PROLOGUE
"Wala ka nang ginawang mabuti dito sa bahay!Lagi mo nalang inaaway anak ko?! Manang mana ka talaga ka sa nanay mong masamang ugali!"
Dinuro-duro nya ko habang sinasabi nya yan.
Hahaha ako pa talaga nang-away noh? Ako na nga yung nasampal ng anak nyang babae dahil sa panti-trip sakin at na datnan nyang siniringan ko ang anak nya. Buset talaga Kahit ako na tong nasaktan, anak nya pa kinakampihan tapos kung maka-react Ang OA mashado, akala mong anak nya yung aping-api.
"Pasensya na po mama. Hindi na po mauulit." Nakatungong Sinsero at naiiyak kong Sabi sakanya. Mabilis lang akong napapa iyak sa oras na wala akong kakampi at wala akong masabihan ng sama ng loob.
"Magmula ngayon lumayas ka na dito sa bahay nato at wag ka nang babalik pa!! At ayokong maririnig na tawagin mo akong mama!"
Sabi nya at dinuduro ako na masama ang paningin. Ang sakit sakit nyang magsalita. Dinamay pa yung nanay kong namayapa na. Naiiyak na talaga ako. Diko alam kung bakit anlaki laki ng galit sakin ng step mom ko. Sa twing may onting pagka kamali lagi nalang akong minamaltrato at nasasabihan ng masasakit na salita
"Mama hindi ko po kaya. Ayoko pong umalis dito sa bahay. Pasensya na po talaga. Hindi ko na po talaga uulitin."
Tuluyan na akong Umiyak at nagmamaka awa sakanya.
"Mama sinampal nya po ako kanina nung hindi pa kayo dumadating dito. Tapos pinag-mumumura nya ako kanina. Tignan mo mama mukha ko namumula na dahil sa sampal nya huhuhu"
Pag-iinarte nyang sabi. Hahaha sinampal ko?! Hahaha Bwisit talaga! Galing din nitong mag umarte eh
Namumula mukha nya? E nag lagay lang naman yan ng blush on sa mukha kase aalis na sya dapat kaso nakita nya akong walang kasama sa baba na nagliligpit ng mga plato. Bigla nya nalang akong sinampal at pinagsalitaan ng kung ano ano. Naiinis na ako sakanya pero nasasaktan na talaga ako."Oh! Tignan mo na?! Ampon ka na nga lang sa pamilyang ito tapos nanakit ka pa?! And worse, ang nag iisang anak ko pa! Ang kapal talaga ng mukha mo!"
Nilapitan nya ako at pinagsa- sampal sampal sa mukha at partida sinabayan pa sya ni Shey. Sinasabunutan nya ako. Hanggang sa mapagod, ay huminto sila. Umiiyak kong pinagmasdan ang itshura ko. Panay kalmot,mga buhok sa sahig at namamanhid kong pisnge na parang namumula na sa sobrang sakit.
"Kung gusto mo pang mabuhay ay lumayas ka na dito!! At isama mo yang isapang ampon mong kapatid!!"
Sabi nya at tinalikuran ako.
"Hindi lang yan ang aabutin mo kapag makita kita dito araw-araw sa bahay"
Nakangisi at naka cross arms nyang sabi sabay sinirangan nya pa ako bago talikuran.
Naiiyak nalang ako sa twing naaalala ko yung araw na down na down ako. Nung araw na yun ay wala akong mapuntahan kasama ang aking kapatid. Umalis na din kasi kami sa bahay nayun matapos pagsasampalin din ni Shey Frances si Diana. Hindi ko na kinaya ang ginagawa nilang pag mamaltrato samin kaya naisipan kong mag-impake ng gamit at maglayas kasama ang nakababata kong kapatid na si Diana.
Nung gabi din yon ay di ko alam kung saan kami tutuloy. Habang naglalakad kami ay may nakita akong mahabang upuan at duon ko nalang pinatulog ang aking kapatid. Mabuti nalang ay may naipon akong pera. Sa twing may pasok sa paaralan ay nagtitipid ako para lang makapag ipon.
Ang aking naipong pera ay sapat na para makapag-upa ng bahay sa loob ng 3 buwan . Problemado ako noon sa pagkain ngunit gumawa ako ng paraan.
Shirley Denise Mercado ang pangalan ko. Ako ay 19 years old ngunit ay 1st year college pa lang ako ngayon. Diana Margareth Mercado naman ang pangalan ng kapatid kong babae. 14 years old sya at sya ay grade 8.
Pinag aral ko muna si diana habang ako ay nagta trabaho bilang tindera sa mga tindahan ng mga damit sa loob ng dalawang taon at mabuti nalang nakapag ipon ako para makabayad ng bahay na inuupahan ko. 300 pesos ang sahod ko sa isang araw at natutustusan ko ang pangangailangan ni Diane. Habang nag aaral naman si Diane ay nagtitinda rin sya ng pastillias,graham at kung ano ano pa nang sa gayon ay makatulong daw sya.
At ngayong 4th year college ako ay nagpa part time job ako. Minsan sa mga kainan at minsan sa mga tindahan ng mga accessories. Sapat rin ang kinikita ko rito. Wala ako mashadong binabayaran sa school dahil full scholar ako. Tanging uniporme at pang P.E. lamang. Minsan pang nililibre ako ng mga kaibigan kong mayayaman ng mga libro. Laking pasasalamat ko sakanila dahil wala akong mashadong ginagastos sa paaralan. Samantalang nag aaral sa pampublikong paaralan si Diana kaya wala rin akong pinoproblema sakanya. Minsan narin syang nagiging top 1 sakanilang klase. Nasa matataas na seksyon siya nabibilang.
Ako rin ang tumatayong magulang ni Diana at ako lang ang sumusuporta sakanya. Hindi man kumpleto ang buhay ko ay masaya narin ako sa binigay ng panginoon sa'akin.