episiode 3 (kamatayan ni Lieslie Fajardo)

279 10 0
                                    

Nagising aku dahil sa masamang panaginip nayun, halos totoo at parang hindi paniginip lang, na wari'y nangyari ito sa totoong buhay. Nakita ko ang sarili ko na nadisgrasya't nahulog sa isang building. Durog ang mga buto at kumalat ang dugo ko sa sahig, at ang pinakaayaw ko ang pagkapirat ng matang kung tumalsik sa pagkakahulog ko.

Kaya napabangon ako bigla.  "Oh! anak ok kalang ba, anung nararamdaman mo, may masakit ba, gusto mo tumawag na ako ng nurse."

"Po! opo ok lang ako, masamang panaginip lang ho. asa nga pala tayo" tanung ko kay momy.

"nasa hospital tayo ngayon, gawa nung! sa star city"

"oo nga po pala! yung sa star city.....Eh! sina Aiah ma, asan sila."

"Nakauwi na silang lahat, Tayo nalang ang nandito, kaya magbihis kana at uuwi na tayo. pati may meeting pa ako mamayang alas dyies/10:00 mamayang gabi."

Mga ilang minuto lang ay naayos na naming lahat at nagsimula na kaming maglakad palabas ng hospital, nasa labas na kami at kukunin nalang ni mama ang sasakyan. kaya iniwan nya muna ako sa harap ng hospital.

"Ma! Andito po ako"  at kumaway-kaway ako para makita nya ako.

Ng palapit na si mama may tumama sa hood ng kotse na galing sa itaas, kaya pumailalim ito dahil hindi agad naihinto ni mama ang sasakyan. Bumaba si mama at sabay naming tiningnan kung ano ang nahulog nayun.

Napaupo ako at napagapang patalikod at papalayo sa kotse, Nakita ko. nakita ko si Lieslie na naipit ng gulong ang ulo nya halos nakakalat at nakadikit sa gulong  ang mga utak nya. Paputol narin ang kalahating braso niya dahil narin dahil sa pagkakaladkad sa kanya.

Sa paggapang ko may napirat akung kung anu, ng tingnan ko. mata ni lieslie ang napirat ko, pumunta akos a damuhan at sumuka na ako ng sumuka hanggang sa wala na akung isuka.

Ilang saglit lang ay dumating na ang mga pollice, kasama si inpektor la brenda.

"Anung exactly ang nangyari dito"  tanung ng inspektor sa mga pollice man.

"Isa daw pong estudyante ng tayabas western academy nanaman ang nahulog sa fifth floor nitong hospital."

"Isa rin ba sya sa mga kasama ng dalawang batang nag panic sa star city?"

"Yes sir. isa nga po sya sa mag yun"

"Asan na yung batang nakakita ng lahat lahat?"  at tinuro ako ng pulis.

Lumapit sa kinalalagyan namin si inspektor at nag tanung.  "Hello ma'am, pwede ko po bang makausap ang anak nyo"

"sige po."

Hinila ako ni inspektor palayo kay mama.  "Sabi ng mga kaklase mo, sinabi mo daw na mapuputol ang wire at mamamatay kayo, panu mo nalaman ang mga ito? hindi kaya isa ka sa mga batang ginagamit ng mga terorista?"

"ho, ako! terorista, eh isa nga ho ako sa mga muntik ng mamatay"   hiyaw ko kay inspektor.

"kung hindi ka terorista, panu mo nalamang mapuputol ang wire."

"hindi ko ho alam! basta nakita ko nalang sa panaginip ko na mamamatay kami."

"bakit hindi ka namatay"

"ako ba talaga ang pinagbibintangan nyo, at kung terorista man ako bakit ko pa sinabi sa kanila na mapuputol ang wire ng roler coster"

"pero andito karin ng mamatay si lieslie fajardo"

"Pinagbintangan mo ba ako sa nangyari sa kanya"

Maysasabihin pa sana si inspektor ng biglang nagpaalam si mama na aalis na kami, napansin kasi ni mama na masyado ng lumalagpas si inspektor sa pagtatanong.

"wait! ma'am may mga katanungan pa ako sa anak nyo!"  hiyaw ni inspektor kay mama.

Hawak hawak parin ni inspektor ang kanyang maliit na notebook at papael ng sabihin nyang.  "Anu kayang tinatagong lihim ng batang iyun? Aalamin ko ya!"

At pinaandar na ni mama ang kotse, sa pag-alis namin nasilayan ko ang mukha ni inspektor na hinahabol kami ng tingin na tila sinasabing, babantayan kita. , san kaman mag punta!

Ang Fieldtrip (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon