Hugot-1

57 0 1
                                    

Sette's POV :

Nasa lamesa na kame ni Abby. Nagprisinta kase si Marj na sya ang magluluto. Dahil di raw ako sanay at pag si Abby naman  , baka daw puro dahon ang kainin namen.

"Aaaahhh!", bigla na lang sumigaw si Marj. Mabilis naman kaming nagtungo sa kusina. " Anong nangyare? " tanong ni Abby.

" Nakakinis ung oven! Argh! "

" Bakit? "

" Tumunog na kase kaya kinuha ko na ung baked mac. Kaso sobrang init pala e, hindi ko suot ung gloves." salaysay ni Marj habang nilalagyan ng ointment ang kamay nya. " Eh bakit naman kase hindi ka nag gloves?" tanong ko. " Gutom na ko e"

" Tingnan mo!? kasalanan mo naman tas ung oven ang kinaiinisan mo?" nagpout lang sya. " Wag ka ngang gumanyan, akala mo cute!? Mukha kang Pecking duck!"

" Ako na nga yung nasaktan ako pa ung mali? Wala na ngang nagmamahal sakin tas sisisihin ko pa'y sarili ko? Aba Matinde!"

Habang kami ni Marj ay nagtatalo napansin ko si Abby na sinisimulan ng kainin ung Baked mac. " Sge nga! Bakit kasalanan ba ng oven na hot sya? Tsaka ikaw rin naman ung gumawa ng dahilan para masaktan ka ah!"

" Buti pa yung oven, HOT" biglang singit ni Abby. Matapos ang limang segundong pagloloading, nagtawanan kami. " Hoy! Abby may tamang panahon para sa lahat! Bakit nauuna kang kumain?" " Magkakaibigan tayo. Kaya kung anong iyo dapat akin rin." dugtong ko.

" Ang akin, akin lang. At ang sa iyo, akin din." sagot nya. " Huh? Connect?" nagtatakha kong sagot.

~~

Nasa terminal na kami ng bus. 4:00am pa lang andito na kami kaya konti pa lang ang mga tao kanina. Ngunit ngayon, para na kaming sardinas dito pero hindi pa rin kami sumasakay sa bus. Habang kumakaen kasi kami ay napag usapan naming hindi kami magpaplano sa gagawin naming road trip. Kaya hindi kami nagdala ng kahit anong sasakyan, parang magpapatangay lang kami sa agos. At dahil wala kaming specific na lugar na pupuntahan, ang magaling na si Marj at Abby ay nagjackn'poy sa no. ng bus na sasakyan namin. Si Marj ang nanalo kaya hinihintay namin ang 50th bus na aalis sa terminal.

" Matagal pa ba?" daing ni Marj. " Ambigat ng dala ko e."

Umiral nanaman ang pagiging reklamador nya. " Sino ba kasi ang nagsabing dalhin mo lahat ng laman ng kabinet mo? Tas shoulder bag pa'y ginamit mo! Sinong hindi mahihirapan?" pagsesermon ko. " Ung  bag kase na to bagay sa porma ko "

" Hindi porket bagay sayo, yun na agad ang pipiliin mo. Tingnan mo ung sarili mo , sa halip ma sumaya ka dahil bagay sayo yan e, nahihirapan ka pa ngayon!"

" Oo nga. Tsaka alam mo Marj, dapat bagpack ang ginamit mo, kasi mahirap talaga kapag isang part lang ang nagkecarry ng lahat.  Dahil kahit anong tatag ng parteng yun, mapapagod, masasaktan at susuko din yun. Parang yang bag mo, ung right shoulder lang ang nagdadala ng lahat. Dapat balanse. Give and Take ganun." pagsang-ayon sa akin ni Abby. Siguro gutom na to, medyo seryoso kasi ang pagkakasabi nya.

" Dami mong alam Abby, bat hindi ka magteacher?" pang aasar ni Marj. " Marketing kasi course ko. Ano Marj? Nakalimutan mo o Tanga ka lang talaga? " KJ na sagot ni Abby. Minsan ang sarap batukan ng mga kaibigan mo dahil sa sobrang kabobohan nila.

" Bakit hindi mo kasi ibaba dyan? Ang mabigat, kapag binitawan gumagaan" , payo ko. " Ayoko ngang bitiwan to, baka makuha pa ng iba, mawala pa sakin"

At matapos ang sampung karera ng pagong ay nakasakay na rin kami sa bus.

" Miss, ticket po? " tanong ng kundoktor. " Guys, pano to?" tanong ko sana kila Abby kaso , tulog agad sila. Ang baait talaga mg mga kaibigan ko, Lord, kunin nyo na po sila. Joke lang.

Kinakailangang ako ang magdesisyon sa destinasyon namin. Hindi ko pa man din nabasa ung signage kung saan ang punta ng bus na to.

" Ahm, kuya, Ano mararating ng twenty pesos ko?" Mukha namang naguluhan si Kuya sa tanong ko. Slow. Kaya Nagbayad na lang ako ng halagang para sa biyahe hanggang sa susunod na terminal.

God, kayo na po bahala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon