Paunawa:
Sorry guys kung may mga mali akong words or punctuation marks kasi first time ko lang gumawa ng story ito ay hango lamang sa aking imahinasyo sorry kung may kaparehas o pagkakatulad ang mga character or scene sa story na ito enjoy reading 😘😘
Yes I do the cooking Yes I do the cleaning...
Anak bangon na!!!!, pag sigaw ng akin ina dahilan upang magising ako ng mabilis
Aaaarrrggghh!!! eto na po ma babangon na, sabi ko. 6:00 AM na pala baka ma late pa ako 7:30 pa naman ang start ng klase ko, sabi ko saaking sarili sabay patay ng aking alarm at balikwas ng tayo sa aking higaan
"Maligo ka na baka ma late ka pa sa school talaga tong batang to ohhh. Pagtapos mo maligo ay kumain ka na dahil paparating na yung service mo, pagalit na sabi sakin ng aking lola.
Opo, sabay pasok sa banyo upang magsimula ng maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nag bihis ako at agad na kumain ng almusal. Maya-maya pa ay dumating na ang aking service at sumakay na ako sa loob nito.... Mabilis lamang ang aming byahe dahil hindi naman kalayuan ang aking iskwelahan.
Pag pasok ko ng gate sa iskwelahan ay napasabi ako ng "Medyo malaki pala ang school na papasukan ko ahhh taray parang hindi public", sabi ko sa aking sarili
Transferee kasi ako dito sa iskwelahan, ako'y Grade 9 na dahil sa manila talaga ako lumaki, lumipat lamang kami sa probinsya dahil mas gusto ng aking mga magulang sa tahimik na lugar. kaya wala pa akong kilala dito. Friendly naman ako kaso nga lang nahihiya ako na unang mag approach dahil ayokong ma seenzone, hinanap ko na ang aming room at nung nakarating na ako ay madami pala kami kaya naman napili kong umupo sa bandang likod dahil doon ko hilig pumwesto... Maya-maya pa ay dumating na ang aming guro at ito'y nagpakilala.
"Hi class Im your adviser Mr. Diego Jennson and I will be your teacher in Mathematics ngayon ay gusto kong makilala nyo ang isa't isa", sabay upo sa kanyang upuan
Nagsimula na ngang mag pakilala ang aking mga classmates at ilang saglit pa ay natapos na sila magpakilala at sa wakas ay pagkakataon ko nang magpakilala.
"Hi guys I am Lance Milano from Phase 5 and I am 17 years old at sana maging close ko kayong lahat", sabay balik sa aking upuan
Pagkatapos naming magpakilala lahat ay nagsimula ng magturo ang aming guro,
(Blahhhh blahhhh blahhhh)
Kkrrriiiinngggg kkrrriiiinngggg
Sa wakas nag ring na ang bell, sabi ko sa aking isipan
"Okay now class dismissed see you tomorrow and be ready for your next subject, intayin nyo lang ng saglit at parating na din ang susunod ninyong guro", sabay alis sa aming class room.
Maya-maya ay may biglang kumalabit sa aking gilid dahilan para mapalingon ako dito.
"Hi bakla ako nga pala si Rhanie Vlaux and Im 17 years old", salita ng lalaki sa aking gilid.
"Sinong bakla? sapakin kita dyan ehhh", sagot ko sa kanya
"Ikaw, ano ba girl wag nga ako i can smell you", sagot nya sa akin
"Oo bakla ako tama ka lakas ng naman gaydar mo kahit kaka kita palang natin, sabi ko ng medyo nakangiti.
