Untitled 2

15 1 0
                                    

Nawala ako sa pag mumuni muni ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Hoy Cristel sabog ka naman biglang gulat sakin ng kaibigan kong si kelly.

Lika na tumonog na yung bell ohh baka mapagalitan ka pa ng officers mahirap na wika niya ulit ng may kasamang pagkmot sa ulo .

Oo nga pala ,pero teka asan si Lynelle ?kasama lang natin yung kanina ahh.

Ehh alam mo naman yun baka biglang tinawag ng jowa niya kaya umakyat na ,lika na dali may test pa naman sa Filipino shemsss, sabi niya sakin habang nagmamadaling tumakbo paakyat sa hagdan .

Nakakatawa talaga itong si kelly biruin mo tumatakbo siya na hindi lumalapat ang talampakan sa likod na bahagi ng paa niya akala mo cheetah.

Nagtataka pa rin ako na hindi siya napapatid o nawawala sa balanse weirdo talaga.

Nakarating na kami sa Classroom namin ,at nandoon na nga si lynelle hawak ang libro namin sa Filipino.Buti na lang wala pa si Sir Gala,may oras pag kami para mag review.

Lynelle anong mga page yung i-rereview? Tanong agad ni kelly pag upo niya sa pwesto niya.

Hindi ka na naman nag review sa bahay niyo ? Pano ka nga ba nagiging with honors. Sagot naman ni Lynelle sakanya.

Eh alam mo naman na abnormal yang si Kelly ang hilig kasing mag wattpad yan tuloy hindi nakakapagreview.Sabi ko naman

Ehhh sige na ,wala pa kong narereview ohh pweaseee.Pakiusap naman ni kelly.

Pages 14 to 36 suko naman ni Lynelle sakanya

Nagsimula na kaming mag review para sa pag susulit .Medyo nahirapan akong mag focus dahil maingay sa classroom ,yung iba kasi nagdadal-dalan lang .

Mga kinse minutos na kaming nagbabasa ng libro ng dumating si Sir Gala

Okay class, itago niyo na ang mga libro niyo at dapat wala akong makitang ibang gamit sa lamesa niyo bukod sa ballpen at quiz booklet.

Dali-dali naman naming inilagay sa ilalim ng upuan ang mga gamit namin at nag simula na sa pagsusulit .

Pagkatapos ng test ay nag palitan na kmi ng papel upang mag check. Nakuha ko ang papel ni Lynelle at may mali siyang lima habang dalawa sa akin at wala kay kelly.

Kita mo na nakakaloka ka talaga kelly ikaw tong konti lang ang oras para magreview pero ikaw pa tong nakakuha ng walang mali. Reklamo ni lynelle samin

Hahahahaha sabi ko kasi sayo wag mo ulit ulitin yung pagbasa kasi malilimutan mo pero ginawa mo pag rin eh hahahha, pero magaling lang talaga ako magkabisa wag kang mabwiset dyan nelle. Asar naman ni kelly sakanya .

Ikaw talaga Kelly loko-loko ka. Sambit ko naman

Sa totoo lang nakaka-inggit si Kelly ,hindi siya masyadong nagpapaapekto sa problema at stress. Yung tipong ineenjoy niya lang yung pagkabata niya at tinatawanan niya lang .Samantalang ako maraming prinoproblema sa bahay pati na rin sa eskwela.

Napapaisip tuloy ako kung pano niya nagagawa yun dahil karamihan sa kabataang tulad namin ay nadedepress at nagiging suicidal ,paano niya kaya nagagawang hindi isipin yun .Siguro malakas lang talaga siya.

Nawala nanaman ako sa iniisip ko ng biglang may tumapik sakin.

Anak ng tipaklong naman kelly ba't ka nangugulat ?!!

Ehh tulala ka naman eh ,may problema ka ba ? Tanong niya sa akin.

Oo nga nitong mga nakaraan araw lagi kang tulala ,kung may problema ka sabihin mo lang samin para matulungan ka namin. Dugtong naman ni Lynelle

Wala may iniisip lang ako

Sure ka ba kasi nag aalala na kami sayo baka mamaya mabigat na pala yan. Wag mong sarilihin yan nandito kmi para makinig sayo okay. Sabi namn ni Kelly

Oo wag kayo mag alala iniisip ko lang bakit ang gwapo ni Kim Seokjin. Sagot ko naman habang tumatawa

Tiningnan ako mabuti ni kelly saka tumawa din

Ako din eh iniisip ko naman kung bakit ang sweet ni Taehyung saka Jungkook waaahhhh.  Sagot naman niya habang bahagayang tumili.

Hayy nandyan naman kayo sa uusapang BTS, tara may ituturo akong bagong dance step sainyo. Wika naman ni lynelle.

Peroooooo di ako marunong sumayaw. Sagot naman ni Kelly.

Hhahaha halika na dali. Hatak ko naman sakanya

Habang tinuturuan kami ni Lynelle tawa kami ng tawa kay kelly kasi hirap na hirap siyang sumunod sa bawat steps.

Si lynelle naman paulit ulit na tinuturo sakanya kung paano to gawin.

Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko.

Hindi nagtagal ang ginagawa nmin dahil dumating na ang next subject teacher namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

As The Sun Goes DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon