makikinabang dito! "

" Osige, kukuha lang akong mga gamit sa bahay tas dito na ko matutulog." wika ko. " Paano Mommy mo?"

" Malaki na yun. Tsaka nasa team building sya sa Palawan. Kasama ang Juniors " paliwanag ko. Nagtatrabaho kasi ang Nanay ko sa isang kumpanya at halos dun na lang nya inuubos ang mga oras nya, bukod sakin.

" Ako din. Magpapaalam na ko kay Papa o kaya kay Kuya Drew tas dito na rin ako matutulog." wika ni Abby.

" Hoy teka! Teka! Hindi pa nga ako pumapayag na dito matulog si Sette tas, sasabay ka pa Abby?! Anong tingin nyo sa bahay ko? Ampunan?"

" Pano? Alis na kame ah? Wag mo na lang i-lock ang pinto, mabilis lang naman ako." pagwawalang bahala ko sa reklamo ni Marj. Atsaka kami tumayo ni Abby at tuluyan ng lumabas sa bahay ni Marj ng wala man lang paalam. Alam na nya ang gagawin nya. Wala e, Kaibigan! HA.HA.

HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon