BEST FRIEND

6 1 0
                                    


“Good Afternoon Class”

“Good Afternoon miss Belle”

Dumeritso na ako sa table para magsimula ng klase.

“Bakit ang konti nyo lang ata pumasok?”

Napansin ko kaseng iilan lang silang nasa class room.

“Akala kase namin miss Belle hindi ka magkaklase e. Kaya yung iba gumala nalang sa campus.”

“Bakit sinabi ko bang hindi ako magkaklase sa inyo?”

“Ang bitter nyo naman miss Belle. Valentines na valentines magkaklase kayo.”

Medyo nakonsensya ako sa nga estudyante ko.

“so, ano ang gagawin natin kung hindi ako magkaklase sa inyo?”

Total kokonti lang naman sila kaya pagbigyan na.

“Alam ko na miss Belle! Ba’t hindi ka nalang magkwento tungkol sa lovelife mo? Yieee”

“oo nga miss Belle”

“Pffft. Wala akong lovelife”

“We? Imposible namang wala, sa ganda niyong yan?”

“Hay naku. Seryoso ako class. Pero sige may ikikwento ako sa inyo”

“Yown!”

Bumuntong hininga muna ako bago magsimula.

“I have this one friend na nagngangalang Rhea. She’s the type of girl na simple lang. Walang arte sa katawan, walang arte sa lahat ng bagay. Wala ding pili sa kaibigan, as long na gusto mo siya, magkaibigan na kayo. Lagi siyang honor student during her elementary and high school days. Kaya gusto niyang panatilihin ito hanggang college. Until that day has come, nasa kolehiyo na nga siya. And then she met a boy named Cleo. They became friends hanggang sa naging bestfriend. They also have an endearment which is “BFF” or Best Friend Forever. Corny no? So ayun na nga, lagi silang nagsasama, at comfortable sila sa isa’t isa. Until one day, nagtapat sa kanya si Cleo. He said, He is falling in love with her. Gusto niyang manligaw kay Rhea. Sa bigla ni Rhea hindi siya nakasagot. Then the next day gusto ni Cleo na mapatunayan kay Rhea kung gaano siya kaseryoso dito. But Rhea think, paano ang pag aaral niya? Alam niyang maaapektuhan ang grades niya pag naging sila ni Cleo. She admits that she’s also falling in love with Cleo pero sarili niya lang ang nakakaalam nun. Pero naisip din niya ang posibilidad na baka maghiwalay sila at hindi na sila babalik sa dati. Natatakot siyang mangyari yun. So she decided na busteden si Cleo. She said na hanggang kaibigan lang ang maibibigay niya kay Cleo. Nakita niya kung gaano nasaktan si Cleo sa kanya pero tinanggap ito ni Cleo at nagpatuloy ang pagiging magkaibigan nila. Alam niyang walang masasaktan at mas makakasama niya ng matagal si Cleo kung hanggang kaibigan lang sila. Until one day, dumating ang childhood friend niyang si Cindy. Pinakilala niya ito kay Cleo at hanggang sa naging magkaibigan na din silang dalawa. Nagdaan ang ilang araw at buwan, ibinalita sa kanya ni Cleo na he’s finally have a girlfriend. And no other than but Cindy. Nabigla siya sa nangyare, pero pinilit niyang magpakasaya alang alang sa dalawang kaibigan niya. Pero deep inside, parang mamamatay na siya sa sakit, sa pag sisisi kung bakit pinakawalan niya pa si Cleo. Masakit man sa kanya pero tinanggap niya ito at sinuportahan niya ang relasyon ng dalawa niyang kaibigan kahit araw araw para siyang pinapatay sa sakit kapag nakikita niyang gaano kamahal ni Cleo at Cindy ang isa’t isa. Ang tanga niya. Napakatanga niya. Yan ang paulit ulit na sinasabi niya sa sarili. Sa kanya dapat yun e, pero anong ginawa niya? Pinakawalan niya. Kaya ang nangyare, pinulot na ng iba. Nagdaan ang mga buwan at tumibay pa ang relasyon ni Cleo at Cindy habang si Rhea ay inilayo nalang ang sarili sa dalawa para hindi na masyadong masaktan. Pero isang gabi, tumawag sa kanya si Cleo. Umiiyak ito at nangangailangan ng tulong niya. Ang nangyare ay hiniwalayan pala siya ni Cindy. Masama man pero biglang sumaya ang loob ni Rhea. Isang buwan nalang sana at magiisang taon na sila pero hindi sila umabot. Gusto ni Cleo na tulungan siya ni Rhea na maibalik sa kanya si Cindy dahil mahal na mahal niya ito. Parang sinampal si Rhea ng sampung beses. Labag man sa loob niya pero tinulungan niya si Cleo pero walang nangyare. Palpak ang ginawa niya. Hindi nakipagbalikan si Cindy kay Cleo. Araw araw umiiyak si Cleo at araw araw ding nasasaktan si Rhea. Gumawa ng paraan si Rhea na mapasaya ulit si Cleo at nagtagumpay naman siya dito. Ilang araw pa ang lumipas, nakiusap sa kanya si Cleo. Gusto ni Cleo na maging sila ni Rhea. Tumatalon sa saya ang puso ni Rhea pero naisip niyang kakagaling lang sa break up ni Cleo. Alam niya sa isip niya na magiging panakip butas lang siya nito. Pero dahil nga marupok siya, pumayag siya sa nais ni Cleo. Naisip niya na baka ito na yung pagkakataong binigay sa kanya ng tadhana. Nagkamali man siya ng desisyon noon, hindi na niya ito uulitin ngayon. Alam niyang minahal siya ni Cleo noon kaya posibling bumalik din yung pagmamahal niya ngayon. Umabot din ng ilang linggo ang relasyon nila at nalaman ito ni Cindy. Nung una akala niya magagalit si Cindy sa kanya pero sinuportahan niya ang relasyon nila. Hanggang sa umabot ng limang buwan ang relasyon nila ni Cleo. Iniisip na din niya na si Cleo na ang taong papakasalan niya. Si Cleo lang ang lalaking minahal niya at mamahalin pa. Hanggang sa isang araw, naiwan ni Cleo ang cellphone niya sa bahay nina Rhea. Hindi niya alam kung bakit may biglang pumasok sa isip niya na maghalungkat dito. At doon gumuho ang mundo niya. Nabasa niya ang lahat ng conversation nina Cleo at Cindy. Nabasa niyang si Cindy talaga ang mahal ni Cleo at hindi siya. Ginamit lang siya nito para pagselosin si Cindy at bumalik na kay Cleo. Ang sakit. Sobrang sakit. Una pa lang alam na niya na ito ang mangyayare pero binaliwala niya lang. Sa pag aakalang mabago niya at mapabalik sa kanya ang puso ni Cleo. Pero hindi siya si Cindy. Maaaring siya ang first love ni Cleo pero hindi siya ang true love nito. Pinilit niyang magkonwaring hindi nasasaktan at hiniwalayan si Cleo. Sinabi niyang tinulungan niya lang itong pagselosin si Cindy para bumalik na sa kanya. Araw araw na naman nadudurog ang puso ni Rhea. Hindi niya alam kung magmamahal pa ba siya ulit. Tinanggap ni Rhea na kahit kailan, hindi na siya mamahalin ni Cleo. Masaya nalang siya kung ano man ang nakamit niya ngayon. At masaya din siya para sa dalawang kaaibigan niya. Dahil para sa kanya, best friend is always a best friend. Wala nang mas hihigit pa doon.”

