Kabanata 1: Ang Kwento NI Lola JUana

526 9 0
                                    

Ako si Veronica 16 anyos mula sa isang liblib na lugar na kung tawagin ay lupang sinumpa , kahit ako ay nagtataka kung bakit ganun ang pangalan ng aming bayan.

Ayun sa aking Lola Juana nang ako'y magtanung at magusisa tungkol sa aming bayan kung bakit tinawag na Lupang sinumpa . ito daw ay dahil sa tatlong magkakapatid na pinatay ng taong bayan sa kadahilanang ang magkakapatid daw ay mga mga salot at mangkukulam sa aming bayan nung mga panahon na iyon.

"" Ganun pala Lola , ! eh anung nangyari po sa bayan natin matapos patayin ang tatlong magkakapatid"" tanung ko sa aking Lola Juana

"" Bago mamatay ang magkakapatid sumumpa sila at pinagkasundo ang kanilang mga kaluluwa Kay Satanas "" sagot ng aking Lola 

"" Tandang tanda ko pa ang mga pangyayari kung paano sila sinunog ng taong bayan ng walang awa "" maluha luhang patuloy na pagkwewento ng aking Lola "'



"" Lola baka naman pwede mo sa aking ikwento"" pangungulit ko sa kanya



"" Taong Isang libo syam naraan limamput apat, nagising ako at nakarinig ng mga pagtangis ng mga tao . May mga namatay na wala naman makitang dahilan ang mga doctor ng panahon na iyon, may tumubong kng anu anong bukol sa bawat balat ng mga tao ng parehong panahon na iyon, walang makitang lunas ang mga doktor , mga misteryosong pangyayari ang mga naganap nung mga oras na iyon""" pagbabalik tanaw ni Lola sa nakaraan





""" JUana , juana , Gumising ka dyan nasusunog ang kamalig "" tawag ng aking Ina



Agad naman akong bumangon at nagmadali upang sumama sa aking ina at tignan ang kamalig na nasusunog



"" anu ba itong nangyayari sa bayan natin puro kamalasan "" nasabi ng aking ina



Nung mga panahon din iyon , may bagong lipat sa aming bayan tatlo silang magkakapatid si Belinda, Merlinda at Rosalinda Ulila sila sa magulang



Agad kong nakagaanan ng loob si Rosalinda ang bunso sa magkakapatid



Sobrang mababait ang magkakapatid sa akin , kaya lubos akong nagulat kung bakit sila ang sinisisi sa mga kamalasan na nangyayari sa Bayan namin ''

Minsan habang natutulog ako nagising ako sa isang malakas na sigawan ng taong bayan

"" Patayin , patayin ,ang mga salot na magkakapatid na yan , "" isang malakas na sigaw ng namumuno sa mga taong bayan

Sa narinig kong iyon agad akong patakbong pumunta sa bahay nila Rosalinda upang sabihin ang palno ng mga taong bayan sa kanila

Ngunit sa kabila ng babala ko sa kanila na mas mabuting umalis na agad sila eh nagmatigas sila

Bakit daw sila matatakot eh wala naman daw silang masamang ginagawa

Makalipas ang kalahating oras dumating ang mga taong bayan sa kanila bahay at agad pinasok nila ito at pakaladkad na hinila ang magkakapatid

Itim na AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon