33

485 15 3
                                    

Justin

"Shine!" sigaw ko at napatingin sila sa akin ni Jean. Iniwan bigla ni Jean si Shine at tumakbo papunta sa akin.


"Ikaw na bahala jan justin ha." sabi niya at ngumiti.


"Bat ka nandito?" tanong niya sabay punas nung luha niya.


"Bat ka umiiyak?" tanong ko.


"Ano bang pakialam mo? Tsaka bat ka ba nandito? Puntahan mo na yung girlfriend mo!" sabi niya.


"Hinintay kita kanina. Bat di ka dumating?" sabi ko sakanya.


"Bat pa ako tutuloy kung may kasama ka na palang iba?" sabi niya


"Nagkataon lang na nandoon siya. Nagseselos ka ba?" sabi ko.


"Sa tingin mo Jah? Akala ko kasi ako parin. Akala ko lang pala." sabi niya at naiyak na.


Hindi na muna ako nagsalita.


"Sorry jah ha? Ang desperada ko na. Sorry dahil nagsinungaling ako noon. Hanggang ngayon ikaw parin ang laman ng puso ko. Pero kung hanggang dito nalang tayo, salamat." sabi niya at nakinig lang ako.


Akmang lalayo na siya pero niyakap ko siya.


"Shine, walang nagbago. Ikaw parin yung babaeng minahal ko at mamahalin ko. Shine, mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaang mawala ka ulit sa akin." sabi ko sakanya at naiyak nanaman siya.


"Tama na kakaiyak. Hindi naman kita ipinagpalit eh." sabi ko sakanya at tumawa.


"Salamat Jah. Salamat at hindi ka bumitaw." sabi niya.


"Salamat din shine. Mahal kita."


"Mahal na mahal din kita."

T H E E N D

alab • justinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon