Kabanata 2: Pagkamatay Ni Lola Juana

133 9 1
                                    

Mula nang malaman ko ang tungkol sa sinapit ng magkakapatid na iyon ay nagkaroon na ako ng matinding pagnanasa na malaman ang nilalaman ng itim na aklat na iyon.


Umaga ng Linggo maaga akong gumising upang magsimba kasama ang aking Lola Juana


"" Lola , Lola Juana "" malakas kong tawag sa aking lOLA NGUNIT WALA AKONG NARINIG na anumang sagot sa kanya mula sa kanyang kwarto , Kaya naman inulit ko muli ang pagtawag


"" Lola Juana , gisng na po mahuhuli na po tayo sa Misa at isa pa baka wala na tayo maupuan "" paalala ko sa matanda


Ngunit wala pa din ako narinig na sagot oh ingay na nagmumula sa kwarto ni Lola Juana

kaya naman binuksan ko na ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto nagulat at napasigaw ako sa aking nakita , agad kong nilapitan ang Lola kong nakabulagta sa sahig na katabi ng kama nya


"" Lola , Lola Juana anung nangyari po sa inyo?" malakas kong tanung sa walang malay na matanda habang yakap yakap ko sya


Hindi ko na napigilan ang pag agos ng mga luha ko sa aking mga mata , Ngunit hindi ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman ko ,

Kaya nama pinulsuhan ko sya at sa awa ng dyos ay may pulso pa ang Lola ko


Kaya naman nagmamadali akong lumabas ng bahay upang humingi ng tulong sa mga kalapit bahay namin


"" Tulong tulungan nyo po kami , may nangyari po sa Lola ko "" malakas kong sigaw sa mga kalapit bahay namin na sa pag asang may magndang loob na tumulong na madala ang lola ko sa pinakamalapit na hospital


Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana ng mga oras na iyon ni isa man ay walang nagmagandang loob na tulungan kami . Sapagkat ayon sa mga bulungbulungan sa aming bayan eh isa din salot ang Lola ko kagaya ng magkakapatid na sinunog ng taong bayan na pinaniniwalaang salot


Agad akong bumalik sa loob ng bahay upang muling tignan sya at halos kalahating oras na ang lumipas ay ala pa din dumating na tulong kaya naman nagdesisyon ako na ako na lamang ang magdadala sa lola ko sa pinakamalapit na ospital


Hirap na hirap akong ilabas ng bahay ang Lola at habang nasa kalsada na kami patuloy ako sa pagsigaw ng tulong


""Tulong maawa naman po kayo sa Lola ko , kelangan nya madala sa ospital "" lumuluhang pagmamakaawa ko sa mga taong nakikita ko na nakadungaw lang sa bintana

Halos pinanghihinaan na ako ng loob ng biglang may nagsalita mula sa aking likuran


""Miss, tulungan na kita "' alok ng isang estrangherong lalaki

agad nyang kinuha at binuhat ang Lola ko at nagmamadaling isinakay sa kanyang Van ,


Dahil sa pagod at emosyon na naramdaman ko maging ako ay nawalan na din ng malay .......


Pagmulat ng aking mga mata isang kisameng puti at tumambad sa akin at dahan dahan kong iginala ang aking paningin sa paligid , maya maya ay may nagbukas ng pinto , Isang nurse iyon kaya naman agad ko syang tinanong


"" Nurse , may matanda po bang naadmit dito Juana po ang pangalan Lola ko po sya "" tanung ko


"" Mam , aahhh meron po nasa kabilang kwarto po sya "" kaswal na sagot ng babaeng nurse


"" Kumusta po ang Lola ko"" muli kong tanong

"" Sa ngayon inoobserbahan pa namin ,sabi ng doktor kumplikado pa ang kundisyon nya ""


Nalungkot ako sa aking narinig

"" pwede ko po bang puntahan sya ""


"" OO naman po teka ikukuha lang kita ng wheel chair"" magalang na sagot ng nurse


Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang nurse na may dalang wheelchair at agad na dinala ako sa kwarto ng aking Lola Juana


Pagkakita ko sa kanya tumulo ang luha ko at sobrang naninikip ang dibdib ko

Lumapit ako sa kama nya at hinaplos ang buhok at bumulong ako


"" Lola wag mo akong iwan , lumaban ka tayo na lang dalawa ang magksama mawawala ka pa "" lumuluhang nasabi ko


Agad kong naalala ang lalaking tumulong sa amin


"" Miss nasaan na po yung nagdala sa amin dito sa hospital? tanung ko muli sa nurse


""Umalis na mam pero wag po kayong mag alala bayad na din po hospital bill nyo as in lahat "" nakangiting sagot ng nurse


Sobra akong nagtaka at kung sino ang estrangherong lalaking iyon

Muli binalikan ko ng tingin ang Lola ko hinawakan ko ito sa kamay

bigla itong nagsalita


"" apo ko , kung sakali mang mamatay ako ingatan mo ang itim na aklat "" mahinang sinabi ng aking Lola


"" Opo lola wag po kayong mag alala saka isa pa hindi pa po kayo mamamatay "" kaswal kong sagot

"" Napakahalaga ng aklat na iyon , ngunit wag na wag mo itong bubuksan ng basta basta , ..........................


Pagkasabi nyang iyon ay bigla itong nagkumbulsyon at bumula ang bibig at nangisay . kaya naman agad nagdatingan ang mga doctor at pinalabas ako


makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doktor kaya naman agad ko itong tinanong


"" Dok kumusta po ang Lola ko ? kinakabahan kong tanung

"" Sorry iha patay na lola mo ginawa namin ang lahat ngunit hanggang dun na lamang talaga ang buhay nya"" malungkot na balita ng doktor


Bigla akong napaupo sa sahig at walang tigil sa pag agos ang aking mga luha


"" Pero iha bago sa malagutan ng hininga nais nyang ipabigay itong susi sayo at itong maliit na papel ""


Inabot ko ang mga bagay na iyon at isinilid sa bulsa at agad na pumasok sa loob at mula sa pinto pa lamang ay animo hindi ako makahakbang at parang wala akong lakas ....................................................

Itim na AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon