Kabanata II: Takipsilim

31 2 1
                                    

Nasa daan na ako pauwi nang makarinig ako ng kaluskos. Kahit na nangangatog ang tuhod ko sa takot, tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Sampung minutong lakarin lang naman ito mula sa school at halos limang taon ko nang tinatahak ang parehong ruta mula sa bahay papuntang school at kabaliktaran pero hindi pa rin nawawala ang pangamba ko na isang araw, may dudukot sa akin, ilalagay ako sa meat grinder, at gagawing semento ng tulay.

Kung bakit ba naman kasi ala-sais ang tapos ng klase namin araw-araw. Kung maaga sana kaming idismiss, hindi na sana ako matatakot umuwi araw-araw. Kung hindi may mga tambay na lasing sa kanto bago sumapit  sa amin, may mga aso namang naghahabulan.

Kaya mo 'to, Alexis. Tiwala lang sa diyos.

Patuloy akong naglakad hanggang matanaw ko ang pintuan ng bahay namin. Malapit na ako. Kaunting hakbang na lang.

Nawala na ang naririnig kong kaluskos. Mabuti na lang. Kung sakali mang ginawa akong semento ng tulay, hindi malalaman ng pamilya ko ang nangyari sa akin. Araw-araw, tatahakin nila ang parehong tulay na pinaglagyan ng lamangloob at dugo kong dumaan sa grinder at ginawang pampatibay.

Kumatok ako sa pintuan. Ilang kalabog pa bago ako pagbuksan ni mama.

"Mama naman. Ang tagal mong magbukas. Kanina pa akong may naririnig na kaluskos. Buti na lang malapit lang 'tong bahay." reklamo ko.

"Pumasok ka na. Kung ano-ano na namang naguguni-guni mo." pagalit na sabi ni mama.

Pumasok na ako sa bahay. Naghubad ako ng sapatos at nagpalit ng damit. Kung bakit ba naman ang late late namin umuwi. Nakakadrain tuloy pumasok. Ang hirap kayang mag-aral nang 11 hours a day. Mabuti sana kung sa school lang nalulugaw ang utak namin. E mas malulugaw utak ko sa bahay dahil sa walang tigil na talak ni mama.

Pero kahit na gan'on, nababawi lahat ng pagod ko kapag dumadating na ang hapunan. Paborito kong parte ng araw iyon. 

Tuwing umagahan, palagi kaming nagmamadali kaya halos sampu hanggang dalawampung minuto lang naming nakikita ang isa't isa. Sa hapon kami madalas halos makumpleto. Sa hapagkainan namin napagkkwentuhan ang mga nangyayari sa amin.

Hapunan ang pinakiintay ko sa maghapon. Duon ko lang nakakasama nang matagal sina mama. Napakaswerte namin na may pagkakataon kaming makapagkwentuhan at magsama-sama. Kaya nga tuwing hindi makakauwi nang maaga si papa, malungkot ang hapunan.

Kung sabagay, malungkot pa rin naman palagi dahil hindi na namin kasama si kuya. He died a year ago. He suffered from a mental illness we never knew he had. Or at least we never thought was too serious at all. Akala namin okay lang si kuya. Akala namin he was just too stressed sa college. We never knew he was going through something. Hindi nga lang something, kun'di a lot. So much that he had to do the thing I dread the most to stop all the pain it caused him.

That was all in the past. Pero ang masakit sa nakaraan? Bigla bigla kang dadalawin nito kasama ang lungkot. Walang paunlak, walang pasabing balak niyang manatili nang matagal sa'yo. Sobrang sakit. Gusto kong magmura at sisihin ang Diyos sa ginawa niya. Bakit kami? Bakit si kuya? Bakit sa lahat, 'yun pang taong hindi marunong gumawa ng masama? Andami rami kong bakit pero walang nakakasagot. 

We tried to pick ourselves up and move on. Masakit pa rin hanggang ngayon. Masakit kina mama, papa, at kina Amara. Baka nga sobra lang ang self-pity ko pero palagay ko, sa akin pinakamasakit ang pagkawala niya. Hindi lang kuya ang nawala sa'kin. Nawalan ako ng bestfriend. Nawalan ako ng superhero na magtatanggol sa akin sa lahat. Nawala ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Nawala 'yung taong naiintindihan lahat ng problema ko kahit na kumplikado at tinatago ko. Pero sabi ko nga, nasa past na lahat ng iyon. Ganunpaman, hindi naman siya nawawala sa puso ko--parang yung bisitang wala nang balak umalis sa bahay niyo kasi bukod sa napamahal na sa inyo, e minahal mo na rin nang husto kaya kahit ikaw mismo, hindi mo mapakawalan at hayaang mawala.

UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon