Hi Ate Alesana!
May nagawa na kong reaction video eh. Kaso lang wala akong youtube account kaya di ko maupload. Tapos ang tagal pa pag inuupload ko sa facebook :( Nakakainis nga eh. Ineffortan ko pa naman yun :( Kaya dito nalang po. HAHA!
Gusto lang kita icongratulate dahil ang ganda ganda ganda ganda talaga ng story mong TBYD and NTBG.
Kakasimula palang sa TBYD, Sinusubaybayan ko na talaga ang lovestory nina SAMANTOP AT JAMANTHA.
Sa TBYD pa lang sobrang naadik na ko talaga sa story na yon. As in buong araw binabasa ko.
Hanggang sa nagbook 2, Ayun na lumabas na nga ang NTBG. Dun din nabuo ang lovestory ng JAMANTHA.
Sa TBYD, Solid SAMANTOP ako eh. Eh nung sa NTBG na, Solid JAMANTHA na. Hanggang sa nagsecond half, Naging SAMANTOP ulet.
Kaya nga bet na bet ko ang story mo dahil ang daming twists.
Although papalit palit ako kung sino talaga gusto ko makatuluyan ni Samantha, Hindi parin ako nagsasawa basahin yung kwento mo.
Dumating nga sa point na nalandian ako kay Sammy. Pero habang tumatagal, Naiintindihan ko na rin naman siya.
Yung nagkagusto siya kay Red, That’s reality. May pagkakataon naman talaga diba na maiinlove ka sa taong palagi mong kasama. Kahit pa sabihin mong may mahal ka ng iba eh kung malayo naman sayo, wala rin.
Grabe talaga Ate Alesana, Ang hirap magpigil ng luha pag nagpapaiyak ka bakit ganon? Pero thank God napigilan kong wag humagulhol. Silent Cry lang.
Lalo na nung iiwan na ni TOP si Sammy kasi feeling nya obsessed na sya kay Sammy. Tapos yung kinuha si Sammy ng kuya niya.. Tapos nagsisisigaw si TOP. Jusko teh -__- Pati yung ilelet go na ni Red si Sammy. Ajujujujujuju.
Pero mas malupit yung kinidnap si Sammy tapos nasa pool si Sammy yung tipong malulunod na siya. Eh akala ni TOP patay na sya kaya ayon. Di ko maimagine na umiiyak ng grabe si TOP :((
Pero syempre may tears of joy din nung nagbalik na si TOP. Yung nakakakita na siya. Yung niligtas ni TOP si Sammy sa gubat. Yung napanindigan at pinaglaban ni Sammy si TOP sa parents niya.
Favorite ko yung binilhan ni TOP si Sammy ng Tampon. Hahahaha. Laughtrip yun eh! Yung nilalait lait ni TOP at Sammy yung fiance ni Ate Sweety.
Tapos yung sa perya ba yun, yung gusto ni sammy ng bear. Yung choosy pa siya kasi gusto niya laruin or paghirapan ni TOP yun. Eh ayaw ni TOP. Hanep oh, Nakuha nung isang lalake tapos binugbug niya para lang makuha yung bear. WATDAPAK talaga si TOP.
Pati yung gusto makipaghmm hmm ni Sam kay TOP kaso ayaw ni TOP kasi nirerespeto niya si Sammy. Hahah. Pahiya si Sammy nun eh.. Pero okay lang yun =))) Hahaha!
Hanggang sa nag epilogue na. Aww. Ang saya saya ko nun kasi sila din naman pala ang magkakatuluyan after all ng pahirap at pasakit, Sa simbahan din naman pala ang punta nila. Hay.
Yung story na pinagpupuyatan ko, yung story na hinihintay ko palagi ang update, Tapos na :(
Kahit dati, Jamantha ako, okay lang naging samantop naman ako ulit.
Ate sana magkalovelife si Red. Yung hindi na si Sammy mahal niya, Ako na. Hahaha joke!
I can’t wait for book three. Sobrang excited na ko! =)) Basta ang galing mo po talaga.
SORRY KUNG MASYADONG MAHABA. PERO THANK YOU KUNG SKALING BINASA MO NG BUO! =))
ULITIN KO, ANG GALING GALING MO TALAGA IDOL ^____^
