chapter 1- newbie

154 7 0
                                    

Aria's POV

Ako si Aria Seraphiney Ruiz. Isa akong dalagang taga baryo hindi mayaman pero naging prinsesang biglaan ano bang dapat gagawin na aking ikigagaling. Charottttt, sophia the first lang ang peg.

Whahahahaha.

Taga baryo ako at aminadong hindi mayaman. Kami yong mga ignorante at hindi laki sa layaw. Hindi katulad ng mga bata sa bayan na nasusunod ang gusto.

"besh!!!!" sigaw iyon ng bestfriend kong si rita.

Nasa may balon kasi ako at naglalaba.

"bakit?" tanong ko.

"hindi mo ba alam na pupunta dito sa baryo ang ilan sa mga taga fairytale academy." excited niyang sabi.

"kilala mo ba ang mga yon?" sabi ko habang nagkukusot nang mga mukhang basahang damit ko.

"hindi lahat pero si amber siya ang kilala ko. Si amber ang president ng fairytale academy. Ang ganda niya kahit sa mga kwento lang." kwento niya.

"saan mo naman narinig yan? At syaka kahit naman pumunta sila dito. Hindi mo parin makakausap ang mga yon."

"tsk,anong masamang mangarap. Kong ako lang talaga may special ability papasok talaga ako doon." sabi niya.

"tigilan mo nga ko rita." sabi ko at nag laba ulit.

----------

Pagkauwi ko sa barong barong kong bahay agad akong nag luto nang makakain. Kangkong na nilaga ang ulam ko.

Ako lang ang nakatira sa maliit kong bahay dahil matagal nang patay ang parent ko.

Hinain ko na ang pagkain ko at kinain ito.

Ang sarap kaya.

Tuloy parin ako sa pagsubo hangang sa matapos ako.

Pagkatapos ko ay lumabas ako ng bahay. Paglabas ko nakita ko ang isang subot na naglalaman ata nang ginto.

Kinuha ko yon at nakita kong hindi lang ginto ang laman nito kundi mga diamante.

"ayon siya ang kumuha!" sigaw nong babae kaya agad akong hinawakan nang dalawang kawal.

"akin nayan." sabi nong babae sabay hablot nang supot.

"hindi ako magnanakaw!" sigaw ko.

"ikulong niyo siya." sigaw nong babae.

"hindi,kakausapin ko siya." mahinahong saad nong babaeng mga nasa 20+ ang edad.

"pero ms. Yanzy,-----"

"mauna kana gueniza. Isama mo sila." sabi niya kaya napilitang umalis yong babaeng nangangalang gueniza

"ako si Yanzy Leonard, isa ako sa mga natuturo sa fairytale academy. At gusto kitang isali sa isang pangkat at hindi kana pwedeng tumangi dahil ipapakulong ka talaga niya." sabi niya.

Napakunot ang noo ko. "pero bakit?bakit ako?"

"malalaman mo. Sa ngayon ay sumama ka sakin. Hindi mona kailangan nang mga maruruming damit dahil ipapahiram ko nalang sayo ang ilan sa mga damit ko." sabi niya.

Habang nasa byahe kami. Pinagmasdan ko si ms. Yanzy. Maganda siya at ang damit niya ay halatang mamahalin ganon din ang sapatos niya. Nahihiya tuloy ako sa bulok kong slippers.

Fairytale AcademyWhere stories live. Discover now