Ako nga pala si Lance Milano bago ka lang din ba dito sa school", pag tanong ko sa kanya
"Syempre naman never pang nagkamali ang aking gadar ko no, ahhhh dito matagal na ako dito sa school grade 6 pa lang ay dito na ako nag aaral, ikaw saan ka ba nag aral bago ka mapunta dito?", pag tanong nya sa akin
"Sa Manila talaga ako nag aaral lumipat lang kami dito dahil gusto ng mga parents ko sa tahimik na lugar", pag sagot ko sa kanya
"Ahhhhh ganon pala nice too meet you nga pala Lance lipat nga ako sa tabi mo para di ka ma bored dito sa school natin", sabay kuha ng kanyang bag at inilapat sa aking tabi
Ay salamat at may makakausap na rin ako dito at hindi na ako forever lonely, sabi ko sa aking sarili
Lumipat nga sya ng upuan at tulad din kanina ay pumasok na ang susunod naming guro at ganon din ang aming ginawa nag pakilala kaming lahat at ganun din sa iba pang mga guro hanggang sa matapos na ang klase ng 1:00 PM,
Ay salamat uwian na, sabi ko sa aking sarili
"Bye Rhanie see you tomorrow and nice too meet you nga pala", pagpapaalam ko sakanya
"Nice to meet you too baks see you tomorrow", sabay kaway sa akin at syempre kumaway din ako pabalik,
Pumunta ako sa aking service na nag aantay sa labas ng school at sumakay .
Maya-maya pa ay narating na ako naming ang aming bahay at pagbaba ko ay sa pintuan pa lamang ay sinalubong na ako ni ina,
"Kamusta ang school nak masaya ba? may kilalaba ka na ba sa school nyo? anak sabihin mo kung may nambubully sayo ahhh", ang sunod sunod na tanong ni Mama na animo isang police kung mag tanong
"Sinong mam bubully sa akin baka sila pa ang ibully ko ehhh joke, opo ma may kilala na rin po ako sa school namin at gay din po sya ohhh diba hahahaha. Dahilan para mag tawanan kami ni mama.
"Ay salamat at maayos naman ang iyong first day sa school lika na sa loob at magpalit kana ng makapag pahinga ka na", pag pasok namin ni mama ay bumungad sa aming harapan ang stepdad ko na kakauwi lang din galing trabaho at ang dalawa kong kuya na walang ginawa kundi asarin lang ako, tatlo kasi kaming magkakapatid lalaki pa lahat at ako pa ang bunso sa aming tatlo kaya madalas ako ang lagi nilang tinutukso, ang pangalan nilang dalawa ay Mark at Angelo.
Nagtanggal na ako ng sapatos ng paakyat na sana ako sa aking silid ng bigla akong tawagin ng aking stepdad, Lance musta ang school masaya ba? ,may kilala ka na ba sa inyo?, tanong ng aking stepdad
Hindi ko siya sinagot at tumuloy padin ako sa aking silid.
"Tignan mo to kinakausap ni papa hindi man lang pinansin, sabi ni kuya angelo ng pagalit.
Hindi kasi kami close ng aking stepdad, dahil alam kong ayaw nya sa bakla kaya hindi kami ganun nag uusap dahil hindi nya alam na isa ako sa kinamumuhian nya, si mama lang ang nakakaalam na isa akong bakla, kaya ang mga kuya ko lang ang lagi niyang nakakausap.
Ang sabi lang sa amin ni Mama ay nambababae daw si Papa kaya niya hiniwalayan pero alam kong hindi yun magagawa ni papa dahil mahal kami nito.
Pag akyat ko ay agad kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto sabay pasok sa loob nito upang magbihis. Pag tapos ko ay nahiga ako sa aking kama upang umidlip lamang ng saglit.
Tahimik..
Bigla akong nakaramdam ng pag kaihi kaya naman agad kong iminulat ang aking mga mata at pagmulat ko ay laking gulat ko ng nasa ibang bahay na ako at wala na ako sa aking silid.
Nasaan ako, sabi ko sa aking sarili sabay balikwas ng tayo. Kung titignan ang bahay ay maganda ito at mukhang mayaman ang nakatira dahil may mga mamahaling gamit dito. Pag labas ko ng kwarto ay agad akong bumaba upang lumabas ng bahay para makauwi sa aming tahanan ng ngunit bago pa ako humakbang ng hagdanan pababa ay biglang may tumawag.
Lance!
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Huling Sandali (BxB 2020)
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa dalawang lalaking nag mamahalan ngunit may mga sagabal at pag subok na lalaban sa kanilang pag mamahalan.