“Grabe miss Belle ang sakit naman nun”

“Oo nga nakakaiyak yun sa part ni Rhea.”

“Naku ayoko maging marupok katulad ni Rhea”

“Ayoko na mag bestfriend kung ganyan lang din gagawin sakin”

Napangiti nalang ako sa sari saring komento nila.

“Okay lang ba ang kwento ko?”

“Ang lungkot naman ng kinwento mo miss Belle.”

“Oo nga e. Tsaka parang kasama mo lagi si Rhea at alam na alam mo ang kwento niya. Buong detalye pa”

“Tanga. Syempre kinwento yun ni Rhea kay miss Belle”

“Teka, ano ba ang mukha ni Rhea miss Belle? Patingin naman kami”

“Oo nga miss Belle. Tsaka nasaan ba siya ngayon? Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit”

“Masaya na si Rhea ngayon. Finally nakamove on na din siya.”

“Buti naman kung ganun. Good for her”

*riiiiiiiing*

“Oh pano yan time na, until next time ulet”

“Good Bye miss Belle”

“Good bye”

Lumabas na ako ng classroom dala dala ang mga gamit ko. Pagdating ko sa faculty ay napaboga nalang ako ng hangin at napangiti. After all this years, kaya ko palang ikwento yun ng walang pag aalinlangan.

*ring* *ring*

Kinuha ko ang tumunog kong cellphone at sinagot ang tumawag

“Hello?”

‘Hello BFF! Pumunta ka na ng simbahan sa sabado. Magpapractice na para sa kasal.’

“Okay BFF. I’ll be there”

‘Pakausap muna ako babe, hoy Rheabelle! Wag na wag kang malilate ha? At baka sa kasal malate ka din.’

“Hahaha oo naman Cindy. Madaling araw palang nadoon na ako.”

‘Sabi mo yan ha? - see you there BFF!’

“OO nga. Anyway, Congrats to the both of you. Happy wedding!”

‘Sus hindi pa nga tapos ang kasal e. Pero salamat sa support Rhea I love you’

“Hahaha. Gaga. Oh sige na may gagawin pa ako. See you on Saturday. Bye.”

‘See you bye. - Bye BFF”

I end the call and then wipe the tears that fall from my eyes. I’m happy to the both of you. 
And I am contented of what I have now.

~END

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon