Beatrix Abernathy
"Kasi ikaw ang pinili niya..."
Napakunot noo ako. "Anong sabi niyo po? Hindi ko po narinig." Umiwas ito ng tingin.
"A-Ah—w-wala." Tumayo ito.
"Uhm—M-maiwan muna kita dito ha? Marami pa kasi akong trabaho na dapat tapusin." Magsasalita na sana ako nang magsalita ito.
"U-Uh—Diyan sa kaliwang pinto ang magiging kwarto mo." Tinuro niya ang pinto na kaharap lang namin. Lumabas na siya ng bahay at nang makalabas na siya, napabuntong hininga ako.
Tama ba itong pinasukan ko? Hindi kasi basta-basta ang mga hari dito. Dahil ang mga haring nasa mundong ito ay mas kilalang mga ''panginoon''. Dahil sila mismo ang komokontrol sa mundo namin. Ang mundo namin ay nagtataglay ng pitong mga malalaking siyudad na pinamumunuan rin ng mga klase-klaseng hari. Lahat sila ay may kanya-kanyang hawak na kapangyarihan, pero pinapasa nila ang kanilang kapangyarihan sa susunod na magiging pinuno at isang dugong royal lang ang pwedeng makahawak ng kapangyarihan na ganon. Kaya labis ginagalang ang mga hari sa mundong ito, dahil kung wala sila. Wala rin kami. Hindi pa namin nakikita ang mga hari, kaya kung sa iba pa ito. Maswerte ako kasi makikita ko ang isa sa mga hari.
Hayst.
Tumayo ako at naglakad patungo sa kwartong itinuro sa'kin ni Auntie kanina. Simple lang ang itsura ng kwarto. May closet, sofa, kama o kung ano pang gamit at may sarili naring C.R ang kwarto.
Nilagay ko sa kama ang aking mga gamit. Binuksan ko ang closet at bumungad sa'kin ang napakaraming damit na naka hanger. Sakto lang pala na kunti lang ang dinala kong mga damit. Kumuha ako ng pantulog at kaagad nagbihis.
*Kinabukasan*
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa'king mukha. Bumangon ako at nag inat.
*Tok..tok..tok..*
"Iha, Gising ka na?" rinig kong sabi ni auntie mula sa labas ng kwarto.
"Ah, Oho!" sigaw ko.
"Oh, Labas ka na diyan. Mag agahan na tayo."
"Ah, sege po."
Naghilamos muna ako bago lumabas.
"Kumain ka na," nakangiting sabi ni auntie sa'kin nang makita niya ako. Umupo ako sa upuang kaharap niya.
"Hmmm.... Parang masasarap ang niluto mo auntie ah!" Nagaganahang sabi ko at sabay subo ng mga niluto niya.
Hmm.. Ang sarap!
Tanging ngiti lang ang isinagot nito sakin. "Ililibot kita ngayon dito sa kaharian." Isang tango ang ang isinagot ko sa kanya at nagpatuloy kumain.
Nang matapos akong kumain. Pumasok ako sa'king kwarto at naligo at pagkatapos kong maligo kaagad akong nagbihis. Lumabas na ako sa'king kwarto.
*
Inilibot ako ni auntie sa buong kaharian. Wala akong masabi sa ganda ng kaharian. Para akong nasa langit!
Bumalik ako sa aking sarili ng tawagin ako ni auntie. "H-ho?" Liningon ko siya.
"Eto ang mga kailangan ng hari araw-araw." Sabay bigay niya sa'kin ng isang papel. Binasa ko ito at nakasulat dito kung anong oras kong ihahatid ang mga pagkain, kung anong oras ko siya bibigyan ng ganito ganyan. Ay basta, marami!
YOU ARE READING
Immortal's Love #1: King of Ponteu
FantasyImmortal's Love #1: King of Ponteu (On Going) Immortal's Love #2: King of Sartonia (Soon) Immortal's Love #3: King of Baylonia (Soon) Immortal's Love #4: King of Eracle (Soon) Immortal's Love #5: King of Elechea (Soon) Immortal's Love #6: King of Ha...