THE WAY YOU LOOK AT ME
An original story written by: gurlfang
Copyright © 2020
ALL RIGHTS RESERVED. Property of gurlfang
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the products of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events or locales is entirely coincidental.
*********************************************
PROLOGUE:
Sa mundong walang katiyakan kundi pagbabago, nasa langit ka na ngunit maaari ka pa ring bumagsak sa putikan. Maaaring ngayon tinatamasa mo ang lahat ng karangyaan, pero hindi mo alam... baka bukas...
"What? No way. This is so not happening." Paulit-ulit kong iniling ang ulo ko dahil sa sinabi ng mga magulang ko sa akin.
"We're sorry Haisley. Business is going down real hard and we need to do this." Nakayukong sabi ni daddy at halos hindi makatingin sa akin. Hawak naman ni mommy ang mga kamay ni daddy at nakahilig ang ulo sa balikat niya.
Ika-anim na taon ko na ng highschool at kung kailan huling taon ko na, saka naman ako ililipat ng school ng mga magulang ko. Ang hindi ko talaga matanggap ay sa isang cheap na commoner school daw nila ako ililipat! Ew, ayoko!
"No! I don't wanna go to that crappy school! Besides, it's my last year already. Mom...Dad, can't I just stay? Please?"
"Come on Haisley. San Agustin High School is not as bad as you think."
Inangat ni mommy ang kanyang ulo at nagsalita rin. "It may not be an elite school like Thomson Academy pero maganda rin ang feedbacks sa school na 'yun, anak."
Sinubukan ko pang magprotesta, mahigit kalahating oras pa kaming nag-usap tungkol sa bagay na ito, I tried to convince them na huwag na akong ilipat ngunit wala rin akong nagawa. I'm really going to transfer, in that school, ang minsan kong nilait at minaliit na San Agustin High School.
Sa totoo lang ay naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin at kung bakit kailangan kong lumipat, pero hindi ko lang talaga matanggap! Hindi ko maimagine, I, the very famous Haisley Andrada, aattend sa inferior na paaralang 'yon? Magsusuot ng pangit na uniform nila? Tapos tatakbo-takbo sa grounds nila ng puro pawis? Wala pa namang aircon doon!
What about my image and reputation na iningatan ko for years? Mapapahiya ako sa mga kaibigan ko at nakakakilala sa akin sa Thomson Academy!
Naibenta na ang ilang sasakyan namin pati ang rest house namin sa isang probinsya, nabawasan din ang mga kasama namin sa bahay at wala na kaming driver, mga bagay na kinailangang gawin para maisalba ang negosyo.
Hindi sinabi sa akin ng mga magulang ko ang buong detalye kung ano nga ba ang nangyari at kung paano nangyari ito sa business namin ngunit pinangako nilang babangon kami and we will make a comeback.
***
"Haisley!" Kinawayan ako ng mga kaibigan ko nang makarating ako sa usual hang out place namin. Nakaupo sila sa isang round shape sofa kung saan may tower ng cocktail drink, mga baso at fries na nakapatong sa mesa nito.
"The queen is always the last one to arrive." Tumayo at inakbayan ako ng boyfriend kong si Dwayne saka niya marahang hinalikan ang aking pisngi, pumitik ang dibdib ko at ako'y napalabi.
Kahit beso lang ang ginawa niya ay grabe na ang epekto nito sakin. I mean sino nga ba ang hindi? Si Dwayne Ramirez ito, ang pinaka-hot at pinakasikat lang naman na lalaki sa Thomson Academy. Nang nanligaw nga siya sa akin ay gusto ko na siyang sagutin agad after one minute and one second, pero siyempre, I have to make pakipot muna para di naman ako mukhang sobrang easy to get. Kahit ang totoo ay gusto ko na siyang sunggaban at gawing akin lang.
BINABASA MO ANG
The Way You Look at Me
RomanceNakasanayan na ni Haisley ang marangyang buhay. She's a girl who has it all, and having it all, she's known as the most popular girl in Thomson Academy. Ngunit sa isang iglap ang kanyang nakasanayang buhay ay biglang magbabago, from a girl who has i...